MISKIE'S POV Bumaba na ako at nag text na sa akin si Calyx na nasa labas na. Sinabi ko na agad sa kanya na h'wag ng pumasok dahil alam kong pauulanan ako nila Mom and Dad ng tanong about kay Calyx kapag pinapasok ko pa siya at nakita siya. Alam niyo naman na kilala rin si Calyx at sure akong kapag na umpisang macurious sila Mom and Dad ay madali nilang malalaman kung sino ba talaga si Calyx at hindi gaano kaganda ang reputasyon ni Calyx kaya mas mabuting wag na lang. Bitbit ko na rin pababa ang dalawa kong maleta na dadalhin ko sa beach na pupuntahan namin para sa debut ni Synesthea. Tinulungan agad ako ng maid ng makita akong nahihirapan dahil doon ay napunta sa akin ang tingin ni Mom. “Don't make trouble.” Tumango naman ako sa sinabi ni Mom. Gusto pa sanang mag paalam kay Manang p

