Chapter 1
Shannon
"Mag-iingat kayo, doktora."
Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa guard bago ako tuluyang makalabas sa hospital na pinagtatrabahuhan ko. Katatapos lang ng shift ko at gustong gusto ko na makauwi. Namimiss ko na ang kama ko na minsan ko lang matulugan. Hays. Dumiretso agad ako sa kotse ko at bunuksan yun. Inilagay ko muna sa backseat ang mga dala ko, medical gown at ilang libro. Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago ko inistart ang kotse at pagkatapos ng ilang minuto ay nagdrive na ako paalis.
Sanay na ako sa ganito. Pag-aari rin naman ng mga magulang ko ang ospital na ito na sa susunod na mga taon ay alam kong ako na ang mamamahala. Ang hirap maging doktor, wala ng time sa party, at wala na rin time na humanap ng magiging asawa.
Oh hi. My name is Shannon Arevalo. Thirty years old na ako. Isang pediatrician. Single and definitely have no time for lovelife. Maiisip ko pa ba yan eh simula yata nung nag aral ako eh tinatak na ng mga magulang ko na dapat unahin ang pag aaral, kaya umabot na ako sa ganitong edad na wala man lang nagiging boyfriend. Hays.
Ito lang ang ayoko tuwing matatapos ang shift ko. Ang sobrang traffic. Imbes na nagpapahinga na ako sa bahay, heto at nakatanga ako habang naghihintay na umusad ang mga sasakyan. Ano pa bang bago? Welcome to EDSA. Dito ay forever ang traffic.
Kaya imbes na abutan ako ng gabi dito sa kalsada eh nagdecide ako na dumaan sa malapit na grocery store. Last week pa ako huling nakauwi sa bahay at hindi ko sure kung may makakain ba ako sa bahay. Cellphone at wallet lang ang dinala ko papasok ng store.
May karamihan din ang tao dito sa loob. Hindi naman ako bongga kung mamili kasi mag-isa lang naman ako at hindi naman ako nagtatagal sa bahay. Yung mga kailangan ko lang talaga. At hindi mawawala ang chocolate drinks. Sa isang doktora na katulad ko, alam kong healthy living dapat. Pero tao lang din naman ako na mayroong favorite food or drink. Pagkakuha ko sa lahat ng kailangan ko ay nagtungo na ako papunta ng cashier. Mabuti naman at kaunti palang ang nakapila.
Nakuha ang atensyon ko nang biglang bumahing ang tao sa harap ko. Dalawang beses pa. Makakuha pa yata ako ng virus dito. Nang ito na ang magbabayad ay nakasunod agad ako.
"Eh?" Reaksyon nito.
Nakatagilid ito kaya napagmasdan ko ito. Matangkad ito. Hindi payat at hindi mataba. Pero malapit na sa salitang payat. Maluwag kasi ang tshirt nito kaya hindi ko malaman. Maputla ang kulay nito, mukhang may sakit nga siya. Nakasuot ito ng black na cap kaya medyo natatakpan ang mukha nito.
"Gusto nyo sir, bawasan nalang natin?" Tanong ng cashier.
Kulang siguro ang perang dala nito. Medyo natagal itong hindi nakaimik bago humugot ng malalim na paghinga. Pero hindi naman sumagot. "Pero paborito ng kapatid ko ang drinks na ito." Mahinang sabi nito. Para sa isang lalaking tulad nya, masyadong malambot ang boses nya.
Medyo dumarami na rin ang pila kaya tumikhim na ako. Dahilan para mapatingin ito sa akin at magtama ang paningin namin. Ngayon ay kitang kita ko na ang mukha nya. Maputla nga talaga sya. Medyo chinito ito. Medyo lang. At masyadong expressive ang mata nya. Matangos din ang ilong nya at ang kapansin pansin ay ang magandang hubog ng lips nya. Ito siguro ang definition ng salitang 'gwapo'.
"Ah. S-sorry, miss." Nahihiyang sabi nito. "S-sige wag mo nalang isama yung chuckie." Sabi nito.
"It's okay." Biglang sabat ko kaya napatingin ulit ito sakin. "Miss, isama mo na yung chuckie. Ako nalang magbabayad sa kulang nya."
"Ha?! Naku Miss-"
"Enough." Putol ko sa sasabihin nito. "Sige na Miss. Nagmamadali na rin ako."
"Okay ma'am."
Ilang minuto pa ang dumaan bago kami natapos. Dala ang plastic ay nagmamadali na akong naglakad palabas ng grocery store.
"Miss!"
Narinig kong may sumisigaw. Kaya napatigil ako at lumingon. Nakita kong patakbong lumalapit sakin yung lalaki kanina. "Yes?"
"Ano.." Napakamot pa ito sa ilong at ngumiti sakin.
At nakaramdam ako ng kakaiba dahil sa ngiti na yun. Parang pakiramdam ko kami lang yung naririto at tila lumalakas yata ang t***k ng puso ko? Tsk. Baka napagod na naman ako ng sobra. "What do you want?" Seryosong tanong ko.
"Gusto ko lang magpasalamat sayo."
"No problem." Tugon ko. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nito. "I'll go ahead." At nagsimula na ulit akong maglakad palabas. Malapit na ako sa kotse ko nang marinig ko na naman ang tawag nya. "What?!" Naiiritang sabi ko.
"What's your name?" Biglaang tanong nito na ikinataas ng kilay ko.
"Is it important to know my name? Look, Mister. If you're trying to flirt with me then stop. I'm not interested." Deretsong sabi ko na dahilan para mawala ang ngiti nito.
"Gusto ko lang malaman ang name mo-"
"No need. Hindi na rin naman tayo magkikita." Inilagay ko agad sa loob ng kotse ko ang pinamili ko at nagmamadali na akong pumasok sa loob. Inistart ko na agad ang sasakyan. Mabilis na nagdrive ako palayo sa lugar na yun. Kita ko pa rin yung lalaki na nakatayo pa rin sa pwesto nito.
"Men. Tsk."
------
"Good evening, Ma'am." Nakangiting bati sakin ng crew. Narito ako ngayon sa isang hmm hindi ito isang cofee shop. Mostly kasi ay puro desserts ang narito. First time kong makapunta dito. Mabuti na rin ang tumambay ako dito habang nagpapalipas ng traffic.
"What is your bestseller here?"
"I suggest the double chocolate mousse, Ma'am."
"Okay then-"
"Jane, I'm sorry!"
Naputol ang anumang sasabihin ko nang may biglang sumulpot na crew sa counter area. Napataas ang kilay ko pagkakita dito. Tall, pale, and handsome-Oh wait. Forget it. Just tall and pale. Ito yung lalaking nagtanong ng name almost three weeks ago.
"It's okay, Dice." Mabait na sabi ng crew na kausap ko. "Take ko lang yung order ni ma'am tapos break na ako."
Napatingin naman sakin ang lalaking si Dice. Tsk. Heto na naman ang bwisit na ngiti nya. " It's you, miss."
"Chocolate mousse and a bottle of mineral water please." Nag abot agad ako ng bayad at hindi na pinansin si guy. Pagkabigay sakin ng sukli ay umalis agad ako at naghanap ng pwesto.
Busy ako sa pagtingin sa phone ko nang maka amoy ako ng vanilla scent. Pag angat ko ng tingin ay nakangiting mukha na naman ni Dice ang nakita ko.
"One slice of chocolate mousse and a bottle of mineral water." Masayang sabi nito habang inilalapag ang order ko. "And a free coffee."
"Free coffee?"
"Yes, Ma'am. Ang sabi ng kasama ko ay first time mo dito kaya ka may free coffee."
"Your treat?" Imposible namang may ganyan talaga. Eh di sana may nakalagay dito na free coffee for first timers.
"Yes, Ma'am." Sagot agad nya. Hindi ba sya napapagod sa kakangiti nya? "Please enjoy your dessert." At talagang kumindat pa ito bago umalis! Such a flirt!
Sinimulan ko nalang ang pagkain ko. In fairness, masarap nga. Hindi talaga ako fan ng mga cakes. I prefer chocolate drinks. Nang maubos ko na agad akong tumayo. Wala na sigurong traffic ngayon. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may maunang magbukas nun. Walang iba kundi si Dice. Nakangiti pa rin ito. Ano bang problema nito?
"Do you have a car, Ma'am?" Tanong nito na nakasunod sa paglalakd ko.
"Stop following me." Malamig na sabi ko.
"Hatid na kita sa car mo Ma'am. Meron ba?"
Pagkalapit ko sa kotse ko ay tumigil ako at hinarap sya. "Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka dun sa work mo."
"Okay lang, Ma'am. Hinatid lang kita dito."
"Mister." Napahilot na ako sa sentido ko. May pagtataka naman sa itsura nito. "Stop flirting okay? I'm not interested."
"Gusto ko lang malaman yung name mo, Ma'am."
Gosh! Why so kulit?! "Ayokong sabihin okay? Now, go back to your work."
"Ingat sa pagdrive, Ma'am. Balik kayo ulit dito!" Masayang sabi nito at ito pa mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse ko.
Wala na akong nagawa kundi ang sumakay. Ito na rin ang nagsara ng pinto. Pagka start ko ng sasakyan ay nakatayo pa rin ito sa labas. Hindi ba sya mapapagalitan sa ginagawa nya?! Sa inis ko ay ibinaba ko ang bintana ng kotse.
"It's Shannon okay?!" Sigaw ko sa kanya. My gosh! Hindi ako palasigaw na tao pero kasi iniinis nya ako! "Now, go back to your work. Bye."
Hindi ko na sya hinintay na sumagot pa. Nagdrive nalang ako paalis ng parking area. Nakita ko pang kumakaway ito. Tsk. Napaka kulit na bata. Yes, bata. Mukha kasi syang bata na naligaw lang sa isang coffee shop. Hindi ko rin masasabi na hindi na ako babalik dito, masarap kasi ang cake.
Hays. Ala. ko rin na hindi ito ang huling beses na makikita at makakausap ko ang gwapong si Dice.....