I don’t know why but loving PJ has always been the greatest mystery in my life. Hindi ako pinatulog ng mga nalaman ko kagabi. Nalaman ko lang naman na hindi pala nagsarado ang Cup of Twist kahapon. Hindi rin ito nawalan ng kuryente. Nagsinungaling si PJ tungkol dito para hindi ako pumasok. Hindi ako pinapasok ni PJ sa Cup of Twist dahil alam niyang may hangover ako. Alam ni PJ na may hangover ako dahil nanggaling siya sa unit ko noong umaga. Naglinis pa siya at nagluto para sa akin. Mukhang siya rin yata ang nagbuhat at nagdala sa akin sa kama. At 'yong nangyari sa kama ko -- lahat ng ginawa ko kay PJ ay hindi lang basta magandang panaginip! I wasn't dreaming when I straddled and kissed PJ on the lips! Hiyang-hiya ako pero kilig na kilig din. Nagtatalo ang hiya at kilig sa buo

