"Ito pala ang 'exciting' na ibig niyang sabihin" sabi ni Simon.
"Bakit chairman may iba kabang ini-expect?" tanong ni Jayvee, may malisyosong ngiti.
"Hoy. Jayvee nagagaya kana kay Enrique" sabi ni Simon.
"Hoy, hoy, narinig ko nanaman ang pangalan ko?"
Lumingon si Jayvee at Simon at nakita si Enrique sa pasukan, kapapasok lang.
Nagkatinginan si Simon at Javee nang may pag tataka, "inimbitahan mo ba siya?" Tanong ni Simon.
Kinaway kaway ni Jayvee ang kaniyang kamay, "hindi ah, bakit ko naman siya iimbitahan sa ganitong uri ng lugar?" sabay libot ng kaniyang mga mata sa kaniyang harapan.
Sa isang arcade world sila, makikita si Lara na nag-eenjoy habang nakasakay sa isang horse machine na parang bata, habang si Isabella ay may ibang iniisip, ang kanyang mukha ay namumula. Habang nakasakay sa kabayo, iniisip niya na si Simon ang kabalyero at akay-akay siya nito. Grabe talaga ang imahinasyon ni Isabella pagdating kay Simon.
Lumapit si Enrique kay Simon at Jayvee, "Anong ginagawa ninyo sa lugar na ito?" Tanong niya.
Tumingin si Simon sa dalawang babae bago nag salita, "nagpasama 'yong dalawang batang babae na 'yon, akala kung anong exciting place ang sinasabi, gusto lang palang mag punta sa arcade"
"Oh, kailan ka pa napalapit sa batang kolehiyala?" Nakangising sabi ni Enrique.
"Iyang marumi mong pag-iisip, kaya ka nabubugbug ng asawa mo e," umiling iling si Simon bago nag patuloy, "nagkataon lang, palabas ako kanina galing sa UP nang makita kong may akmang susuntok kay Isabella, napadaan ako edi pinigilan ko, tapos nais raw nilang sumama, siguro para maiwasan yong siraulong lalake sa unibersidad" paliwanag ni Simon.
"Yon na iyon?" Tanong ni Enrique.
"Ano pang inaasahan mo?" Bago nag ambang sikuhin si Enrique.
"Hehe, chairman hindi ka naman mabiro" sabi ni Enrique bago hinawakan ang siko ni Simon.
"Ikaw bakit ka narito? Gusto mo rin bang sumakay sa kabay-kabayo?" Nakangiting sabi ni Simon.
"No, no, no" kinaway-kaway ni Enrique ang kaniyang kamay, "kung hindi mo alam, madalas ako rito, may underground casino ang lugar na ito, at dito ko minsang nakilala si Clint"
"Underground casino? Baka POGO yan?" Sabi ni Simon.
"Hindi, legal ang casino rito at hindi ito POGO, gusto mo bang sumama?" Nakangiting sabi ni Enrique.
"Hmm," tila nag isip si Simon bago tumingin sa dalawang babae, "tanong natin sa kanila," bago nag lakad siya patungo sa dalawa.
"Gusto nyo bang sumama?" Tanong ni Simon malapit kay Isabella.
Nagulat si Isabella sa biglang lapit ni Simon dahil nasa malalim pa siya ng kaniyang imahenasyon, ang masyadong malapit na mukha ni Simon kay Isabella ay nag dulot sa kaniya nang mabilis na pag t***k ng kaniyang puso, sa pagkagulat niya ay muntik siyang mahulog sa horse machine.
Mabuti at mabilis si Simon at kaagad niyang iniunat ang kaniyang kamay para hilahin si Isabella at yakapin bago pa siya matumba at mahulog. Magkayakap ang dalawa at bumagal muli ang mundo ni Isabella, nakahawak siya sa dibdib ni Simon habang magka dikit ang kanilang katawan, mabilis ang kaniyang t***k ng puso at bumagal ang kaniyang pag hinga, nakatitig lamang siya sa gwapong mukha ni Simon.
Click!
Kinuhanan sila ni Lara ng picture matapos niyang mapansin na parang nasa isang teleserye ang dalawa, sa kabila, kinuhanan rin ni Enrique at Jayvee ang dalawa, "kung magiging movie ito siguro ang magiging title ay, 'Falling In Love with Uncle'," sabi ni Jayvee habang kinukuhanan sila ng larawan.
"Hmm, maganda siya pero parang mas maganda kung 'Two Decades of Destiny', kasi twenty years ang age-gap nila" sabi ni Lara.
Tumango si Jayvee, "ay gusto ko yan pero pwede ring 'Love Across Decades', oh pak na pak pang great hits ang pamagat."
Tumango tango si Lara, "maganda siya pero parang pang matanda ang dating, dapat yong tunog Gen Z, 'The Generation Gap of Love', oh diba Generation Z ang datingan" bago pumalakpak siya.
Tumawa si Enrique, "ano ba kayo, ang papangit ng title ninyo, pwede namang, "My Knight and Shining Tito',"
"Ahem," nilinis ni Simon ang kaniyang lalamunan matapos mapansing naka tulala si Isabella at kinukuhanan na sila ng litrato ng kanilang mga kasama, "Okay ka lang?" Tanong niya.
Natauhan si Isabella bago nahiya, kaagad siyang tumayo ng tuwid at bumitaw kay Simon, "O-okay lang, salamat" nahihiyang niyang sabi.
"Ahm, gusto ng kasama kong pumunta sa casino underground" gusto niyo bang sumama?" Tanong ni Simon.
"Gusto! Hindi pa ako nakapunta sa ibaba, gusto kong maranasan at makita" kumikinang ang mata ni Lara matapos marining ang salitang casino.
Tatanggi na sana si Isabella dahil na hihiya na siya sa nangyare, ngunit hindi niya akalain na talagang mabilis na sasangayon ang kaniyang kaibigang si Lara. Napapikit mata na lamang siya at bumuntong hininga, alam niya ang ugali ni Lara, na kapag sinabi nito sinabi niya na.
Tumingin si Simon kay Isabella bago nag tanong, "Ikaw sasama kaba?"
"Syempre sasama yan, diba? Diba Isabella?" Masiglang sabi ni Lara.
Walang magawa si Isabella bago ngumiti at marahang tumango, "Sasama," mahiyain niyang sabi.
"So it's settled," sabi ni Simon bago tumango.
"Let's go," sabi ni Enrique bago pinangunahan ang grupo patungo sa espesyal na elevator.
Sa loob ng elevator, nasasabik si Lara at hindi na makapag hintay makita kung ano ang itsura ng underground casino, habang si Isabella ay namumula at mabilis ang t***k ng puso dahil magkadikit sila ni Simon habang nasa kanan niya si Lara. Ang cute ng ekspresyon ni Isabella kahit naka suot lamang siya ng school uniform.
Bumukas ang elvator at sa harap nila makikita ang isang engrandeng pintuan, at sa itaas mababasa ang 'Imperial Underground Casino', may dalawang gwardiya na nag babantay sa pintuan ng casino, naka suot sila ng itim na suit at naka suot ng salaming pang-araw.
Lumakad si Enrique sa kanilang harapan, "Welcome sa Imperial Underground Casino" pagmamalaki niyang pakilala na akala mo siya ang may ari ng lugar.
Nag lakad ang grupo patungo sa harapan ng casino, magalang silang binati ng gwardiyang nag babantay pag lapit nila sa pintuan bago binuksan ang pinto.
Pag bukas ng pinto, namangha sila sa tanawing nasa kanilang harapan, "wow ang daming slot machine" sabi ni Lara nasasabik.
Namangha rin si Isabella sa kaniyang nakita, hindi niya lubos akalain na may ganito kalawak na libangan sa ilalim ng isang tila ordinaryong arcade, napa wow siya.
Kitang kita sa kapaligiran ang nag niningning na dekorasyon at masasabing mahal ang mga ito. Nag lakad ang grupo papasok, sa pangunguna ni Enrique, dinala niya sila sa isang exchange booth, "Dito ka magpapalit ng token, minimum of five hundred-peso note," ibinuka niya ang kaniyang kamay at isiniwalat ang limang daliri bago nag patuloy, "at walang maximum limit, ang halaga ng chips ay nahahati sa limang pattern, may sampu, bente, isang daan, dalawang daan at limang daan, so ano pang hinihintay ninyo? Mag papalit na," nakangiti niyang sabi bago nag labas ng dalawang libo at nag papalit ng chips.
Tumango ang apat matapos marinig ang sinabi ni Enrique, tumingin si Simon sa tatlo,"Jayvee gusto mo bang mag laro? Kayong dalawa gusto nyo ba?" Tanong niya.
"Gusto ko, gusto kong masubukan ang slot machine," masayang sabi ni Lara.
"Lara?!" Gulat na sabi ni Isabella sa agarang sagot ni Lara.
"Ano? Ayaw mo ba?" Tanong ni Lara kay Isabella.
"Nakakahiya kay Mr. Rivera," bulong ni Isabella.
"Ano kaba? Barya lang ang gumastos dito para sa tycoon na kagaya ni Mr. Rivera," pangungumbinsi ni Lara.
Narinig ni Simon ang usapan ng dalawa bago ngumiti, "papalit ng limang libong token," sabi niya sa taong nasa booth bago nag labas ng limang libong piso at inabot sa kahera.
Tumingan siya kay Jayvee habang nag hihintay sa chips, "Ikaw Jayvee hindi kaba mag lilibang?" tanong niya.
Umiling si Jayvee, "papanuorin ko na lang ang dalawang batang ito sa kanilang pag lalaro," nakangiti niyang sagot.
Tumango si Simon bago kinuha ang chips na nagkakahalaga ng limang libo at inabot ang dalawang libo sa dalawang batang babae, "hati kayo, tig-isang libo kayo, ubusin ninyo kung gusto nyo," nakangiti niyang sabi sa dalawa.