MISKIE'S POV Pumasok kami sa isang mahal na restaurant at siyempre kahit doon ay automatic na nagtinginan ang mga babae kay Calyx na naglalakad lang naman. Para talaga siyang magnet na kahit wala naman siyang gawin ay talagang makukuha atensiyon mo. Tignan niyo, naglalakad lang siya at ang mga babae ngayon ay halos nakatitig na sa kanya at alam kong napansin niya rin iyon. Umupo kami sa bandang dulo at kahit ako ay ramdam ko ang titig ng mga babae na hanggang ngayon ay nakasunod parin sa amin. Nagpanggap na lamang akong busy sa menu dahil wala ring pakielam si Calyx sa mga babaeng nakatitig sa kanya at pinipindot lang sa gilid ang order niya. Dito kasi ay hindi na magtatawag at sa gilid ay ikaw na mismo pipili ng oorderin mo. Nang makaorder na rin kami ay napansin ko ang pasimpleng pad

