Chapter 28

2822 Words

Lumipas ang isang linggo at wala pa ring pagbabago kung papaano ituring ni Papa si Lars, nandiyan ‘yung pinag-igib siya sa kabilang ilog kahit may gripo naman kami sa likod bahay. May isang araw naman na pinagputol niya si Lars ng mga malalaking tangkay ng puno dahilan para mabati si Lars, nagtawag pa nga kami ng mga manggagamot para lang tumigil ang pagtirik ng mata niya. Pinagalitan naman ni Mama si Papa dahil parang tanga na daw. Kaya kahit papaano ay tinigilan na ni Papa ang kagaspangan ng ugali kay Lars kahit na tuwing hapon ay inuutos niya sa akin na ipagtimpla daw sila ng kape at mag-uusap na naman sila gamit ang translator ni Lars sa cellphone. Batid kong nahihirapang mag-adapt si Lars sa pamumuhay dito sa Pinas, mainit dito at madalas ay nagkakapantal-pantal siya dahil sa kagat n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD