Maaga silang nagising para bumalik sa hotel. Habang sakay ng club car napamangha siya habang nakikita ang mga under constructions na mga over water bungalows. Sa tingin niya mala-maldives na ang kalalabasan ng Isla Monteverde kapag natapos na ang lahat ng ipinapagawa. Nadaanan nilang dalawa si Lea at Vince na nagkakape sa pool area ng resort. Kumaway naman ang dalawa nang makita silang paparating. Bumaba silang dalawa sa club car at nilapitan ang dalawa. "Good morning!" sabay na bati nilang dalawa ni Dylan nang makalapit. "Good talaga ang morning nilang dalawa!" mapang-asar na boses ni Lea. Binalewala nilang dalawa ang sinabi ni Lea at umasta silang parang walang narinig. "Where's my daughter, Reyes?" tanong ni Dylan kay Lea. "Tulog pa, tinabihan ni Maurice at ni Jean." sagot naman

