Shannon
Naglalakad ako pabalik sa office ko nang mamataan ko si Dice na nakatayo sa gilid ng kwarto ko. He was here two days ago and brought foods for me. Yes, nagulat talaga ako kasi malay ko ba na mag aabala sya na dalhan ako ng foods. I think this is one of his flirty ways. But it's cute though.
May mga ilang nurses and staffs na napapatingin sa kanya.He doesn't look muscular like some other men. He was tall and has a pale skin. At yung buhok niya ay parang sa mga napapanood ng mga KPOP idols, kilala ko sila kasi ang ilang pasyente dito ay nababaliw sa kanila.
Napansin yata nito na may nakatingin sa kanya kaya bigla itong nag angat ng ulo at tumingin sa gawi ko. Hindi naman ako nagbawi ng tingin. Mas gusto ko kasing tingnan ang mga mata ng isang tao para malaman ang intentions nila kung totoo ba. And his eyes are very expressive. This guy is very innocent and yet very playful.
Nasasanay na rin naman ako sa presensya nya. Everytime na nagpupunta ako sa shop kung san sya nagwowork, lagi syang andun to give free chocolate. Alam ba nya na favorite ko yun? Pero stranger pa rin siya sakin, pangalan lang nga niya ang alam ko. Iba kasi ang pakiramdam kapag nakikita ko siya eh, nakakarelax. Parang nakakawala lang ng pagod.
And his efforts are great. I know naman na may sarili itong buhay bukod sa work. Pero talaga todo effort to bring foods for me? Nakaka entertain ang flirting style niya.
"Hello, Doktora!" Nakangiting bati nya na kumaway pa. Just like a kid. Oh. He said he's twenty five already. Five years younger than me.
"What are you doing here again?" I asked him.
"May dala akong pagkain doc."
May mga ilang staff na napapatingin saming dalawa kaya hindi ko nalang sya sinagot. Lumapit nalang ako at binuksan ang pinto. Sumunod naman agad sya at mabilis na inihanda ang mga dala sa ibaba ng table ko. Mukhang napapaswerte sya pag nagpupunta dito, lagi nalang akong free. Kapag may free time naman ako eh kumakain ako sa cafeteria, yun nga lang, iba pa rin talaga kapag yung lutong bahay. At tsaka kung gugustuhin ko naman, pwede naman talaga akong umuwi everyday, kaso mas pinipili ko nalang mag stay dito. Less pagod pa.
"Kain ka doc." Masayang sabi nya na naupo sa tapat ko.
"I said call me Shannon."
"Okay, Shannon."
Pasimple akong huminga ng malalim, ibang klase talaga ang presensya ni Dice, nakaka kalma ng nerves.
Sinimulan ko nalang kainin ang mga dala nya. This time, vegetables naman ang niluto nya. Tahimik din naman itong ginagala ang paningin sa loob ng kwarto ko. "Bakit mo nga pala ginagawa ito?" Naisipan kong itanong.
Gulat na napatingin lang siya sakin. "G-gusto ko lang, doc." Sagot nya na hindi tumitingin sakin.
Flirting pa ba ang tawag dito? Hindi ko kasi alam. Wala naman akong alam. Hindi pa naman ako nagka crush sa isang tao kahit noon pa. Hindi ko rin tuloy alam kung crush ko ba itong batang ito. Parang hindi naman bagay sabihin na crush ko sya, pang teenager lang naman yun.
"Well, naisip ko lang kasi baka ginawa mo na rin to sa mga exes mo before." Patuloy ko pa bago sumubo ng kain at gulay. Ang sarap nyang magluto.
Napalitan naman ng pagkalito yung mukha nya. "Exes?"
"Yeah. Like ex-girlfriends or ex flings? Something like that."
Oh. Ang cute ng pagkakasalubong ng kilay nya. "Hindi pa ako nagka girlfriend. So, wala akong ex kahit isa." Sagot nito na nakatitig pa sa mga mata ko.
Seriously? Sa gwapo nyang iyan? Wala pa syang naging girlfriends? Or even flings? Come on. Parang hindi naman ako naniniwala. Ganito yata lahat ng sinasabi ng mga lalaki sa mga babaeng gusto nila eh. Natawa nalang ako. Sakyan ko na nga lang. "Should I be happy?"
"Huh?"
"Sabi mo wala eh. So meaning, sakin ka lang nagka interes?" Natawa naman ako sa sinabi ko.
"Y-you can say that." OMG. He's blushing! Such a cutie!
"Well then, I'm a lucky woman." Gosh. Naglalandian ba kami dito sa loob mismo ng kwarto ko? Never ko naman naimagine na sa edad kong ito, eh makikipag flirt ako sa isang lalaking inosente. Tsk. Hindi naman siguro ako makakasuhan ng child abuse nito. "Do you have work later?"
"Oo eh." Sagot nya habang nililigpit ang pinagkainan ko. "Doc, pwede magtanong?"
"Nagtatanong ka na eh."
"Pwede ulit ako dumaan dito bukas?"
"Bakit nagtatanong ka pa? Eh lagi mo naman ginagawa eh." Batang to.
Ngumiti naman sya na parang nahihiya. I really love his smile! It makes my heart beats like I was in a marathon. "Babalik ako bukas, Shannon." Pagkatapos nyang ilagay sa paper bag lahat ng gamit ay tumayo na ako. Alam ko kasi na aalis na sya eh.
"Take care, Dice."
Napatingin naman sya bigla sakin at nagbablush pa. Come on, uso ba sa kanya ang ganito? Para naman syang babae!
"Hatid na kita." May time pa naman ako kahit papano.
"Hindi ka ba busy?"
"I'm always busy." Yes, it's true naman eh. "Let's go." Nauna na akong naglakad palabas ng room. Alam ko naman na nakasunod sya sakin base na rin sa amoy nya. Hanggang sa makasakay kami ng elevator ay tahimik lang sya. This is what I love when I'm with him. Nakaka relax talaga ang presence nya.
"Doc?"
"Hmm?"
"Are you married?"
Bigla naman akong napatingin sa kanya, Seryoso ba sya?! Mukha ba akong may asawa na? "Seriously, Dice?" Nakataas kilay na tanong ko.
Mukha naman itong kinabahan. "N-nagtatanong lang.." Kakamot kamot pa sya sa kilay nya.
"Kung kasal na ako eh di sana hindi mo ko nakakausap ngayon." Nakakainis naman to. "Hindi ko ieentertain ang pakikipagflirt mo kung kasal na ako."
"Hindi ako nakikipagflirt sayo." Seryosong sabi nya.
"Then what?"
Hindi ito sumagot. Nakarating na kasi kami dito sa ibaba. Sabay na rin kami halos lumabas. Pero tahimik lang sya na naglalakad patungo sa labasan. Bakit hindi sya sumasagot!
"Tell me." I stopped walking and faced him. "If you're not flirting, then anong tawag mo sa ginagawa mo?" Hindi ko na tuloy napigilan ang mag attitude sa kanya. At dito pa talaga sa lobby ng hospital.
"Ang pangit kasing pakinggan na pakikipag landian lang ito. Shannon, isa kang doktor. Kaya hindi bagay sabihin sayo ang salitang flirt. Hindi ka dapat nilalandi lang." Seryosong sabi nito na nakatitig lang sa mga mata ko.
And Oh God. Napanganga ako sa sinabi nya. For the first time ay wala akong naisip na sabihin sa kanya. I can almost feel the burning sensation in my face. I know I'm blushing. Dice and me, staring with each other in the lobby of my hospital, this is against my rule but the emotions inside me is unexplainable.
"See you tomorrow, Shannon. Wag masyadong magpagod." At hanggang sa maka alis ito ay nakatingin lang ako sa kanya. This guy is really something!
----
"Dra. Arevalo."
I stopped walking and saw Dr. Shawn Marquez smiling at me. He's a cardiologist. Ang pagkaka alam ko eh three years ang tanda nito sakin. Tall and a good looking man. He looks like a model. Well, Di naman ako interesado.
"Yes Dr. Marquez?"
It's lunchtime already at baka naghihintay na si Dice sa labas ng room ko. At medyo nagugutom na rin ako.
"Let's have lunch together?" Deretsong tanong nya.
Pinigilan ko ang mapataas kilay sa alok nya. Maraming beses na rin naman nya akong inalok ng lunch and dinner at never akong sumama sa kanya. Hindi naman kasi ako interesado sa kanya o sa kahit sino.
Kahit kay Dice?
"Thank you for invitation, Dr. Marquez. Sa room ko nalang ako kakain." Sagot ko at pinagpatuloy nalang ang paglalakad.
"I heard some of our staffs talking about a lesbian teenager who brings foods for you every lunch period." Sabi na naman nito na nakisabay pa.
And a lesbian? Who's lesbian? "He's not a lesbian, Dr. Marquez. He's a very good looking man and.. nevermind." Ang kapal naman ng mukha nyang sabihan ng ganon si Dice. Oo nga at hindi naman muscular si Dice, soft din ito pero hindi naman sapat yun para sabihan nya ng ganon.
"Well, I'm sorry about that. I hope I can meet him."
"Dra. Arevalo!" One of the staff in this floor approached me. Holding a familiar paper bag. "Pinabibigay po ni Dice."
Tinanggap ko naman agad yun. "Where is he?"
"Nagmamadali pong umalis, Doc. Nakisuyo lang po na ibigay ko sa inyo."
"Okay. Thanks."
"Dice huh." Oh shoot. Nandito pa nga pala si Dr. Marquez. "I guess the rumor is true."
"Mind your own business, Dr. Marquez." Bahala sya. May pagka tsimoso rin pala ang mayabang na doktor na yun.
Nagmadali nalang akong nagpunta sa room ko. Pagpasok ko ay inilabas ko agad ang mga nilutong pagkain ni Dice.San naman kaya nagpunta ang batang yun? Woah. Adobong manok naman ang ulam ko ngayon. Mukhang magiging spoiled doctor ako nito. May nakadikit pang note sa ibabaw ng lunchbox.
Hi, Doc Shannon. Please eat well :-)
May meeting kami sa school ng kapatid ko kaya umalis ako agad. Don't worry daan ako later. Hihi.
Hihi talaga? May kapatid pala sya? I'm sure he's a responsible kuya naman. Anong later pala yun. Sana naman hindi ako busy japag nagpunta sya dito..
Hindi ako excited okay? Gustong gusto ko kaso yung presence nya eh... Ang tagal naman ng LATER...