MISKIE'S POV Pinauwi ni Calyx si Cally sa kanila matapos naming magpacheck up at 5 weeks pregnant si Cally. Nang pauwi na kami ay panay ang tanong ni Calyx hanggang maihatid namin si Cally sa bahay niya at doon muna pansamantala bago ilipad sa ibang bansa kung nasaan ang parents niya. Nang makauwi kami sa condo niya ay agad nahiga si Calyx sa kama, hinubad ko naman ang coat ko at inayos ang coat ni Calyx na inihagis na lamang niya kung saan. “I can't believe it.” Napatingin ako kay Calyx dahil kahit ako naman ay hindi rin makapaniwala dahil nga lesbian si Cally kaya naman nakakapag taka na bigla itong nabuntis. “Me too. Sa tingin mo sino kaya ang ama nung dinadala niya?” Napaupo naman siya sa kama at napatingin sa akin. “Come here.” Lumapit naman ako sa kanya at agad niya akong pinaup

