MISKIE'S POV Nang makarating kami sa condo ni Calyx ay agad akong naupo sa sofa at binuksan ang box kung nasaan ang ring na binili ko. Inilapag naman ni Calyx ang mga pinamili namin. Sinuot ko ang singsing sa daliri ko at agad na tinignan sa kamay ko. Naramdaman ko naman ang pagtabi sa akin ni Calyx kaya naman napunta sa kanya ang atensiyon ko. “It's pretty.” Pinakita ko kay Calyx ang nakasuot sa akin na singsing na agad naman niyang tinignan, pinagsalikop niya ang kamay namin at hinalikan ang kamay ko. “Yeah, you're pretty.” Namula naman ako na agad niyang ikinangisi. “Stop it, Calyx.” Namumula kong sabi bago binawi ang kamay ko at pumasok na sa kwarto niya para mag shower. Saglit lang ako nag shower at pag labas ko ay nakita kong nakahiga na doon si Calyx at may kausap sa cell

