Chapter 2

1759 Words
Dice "Nandito yung favorite customer mo." Bungad sakin ni Jane. Automatic naman na nilibot ko ang paningin ko at napangiti nang makita ko si Miss Shannon. Ang aking favorite customer. Pangatlong beses na nyang makabalik dito. Napapansin ko na once a week lang yun. At tuwing ganitong oras. Aminado naman ako na favorite ko sya. Tuwing nagpupunta sya dito, iba-iba ang order nya pero laging may water. At ako naman lagi syang binibigyan ng chocolate drink. Napansin ko kasi na pag kape ang ibinibigay ko, ang dami nyang reklamo. Pero pag choco drink, tataasan lang ako ng kilay at hihinga lang sya ng malalim. Nakakatawa lang kasi tinatawag nya akong mister. Hindi naman ako lalaki eh. At hindi rin naman ako lesbian. Ewan ko ba bakit imbes na maganda eh gwapo ang mukha ko. Idagdag pa na medyo maikli ang buhok. Ayaw ko kasi ng mahaba kaso nagtitipid ako sa shampoo hehe. Hello. Ako nga pala si Destiny. Dice nalang for short. Babae po ako. Mali ka jan sa inaakala mo~. Hindi rin po ako tomboy o ano pa man, pero feeling ko malapit na kasi crush ko talaga si Miss Shannon. She's really stunning. Beautiful. Elegant. Hays. Curious tuloy ako kung anong trabaho nya? Hindi naman sya mukhang teacher. Hindi rin mukhang businesswoman? At hindi rin naman siguro model? Ewan pero wala kasi syang pang model vibes. Hehehe. Parang napaka seryoso naman kasi niya. Baka naman principal? Agad akong gumawa ng chocolate drink. Strawberry cake ang order nya ngayon. Alam na ng kasama ko na ako dapat ang magbibigay kay Miss Shannon nito. Medyo kinikilig pa ako habang palapit ako sa kanya. Sakto naman na umangat ang ulo nito mula sa pagkakatitig sa phone nito. Grabe napaka blangko naman ng mukha nya. "Miss Shannon, one slice of strawberry cake, and a free chocolate drink." "Thanks." Okay na ako dun. Actually, lahat kami dito ay may free meal. Pero ayoko naman magka diabetes, kaya kay Moss Shannon ko nalang nabibigay ang free ko pag nandito sya. Isang beses lang naman sa isang linggo eh. At sa ibang araw naman, sa tatlong kapatid ko nalang binibigay. "You looked pale. Always." Nagulat pa ako sa sinabi nya. Ako? Eh talaga naman yatang maputla na ang kulay ko eh. "Po?" " Nothing." At nagsimula na itong sumubo ng cake. How I wish ba ako nalang yung kutsara nya. May kinuha ito sa dalang bag at inilapag sa ibabaw ng table nya. Mga gamot? "Vitamins." Tipid na sabi nito sakin. "Take it." "Para sakin?" May pagtataka pa rin sa mukha ko. Binili nya ba para sakin? "Yeah. Don't worry, I'm a doctor so I'm sure that these vitamins are safe." A doctor?! OMG! Hindi ko naman naisip na isa palang doktor si Miss Shannon! Hindi naman kasi halata sa itsura nya! No offense pero ang akala ko kasi lahat ng doktor ay may edad na. Parang gusto ko tuloy malaman ang edad nya. Ibig sabihin Doc Shannon na ang itatawag ko sa kanya? " S-salamat." Kinuha ko na yung mga vitamins at bumalik na muna sa counter. "Jane. She's a doctor!" "Eh?!" Ipinakita ko sa kanya yung mga vitamins. "Heto oh, binigyan nya ako." "OMG Dice. Crush ka nya!" Parang kinikilig pa na sabi nito. "Binigyan lang ng vitamins crush na agad? At tsaka akala siguro nya lalaki ako eh. Mukha ba akong tomboy Jane?" Natawa lang naman sya sa tanong ko. "Hindi ka mukhang tomboy, Dice. Ang gwapo mo kaya. So, mukha kang guy talaga. Bakit kasi wala kang boobs?" Makawala naman? Meron naman ako nun noh! Hindi lang halata kasi iniipit hmp. "Ayan, paalis na si Dokie!" At inginuso pa nito si Doc. Nagmamadali naman akong sumunod dito para ako na ang magbukas ng pinto. Kahit hindi nya ako tingnan alam kong alam nyang ako ang nagbukas ng pinto. Ganito naman lagi pag nagpupunta sya dito. Tahimik lang akong nakasunod hanggang makarating sya sa tabi ng kotse nya. "Doc." Tawag ko. Lumingon naman ito. "Ingat po. Balik kayo ulit, doc." Pero seryoso lang itong nakatingin sakin. At pagkatapos ay binuksan na ang pinto ng kotse nya. Maya maya pa ay bumaba ang bintana nito. "Night shift ka lagi?" Tanong nya. "Yes po." Hindi kasi ako pwede sa umaga kasi walang mag aalaga sa dalawang nakababatang kapatid ko. Yung sumunod kasi sakin, may pasok maghapon. "Bakit doc?" "Well, night shift na din kasi ako starting tomorrow so hindi ako makakabalik dito agad. Siguro mga one month or two. Anyways, kapag naubos yung vitamins mo, pwede mo akong puntahan sa Arevalo Hospital." Arevalo Hospital? Ang alam ko private hospital yun. At malapit lang yun dito. Dun lang pala sya nagwowork? Parang dalawang kanto lang layo dito eh, pwedeng pwedeng lakarin. Ibig sabihin may supply na ako ng vitamins dahil kay doc Shannon? "Okay, Doc. Noted yan. Ingat pauwi!" Nakangiting sabi ko. Isang tipid na tango lang ang isinagot nito bago itinaas muli ang bintana ng kotse. Maya-maya pa ay umandar na ang kotse nito papalayo. "Arevalo Hospital huh? Makabisita nga minsan..." ------- "Excuse me, saang floor po ang kay Dra. Shannon?" Nakangiting tanong ko dito sa may reception area. Ayoko namang libutin tong buong hospital noh. Masyado itong malaki. Nakangiti din namang sumagot ang babae. "Sa Fourth floor po si Dra. Arevalo." Arevalo? Kamag anak ba nya yung may ari nitong hospital? "Thanks Miss." Nagmamadali kong tinungo ang elevator. Baka kasi lumamig ang dala kong pagkain. Yups. May dala akong rice at sinigang na pork. Mainit init pa bagong luto lang hehe. At ako ang nagluto nito. Almost one month na kasing hindi nagpaparamdam si doktora eh. Pero naisip ko naman, bakit naman sya magpaparamdam eh hindi naman kami close. Feeling close lang naman ako. At tsaka alam kong sobrang busy ang schedule ng isang doktor. Pagkarating ko sa fourth floor ay nagtingin tingin ako. Ano ba yan sana naitanong ko na rin kung saan ang saktong lugar. Baka malamig na yung dala ko eh hindi ko pa nakikita si doktora. Marami akong nakakasalubong. Mga nurses and staff. Nakakahiya naman magtanong kasi mukhang sobrang busy nila. Napatigil ako bigla. Paano kung magalit si doc kasi nandito ako? Sasabihan na naman nya ako na nakikipag flirt sa kanya. Hindi naman ako nakikipag flirt eh. Eh bakit todo effort ka? "Dice?" That voice! Napalingon ako sa tumawag sakin. At hindi nga ako nagkamali. There she is, standing with such a strong aura. Bakit ang hot nya? Bagay na bagay dito ang suot na medical gown,at ang nakasabi na stethoscope sa leeg nito. Naka-ponytail ang brownish hair nya pero seryoso pa rin ang mukha at nakataas kilay. Kinakabahang ngumiti at kumaway lang ako sa kanya. "H-hello, doc." "What are you doing here?" Tanong nito. "What's that?" Tukoy nya sa mga dala ko. "May binibisita ka dito?" Wow. Tatlong tanong yun ha. "Ah. Ikaw po doc." "Why?" Tanong na naman nya. Seryoso talaga? Nandito pa rin kami sa gitna ng hallway ng hospital? "I'm a doctor here. Not a patient. Hindi dapat ako dinadalaw." "Kumain ka na doc?" Tanong ko sa kanya. "Huh?" Itinaas ko na yung mga dala ko para matapos na yung tanungan namin. Baka mawala na ang init ng pagkain! "Para sayo to, doc Shannon. Ako po nagluto." Nakangiti ko pa ring sabi. Halatang nagulat naman sya sa sinabi ko. At nawala ang pagtaas ng kilay nya. Hindi na rin seryoso ang itsura nya. Medyo lumambot na hehe. "W-what for?" OMG! Namumula ang face ni doktora Shannon! Waah! Ang cute nya! "Baka lumamig na to doktora." Nang makabawi ay tumikhim ito. "Follow me." Naglakad na rin ito. Nakasunod nalang ako sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa siguro ay office nya. Nauna na itong pumasok at ako na rin ang nagsara. Siguro ito ang private room nya dito. Hinubad muna nito ang medical gown at naupo. At pagkatapos ay tumingin sakin. Inilagay ko naman agad sa table nya ang mga dala ko at inilabas mula sa paper bag. Binuksan ko na rin. Kaya amoy na amoy ang sinigang. Napapikit pa nga sya. "Wala akong dalang spoon and fork, doktora." "It's okay." May kinuha ito sa drawer. At ayun. Kutsara at tinidor. "Wala ka bang pasok?" Tanong nya habang inilalapit sa kanya ang lunchbox na dala ko. "Night shift ako lagi doc. Mamaya pang 6pm ang work ko." Sagot ko sa kanya. Hindi na rin sya nagsalita pa at nagsimula na syang kumain. Buti naman at wala na syang maraming tanong. Pasimple ko namang inilibot ang paningin ko. Napaka relaxing ng room nya. Makikita ang iba't ibang awarss and recognitions. May mga ilan ding picturesna sigurado naman akong sya yun. Ayoko namang lapitan at baka mapagalitan ako. Pagbalik ko ng tingin sa kanya ay tapos na pala itong kumain at nakatingin nalang din sakin. "Ang bilis mo naman kumain doc." "So.." Panimula nito. "Is this one of your too many ways of flirting?" May amusement sa tinig nya. Medyo playful rin ang mga mata nito kahit na seryoso ang itsura. "Doc-" "Shannon." "Huh?" "Call me, Shannon. Hindi naman kita pasyente eh." May kinuha pa ito sa drawer at ibinigay sakin. Mga vitamins ulit. "Doc-este, Shannon. M-marami pa akong vitamins. Salamat nga pala." "Sige na. Wag na mareklamo. Tsk." "At tsaka.. Hindi naman ako nakikipag flirt, Shannon." "Hmm.. Well, are you courting me then?" "Ha??" Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. "H-hindi naman, S-Shannon." Napaiwas tuloy ako ng tingin. Nagfocus nalang ako sa mga awards na naka display dito sa kwarto. " How old are you?" "I'm twenty five." Sagot ko na hindi pa rin nakatingin sa kanya. "Pwede magtanong?" "What is it?" "What's your favorite food?" Wow english yun ha. Napataas na naman ang kilay niya. "Damoves eh?" "Damoves?" "Yeah. I heard some of the nurses here, talking about 'damoves'. Tapos ikaw, ganon ang ginagawa." "Hindi naman kaya.." Tumayo nalang ako. Kailangan ko pang umuwi sa bahay at magprepare para sa work ko. "Mauna na pala ako, Shannon. Uuwi pa kasi ako." Sabi ko habang nililigpit ang pinagkainan nya. Nanatili lang syang nakatingin.. sakin. Yes. Nakakailang kasi sakin sya nakatingin. Pagkalagay ko sa paper bag ay tumingin muna ako sa kanya at talagang nakatitig lang sya. "Thanks." Mahinang sabi nya. Tumayo na rin ito. "Take care." "You're welcome doc." Binuksan ko na yung pinto nya at bago lumabas ay tumingin ulit sa kanya. "Balik ako next time, Doc Shannon." Hindi ko na sya hinintay na sumagot. Nagmamadali na akong naglakad palapit sa elevator. OMG. Is this what they called kilig?! Mukhang magiging hobby ko na ang pagpunta dito kay Dra. Shannon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD