MISKIE'S Lahat kami ay nakaupo na sa sofa nina Synesthea at hinihintay na lamang bumaba si Synesthea dahil nag aayos pa ito. Nang makita kong pababa na si Synesthea ay agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya. Pinigilan kong maigi ang sarili ko na maluha. “Sorry.” Mahina kong bulong sa kanya at mas niyakap pa siya ng mahigpit. Tinawalanan naman ako nito at pinabitaw ako sa kanya, napanguso naman ako. Mas lalo lang akong nainis sa sarili ko dahil matapos kong ganunin si Synesthea ay hindi man lang ito nagalit sa akin. "Oh my god, I can't believe it you're turning 18 na. So you can drink alcohol na, right?" Tinignan ko pa si Kuya Vincent, sa totoo lang ay pati ako ay looking forward na mag 18 si Synesthea para wala nang mairason si Kuya Vincent para hindi payagan si Synesth

