"'Di ba, ang dapat na hinahangaan ay 'yong may mga makabuluhang nagagawa, 'yong tumutulong sa mahihirap, sa mga sinasalanta ng bagyo at ang mga nagbibigay ng dangal sa bansa. Hindi mga artistang umaarte, nag-iinarte, nagbabaliw-baliwan at kumukorni sa telebisyon, 'gaya ng Nathan De Guzman na 'yon!" paglilitanya pa ni Janice sa sarili. Kaya naman pala galit na galit sa kaniya pati ang mga nanay sa pre-school. "Grabe naman ang kamandag ng Nathan na 'yon! Wow! Wala akong masabi!" Napapalakpak pa siyang mag-isa. "Ang sarap din niyang ipa-salvage, eh." Nang makarating naman siya sa ikalawang palapag, saka niya lang napansin ang taong mukhang kanina pa siya pinapanood mula sa gilid ng railing. Pansin niya ang nakakainis na pagngisi ng bibig nito. "Galit na galit, gu

