MISKIE'S POV Si Calyx ang kumausap sa manager at nagbayad ng mga nasira ni Synesthea habang nasa labas kami ng restaurant ni Synesthea. Nag pipicture si Synesthea habang ako ay nakaupo lang at pinapanood si Calyx na inaasikaso ang gulong ginawa ni Synesthea. Sa totoo lang ay sobra akong nasaktan sa ginawa niyang biglang pangingielam pero ng ako iyong sinasaktan noong babae ay nanood lang siya. "Should I post this?" Napatingin ako sa biglang lumapit sa akin na si Synesthea at pinapakita ang mga litrato niya na kinuha niya ngayon. Tulad ni Calyx ay sobrang effortless nila na kahit anong gawin ay ang ganda parin at nakakakuha ng attention. Wala sa sarili kong niyakap si Synesthea, ito na siguro ang pinaka worse sa lahat lalo na at hindi ko magawang kamuhian si Synesthea dahil alam kong wa

