MISKIE'S POV Nang makaalis kami sa kotse niya ay hinawakan ni Calyx ang kamay ko hanggang sa makarating na kami sa tapat ng condo niya. Inilagay niya lang ang passcode niya bago niya muling hinawakan ang kamay ko. Nagpatianod naman ako ng dalhin niya ako sa kwarto niya. “I'll just shower.” Tumango naman ako. Balak ko sang tumingin tingin ng mapansin kong naghubad mismo sa harapan ko si Calyx ng pang itaas at siyempre sino ba naman ang matinong babae ang iiwas pa ang tingin kung ganyan ang makikita mo? “You're drooling.” Nagulat ako sa sinabi niya at agad napahawak sa gilid ng labi ko at namula ako ng wala naman. Ngumisi lang naman si Calyx at pumasok na sa loob ng banyo niya. Napahiga ako sa kama niya at napatingin sa kisame niya habang hawak hawak ang dibdib ko na sobrang lakas ng t*

