Chapter 5

934 Words
Shannon Pagkatapos maligo ni Dice ay sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay ng kotse ko. Iniwan nya muna sa bahay yung bag na dala nya kanina. Sa pinakamalapit na grocery store nalang kami pupunta para less pagod. And after 45 minutes narito na kami. Sya na ang nagtutulak ng cart habang ako naman nagtitingin ng mga bibilhin. Syempre hindi mawawala ang mga kailangan ko bilang isang dalaga. Hehe. Snacks ko syempre at hindi mawawala ang chocolate drinks. "Get anything you want, Dice." Sabi ko sa kanya. "Hindi na, Doc." Nakangiting umiling ito. "Mukhang nag eenjoy ka ah." "This is my first time to do grocery shopping with someone. It's nice." Totoo naman eh. Pag nagpupunta ako dito eh isa o dalawa lang binibili ko. "Come on, get anything." Pero patuloy lang syang umiiling. "Sige na, nag eenjoy din akong panoorin ka." Hindi ko sya sinagot. Ako nalang ang kukuha. Chocolate and milk drinks. Kumuha lang ako ng ilang biscuits. "Sa fruits tayo, Dice." "Okay." Kinuha ko nalang ang mga fruits na alam kong babagay sa mga kapatid nya. "Para sa mga kapatid mo." Tukoy ko sa kanya. "Doc naman eh, okay na ako sa free breakfast." "Kulit mo. Anyways, sa bahay ka na ba maglunch?" Naisipan kong itanong sa kanya. "Okay lang doc. Ipagluluto kita." "Really?" "Chicken adobo, doc. Gusto mo ba?" Hindi siguradong tanong nito. "Okay lang. Tara na pili na tayo ng chicken!" Naisip ko, para pala kaming mag-asawa na namimili. Hays. Wala akong alam sa pamimili ng magandang klase ng karne kaya hinayaan ko nalang sya na pumili. "Favorite part ko ang legs and breast, doc." Huh? Ano daw? Legs? Breast? Pasimpleng tiningnan ko ang dibdib ko. Sakto lang naman, hindi malaki at hindi rin maliit. Kung sa legs naman, sigurado akong papasa sa kanya yun. Wait..what?! Bakit ba ito ang naiisip ko?! Pakiramdam ko nag iinit ang buong mukha ko. Jusko po, bakit ganito ang mga naiisip ko! "Shannon?" "Yes!" Nagulat naman ito. "Cute mo. Okay na. Nakapili na ako ng chicken." "O-okay." Hinayaan ko na rin siya na kumuha pa ng ilang mga pagkain. Sya naman may alam sa mga ganyan. Kung ako lang eh puro ham and bacon lang kukunin ko, hotdogs and nuggets. Tsk. "Shannon, kumuha na ako ng pang stock mo sa ref ha? Hindi kasi healthy yung mga frozen foods." She explained while pushing the cart. "Sige lang, Dice. Kaso di naman ako magaling magluto at hindi naman ako laging umuuwi ng bahay kaya siguro next week ko pa yan magagalaw." Nasabi ko nalang habang nakapila kami sa cashier. Nakakahiya. "Don't worry. Dadalhan pa rin naman kita every lunch eh." "You're the perfect husband material." Nasambit ko bigla. I looked at him and smiled brightly. "Gusto mo bang mag apply?" OMG. Shannon Arevalo, asking someone to be her husband? Ngumiti naman ito at pakiramdam ko lulundag ang puso ko dahil sa ngiti na iyon. "Matagal na ako nakapag apply, yung sagot mo nalang ang kulang." Smiling, but he was blushing. And he's very handsome! Damn.. Kinikilig ako. Sa edad kong ito, nakakaramdam pa ako ng kilig. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot sa kanya lalo pa at nakatitig lang asya sakin. Marami rin naman akong naging classmates na pogi pero hindi naman katulad ng kay Dice. Mabuti nalang at turn na namin para magbayad. Hays. Ano ba yan. Hanggang sa makapagbayad ay wala kaming imik pareho. Hanggang sa kotse. Nang makarating kami sa bahay ay wala pa rin nagsasalita samin. Nakakaloka naman kaso ang eksena namin kanina. Last time sa lobby ng hospital, ngayon naman sa grocery store. Hays. Tahimik lang kami pareho habang inaayos ang mga pinamili namin. Pagkatapos ay nakita ko na syang nagpeprepare ng lulutuin nya. "M-maybe I can help." Hindi na ko nakatiis. "Tell me what to do?" Nakita ko kasing binabad ng sa toyo ang chicken at ngayon naman ay naghihiwa sya ng mga sibuyas. Kinuha ko yung patatas. "Ako na magbabalat nito." "Eh? Wag na, Shannon. Magrelax ka lang jan ako na ang bahala okay?" Magiliw na sabi nito. "Come on, para matuto naman ako." Pilit ko pa. "Hmm.. sige na nga.." "Okay!" Mabuti naman at pumayag sya. Kaya naman sinimulan ko na ang pagbabalat ng patatas. Hindi ko maiwasan na tingnan sya sa ginagawa nya. Parang sanay na sanay ito sa pagluluto. Kaya naman masasarap talaga ang luto nya. "Ouch." Napangiwi ako nang makaramdam ng kirot sa daliri ko. Ayan. Katitingin ko kay Dice, heto at nahiwa ako. Nagpunta nalang ako sa sink at hinugasan ang kamay ko. "What happened?" Nakalapit na pala sya sakin. Si Dice na rin ang nagpatuloy sa paghuhugas ng kamay ko. I'm a doctor kaya naman kayang kaya ko na to. Pinatay ko na ang tubig pero may kaunting dugo pa rin. "Ako na.." Ang hindi ko lang inaasahan ay ang biglang pagsubo nya sa daliri ko. OH MY GOD! Nararamdaman ko pa ang pagsipsip nya sa daliri ko. Kaya alam ko na sobra ang pagkapula ng pisngi ko. Idagdag pa ang mabilis na t***k ng puso ko at ang init na nararamdaman ko sa katawan ko. Doctor ako pero hindi ko maexplain kung ano to. . "Dice.." Mahinang tawag ko. Jusko. "Eh di tumigil din." Binitiwan na nito ang daliri ko. "Gamutin na natin.." "No!" Napataas ang boses ko. "I-I mean.. Ako nalang.. Mabilis lang ako.." Hindi ko na sya hinintay na makasagot. Nagmamadali na akong lumabas ng kitchen at halos takbuhin ko ang pag akyat sa hagdan. "Damn.." Seriously.. Kailangan ko na yatang pumunta sa doktor para magpa checkup. Hindi na maganda ang nararamdaman ko para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD