Dumating na ang gabi ng prom. Ang buong eskwelahan ay puno ng excitement at anticipation. Bawat estudyanteng dumadaan ay naka-bihis ng maayos, handa na para sa isa sa pinakamahalagang gabi ng kanilang high school life. Sa loob ng gymnasium, pinalamutian ng mga ilaw at dekorasyon ang bawat sulok. Ang tema ng prom ay black and gold, na nagbigay ng eleganteng ambiance sa lugar. Habang papalapit ang gabi, dahan-dahang nagdatingan ang mga estudyante, kasama ang kanilang mga dates. Ang bawat hakbang nila ay tila ba sinasabayan ng musika, ang kanilang mga tawa ay nagbibigay buhay sa paligid. Si Anna Marie, suot ang kanyang eleganteng itim na gown na nag-highlight sa kanyang kagandahan, ay kasama si JM na naka-black suit din. Masaya silang nag-uusap at nagtatawanan habang naglalakad papasok sa v

