Shannon
Finally! Morning shift na ulit ako. At medyo matatagalan na ganito. Ichecheck ko lang yung isang pasyente ko bago ako umuwi. Hmm. Dadalhin ko ba pauwi yung lalagyan ng pagkain ni Dice o iiwan ko nalang muna dito? Baka sa ibang araw na nya ito makuha. Madaling araw na kasi. Ang sabi nya sa note nya eh pupunta sya, siguro naging busy sya.
Paglabas ko ng kwarto ay saktong mukha ni Dice ang nabungaran ko. Pareho pa kaming nagulat. Nakasuot ito ng color black na cap at mukhang inaantok pa. Pero nakangiti na naman sya.
"Morning, Doc Shannon." Mahinang bati nito. Halata ang antok at pagod sa aura nito.
"What are you doing here?" Binuksan ko nalang ulit yung pinto at pinapasok sya. "Hey."
"Kaka-out ko lang doc." Sagot nito na naupo sa couch. Tinanggal din nito ang suot na cap at naghikab.
"Eh bakit dito ka nagpunta? Bakit hindi ka umuwi?"
"Nakapangako kasi ako na pupuntahan kita eh. At tsaka restday ko naman bukas doc."
"Me too." Wala sa sariling sambit ko. Masyado kasi akong nakafocus sa itsura nya. Nakakaawa naman. Nakakapagod kaya ang trabaho nya pero nagpunta pa sya dito.
"Talaga doc?" Parang bigla naman itong nagising. "Sabay tayo breakfast doc. May alam akong tapsilogan dyan." Halata na pilit lang nya pinapasigla ang boses.
"Sure, why not?" Lumapit ako sa kanya. "Hintayin mo lang ako okay? You can sleep here." Pumunta ako sa isang cabinet na naglalaman ng mga gamit ko at kumuha ng blanket dun. Pagkatapos ay ibinigay sa kanya. "Use it."
"Okay lang ba doc? Hindi ba ako huhulihin ng guard dito kasi nakitulog ako?" Parang batang tanong nya pero nagsisimula ng magtanggal ng sapatos.
"Silly." Natawa tuloy ako sa kanya. Nahiga na rin sya at pumikit. "Sleep well..."
-----
Nagmamadali akong naglalakad pabalik sa office ko. Inabot ako ng almost two hours bago matapos. Malapit na rin mag six am. Dahan dahan ko pang binuksan ang pinto baka kasi magising yung natutulog dito. At tama nga ako, nahihimbing pa si Dice.
Inayos ko nalang muna ang mga gamit ko. Pagkatapos ay nagpunta sa cr para maghilamos at mag toothbrush. Sa bahay na ako magpapalit ng damit. Pagtapos ko sa ginagawa ay maingat na lumapit ako kay Dice na komportableng nakahiga sa couch.
Medyo lumuhod ako para magpantay ang mga mukha namin. Medyo naghihilik pa sya, ang cute naman. Mukha talaga syang baby. Kaya napapagkamalan syang teenager. I was about to touch his face when he opened his eyes slowly. "D-doc?" In fairness, wala syang bad breath ah. Plus pogi points. Natawa ako sa naisip ko. Bigla naman itong nagtakip ng bibig.
"Why?" Takang tanong ko. Nanatili pa rin ako sa pwesto ko. Ewan ko pero comfortable talaga ako. Lalo na ngayon na mas malapit sya."Something's wrong?"
"Di pa ako nagtoothbrush!"
Lalo naman akong natawa sa sinabi niya. Pilit ko rin tinatanggal ang palad nyang nakatakip sa bibig nya. "Nah. Hindi naman mabaho eh. Kaya dagdag pogi points ka sakin." Pero nakatitig lang sya sakin at medyo nakasimangot. "Seriously, Dice. I like your scent." Bigla naman itong namula. Talaga naman..
Seriously rin Shannon? Sa hospital talaga kayo naglandian?
"P-pwede ba akong makigamit ng cr, Doc Shannon?" Nahihiya pa ring tanong nya.
"Sure." Tumayo na ako at inilahad ang mga kamay sa kanya para tulungan syang makabangon. Ginawa naman nya at ramdam ko ang tila pagdaloy ng kuryente sa balat ko. "Let's have breakfast together." Sabi ko.
"Okay." Ngumiti ito at kinuha ang dala nitong backpack. Kumuha ito ng toothbrush dun at toothpaste. " Wait lang doc." Sabi nito bago pumasok ng cr.
Naupo naman ako sa couch habang naghihintay sa kanya. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ito. Inayos lang nito ang bag. "Are we going now?" Tanong ko.
"Okay po, doc."
Lumabas na kami ng room at sabay na naglakad. Tahimik lang kami pareho hanggang sa makasakay kami sa elevator. Naisip ko kung sa labas nalang kami kakain or sa bahay nalang. Ang pagkaka alam ko ay may stock pa ako sa bahay. "Dice?" Tawag ko sa kanya. Tumingin naman ito sakin. "Pwede bang wag na tayo mag breakfast sa labas?"
Bigla namang lumungkot ang ang mukha nito. "O-okay lang doc. Hatid nalang kita sa car-"
"No." Putol ko sa sasabihin nya. "What I'm trying to say is, sa bahay nalang tayo kumain at wag na sa labas. May stock pa naman ako sa ref."
"Talaga doc?!"
"Yups."
This is the first time. Never ako nag invite ng kahit sino sa bahay ko. I have friends naman pero hindi pa sila nakapunta sa bahay. Pero si Dice, complete stranger talaga sya. Pero I love his presence and company.
Paglabas namin ng hospital ay deretso agad kami sa parking lot. Medyo malapit lang naman ang bahay ko dito.
"Doc?"
"Hmm."
"Sinong kasama mo sa bahay?" Tanong nya.
"Ako lang." Sagot ko habang nagdadrive. "I have my own house. How about you?"
"Nagrerent kami ng apartment doc. Kasama ko yung tatlong kapatid ko." Sagot nya habang naka smile.
"Tatlo pala kapatid mo huh.." I smiled at her. Only child kasi ako kaya hindi ko alam ang feeling ng may mga kapatid.
"Yes. Senior highschool na yung sumunod sakin, tapos isang highschool at isang elementary."
"Your parents?"
"Si papa namatay na nung bata ako. Tapos si mama two years ago lang."
"I'm sorry about that."
"Okay lang doc."
Kung ganon sya nalang ang bumubuhay sa mga kapatid nya. Pero hindi mo mahahalata na marami syang problema kasi lagi syang nakangiti. Hindi katulad sa family ko. Ilang minuto pa at nakarating din kami sa bahay ko. Dalawang palapag na bahay lang ito na binilo ko last year. Sa condo kasi ako dati. Meron itong dalawang room sa ibaba at apat naman sa itaas. Wala akong katulong dito. May nagpupunta lang dito para maglinis.
Nang makapasok kami ay nilibot pa nito ang paningin. "Woah.."
Nagtungo kami sa kusina. Pagbukas ko ng ref.. Puro tubig at chocolate drinks lang ang laman. Bacon and ham lang ang naririto. "Tama na ba ang ham and bacon, Dice?"
"Syempre naman." Sabu nito na hindi ko namalayan na katabi ko na pala. Ito na ang kumuha ng lulutuin. "Ako na magluluto, Shannon."
"Okay lang ba?" Nakakahiya naman. Ako ang nag aya dito.. Pero gusto ko na rin kasing maligo.
"Yes naman.."
"Okay. Maliligo na muna ako okay?"
"Okay doc!"
Nagmamadali na akong umakyat sa taas para maligo at magbihis. Pagkatapos ay bumaba na ulit. Naabutan ko si Dice na nakaupo na sa isa sa mga chair. Busy ito sa phone. Naka ayos na rin ang mga pagkain and plates. "Dice." Nag angat naman ito ng tingin at automatic na ngumiti. Naupo ako sa tabi nya. Kinuha nito ang kanin at nilagyan ako sa plato. Pati na rin ng ham at bacon. Hindi talaga ako kumakain ng rice sa umaga, pero dahil si Dice ang nagluto, okay lang. Inabutan nya rin ako ng hot chocolate. "Thank you."
"Anong plan mo ngayon, Shannon?" Tanong nito.
"Hmm.. grocery siguro.." Yes. Wala na kasi akong stocks eh. "Ikaw ba?"
"Wala naman.."
"Gusto mo kong samahan mamaya?" Alok ko. "Restday naman natin pareho."
"Talaga doc?" Bakit ba parang gulat na gulat ito lagi. I nodded at her. " Sige, uuwi lang ako para maligo tapos babalik din agad ako."
"You can take a shower here. Do you have extra clothes?"
"Meron naman doc. Hindi ba nakakahiya na dito ako makiligo?"
"Don't worry. It's okay.."
"Okay, Shannon.." At ipinagpatuloy nito ang maganang pagkain..
Alam ko hindi na ito basta landian lang. There's something more.. Well, wala namang masama kung susubukan hindi ba? Malay nyo, bago mawala sa kalendaryo ang edad ko eh makapag asawa na ako? Hahaha. Sana...