MISKIE'S POV Agad akong naalimpungatan ng makarinig ng sunod sunod na tawag mula sa cellphone ko. Antok akong sinagot iyon. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag sa akin. “Hmm?” “Are you still sleeping? Really?” Napakunot ang noo ko at binuksan ang isang mata para tignan ang oras at sabado ngayon kaya walang pasok kaya naman obvious na late akong gigising ngayon, tanghali na ngayon. “Why are you calling, Synesthea-girl?” halong pabulong kong tanong dahil sobra pa akong antok, kahapon kasi gusto ko sana kausapin si Calyx kaso agad na siyang nawala kaya hindi kami nakapag usap. Gusto ko siyang kausapin kahit hindi ako alam kung ano ba ang dapat kong sabihin dahil sa nangyari. Mukha namang wala siyang pakielam sa nangyari at back to normal siya, inaasahan ko na rin naman dahil hin

