Kinuha ni Lara ang chips na iniabot ni Simon, "Mr. Rivera maraming salamat" nakangiti niyang sabi bago tumingin kay Isabella, "Isabella tara mag laro tayo," sabi niya bago nasasabik na nag lakad papunta sa slot machine. "Hintayin mo ako, manunuod ako," sabi ni Jayvee bago sumunod kay Lara. "Bakit hindi kapa sumunod para mag laro?" Nakangiting tanong ni Simon nang makitang hindi pa umaalis si Isabella. Tumalikod si Isabella at humarap kay Simon, "Uhmm... Mr. Rivera maraming salamat" nahihiya niyang sabi. Ngumiti si Simon bago hinawakan ang ulo ni Isabella at marahang hinaplos, "masyasdo kang magalang" Kinilig si Isabella sa biglaang pag haplos ni Simon sa kaniyang ulo, namula ang maganda niyang mukha bago tumalikod, "Su-sunod na po ako sa kanila para mag laro," nauutal niyang sabi, mas

