MISKIE'S Lumipas ang ilang buwan at halos laging kaming dalawa ni Calyx ang magkasama. Madalas siyang sweet sa akin at pakiramdam ko tuloy ay boyfriend siya lalo na dahil sa way ng pag aact niya sa akin. Hindi ko na sinubukang banggitin pa sa kanya ang pangalan ni Synesthea at sa tuwing magkavideo call kami ni Synesthea at nasa condo ako ni Calyx ay normal ito na para bang wala siyang nararamdaman para kay Synesthea. Inaasar asar niya si Synesthea tulad ng dati niyang ginagawa. Hindi niya na rin binabanggit si Synesthea kaya iniiwasan ko ring banggitin kahit minsan ay nadudulas ako dahil sa dami ng kinukuwento sa akin ni Synesthea na nangyayari sa kanya. Hindi naman nabago at alam kong gabi gabi ay may kasamang ibang babae si Calyx sa kama. Noong una ay naiinis ako hanggang sa hinay

