MISKIE'S POV Dumaan ang isang linggo at hindi naulit ang date namin ni Calyx, hindi ko alam kung date bang matatawag iyon pero kinoncider kong date namin iyon, 'cause why not? Pero kahit na hindi naulit iyon ay may progress naman ang relationship namin at feeling ko mas naging close pa kami sa isa't isa. Madalas kaming magkausap at nag uusap tungkol sa random stuff, napag uusapan namin din si Synesthea-girl at pansin ko rin na interested siya sa topic na iyon kaya madalas ko ring inoopen at kung hindi ako ang mag oopen ay siya mismo. Hindi naman tago ang nangyari noon at naikuwento ko rin kay Synesthea iyong nangyari at pinag usapan namin ni Calyx noong nag date kami pero wala na naman siyang pakielam. Siyempre hindi ko sinabi iyong hindi niya alam na may gusto ako kay Wade dati, iyong

