MISKIE'S POV Bumaba na ako ng hagdan dahil nandoon na si Calyx at nag hihintay sa akin, usapan na namin iyon na isang beses sa isang linggo ay mag dadate kami. Nakangiti niya akong sinalubong at agad na hinalikan sa pisngi bago pinulupot ang braso sa aking bewang. Nagpaalam kami kay Manang bago umalis at sumakay sa kotse ni Calyx. "Where do you want to go?" Nakangiti nitong tanong sa akin at halos sa araw araw kong nakikita si Calyx ay walang araw na hindi siya pogi. “You're drooling again.” Wala na naman ako sa sarili na napahawak sa gilid ng labi ko. Inis ko siyang hinampas na ikinahalakhak naman niya. “Stop teasing me.” Nakanguso kong sabi, naramdaman ko ang biglaang pag dampi ng labi niya kaya naman agad akong namula at ramdam ko ang pag bilis ng t***k ng puso ko dahil sa ginawa ni

