Paulo’s Point of View
Malayo ang itsura ni Marcus sa lalaking aking napanaginipan kagabi pero pakiramdam ko ay pareho ang awra na kanilang inilalabas. Sa tuwing titingin ako sa kanya, mgakakahalo ang aking nararamdaman. Mayroon ‘yung galit na hindi ko maintindihan kung saan nagmumula. Mayroong ding bahid ng lungkot at higit sa lahat, isang hinid pangkaraniwang pakiramdam ng seguridad.
Sa bawat nagtatama ang aming paningin ay ang siyang pag-iwas ko. Gusto ko ring malaman kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa tuwing andyan siya.
“Ah, anyway,” ang saad ni Marcus sabay tingin sa akin. Napatingin din naman ako sa kanya. “How’s the moon cake? Are they good?”
“Uhm, hindi ko pa natitikman,” ang tugon ko naman.
“You should,” ang bilin naman niya sabay ngiti. “It’s my favorite.”
“May lahi ka bang intsik?” ang tanong ko naman.
“Uhm, I don’t think so,” ang hindi naman niya siguradong tugon. “My grandfather is an American. But I really do like Chinese food as if I am one.”
Napatango naman ako.
“I’m glad you’re already talking to me,” ang tugon niya. “Akala ko, buong buhay mo akong iiwasan at susungitan. I actually thought you hate me that much.”
“May rason ba para kamuhian kita?” ang tanong ko naman. Totoo. Wala namang rason para kamuhian ko siya. Nung una pa lang puro kabutihan na ang kanyang pinakita sa akin. Tinulungan niya ako na hindi bumagsak nang mabunggo ako sa kanya, binigyan niya ako ng moon cakes, at ngayon ay ibinigay niya sa akin ang itlog mula sa tapsilog niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko pa nararanasan ang ganito kaya naman nakapagtataka. Hindi rin naman ako isang mapanghusgang tao at kinikilala ko muna ang mga tao sa aking paligid bago sila iwasan o bigyan ng pagkakataong maging kaibigan.
“So, that does mean we could be friends?” ang tanong naman niya sa akin. Kahit na may kaunting agam-agam ay napatango naman ako sa kanyang alok ng pagkakaibigan. Tulad nga ng aking nasabi, hindi lang galit at lungkot ang aking nararamdaman sa tuwing nakikita ko siya. Napangiti naman siya at inalok ang kanyang kamay. Inangat ko ang aking kamay parakunin ang sa kanya ngunit sa pagdampi ng aking balat sa kanya ay tila ba napuno ang aking paningin ng nakakasilaw na ilaw. Isang tanawin ng karagatan may lalaking tumatakbo sa aking harapan. Ramdam ko ang buhangin sa aking talampakan na tila baa ko mismo ang naroon. Hila-hila niya ako. Kahit na ang amoy ng karagatan ay pinuno ang aking pang-amoy. Dumagdag pa ang malakas na alon sa aking pandinig. Hindi ko masyadong maaninag ang lalake dahil sa lakas ng araw. Naririnig ko ang aking sariling tumatawa.
“Na-e-enjoy mo ba, Joaquin?” ang tanong niya sabay tingin sa akin. Tinignan ko ang kanyang mukha. Ang lalaking nakita ko sa aking panaginip. Si Chris.
Bigla na lang nawala ang lahat at bumalik ang aking nakikikita sa kainan. Kaagad ko namang binawi ang aking kamay. Gayundin naman ang ginawa ni Marcus. Napatingin kami sa isa’t-isa. May halong pagkagulat din sa kanyang mga mat ana tila ba nasaksihan din ang aking mga nakita. Iniwas ko naman ang aking tingin. Imposible namang naranasan niya rin ‘yun.
Mas lalong napuno ng katanungan ang aking isipan. Nagsimula ang mga kakatwang pangyayari nang mapunta ako rito sa Saint Anthony.
“P-pasensya na,” ang paghingi ko naman ng paumanhin. “May klase pa kami ni Adrian ng 7:30. Kailangan na naming umalis.”
“O-oh, see you then,” ang tugon naman ni Marcus. Tumayo naman ako at kaagad na kinuha ang aking bag. Napatingin naman ako kay Adrian. “Adrian, tara na.”
Kaagad naman niyang kinuha ang kanyang bag at tumayo.
“Pasensya na, mga dude,” ang paghingi naman niya ng paumanhin kila Marcus at Dustin. “May klase pa kasi kami.”
“No problem, bro,” ang saad naman ni Dustin. Sabay naman kaming lumabas ni Adrian mula sa kainan at pumasok ng campus. Tinahak naman namin ang daan patungo sa School of Arts and Sciences. History Class ang una kong klase kaya naman mas nakakadagdag sa nararamdaman kong katamaran. Pero… hindi ito ang iniisip ko ngayon.
“Pau! Uhm, Paulo. Hello,” ang pagtawag sa akin ni Adrian. “Tulala ka na naman at lumilipad ang isipan,” ang komento naman niya.
“Adrian,” ang nababahala kong pagtawag sa kanya.
“O?” ang reakyon naman niya. “May problema ka ba?”
“Nangyari na naman,” ang saad ko.
“Ang alin?” ang tanong niya sa akin ulit.
“Nakakita na naman ako ng isang vision,” ang balita ko sa kanya. “Naalala mo ‘yung ikwinento ko sa’yo tungkol sa mooncake tapos… may nakita akong mukha at tinawag ako sa pangalang Wacky?”
“Oo!” ang pagkumpirma naman niya. “Ano namang nakita mo ngayon?”
“Parehong mukha pero… mas malinaw ko nang nakikita ang paligid. Nasa karagatan kami. Hila-hila niya ako at sabay kaming tumatakbo sa buhangin. Tinawag na naman niya ako bilang Joaquin. Adrian, may sumpa yata ang Saint Anthony!”
Napakunot naman ang kanyang noo nang marinig ang aking sinabi.
“Ano ba ‘yang sinasabi mo, Paulo?” ang reaksyon naman niya sabay tawa. “Kung isinumpa ang buong Saint Anthony, dapat lahat ng tao rito ay nakakaranan niyan.”
Natigilan naman ako sa kanyang sinabi.
“Oo nga, ano?” ang tugon ko nang mapagtanto ang kanyang punto. “Adrian, anong gagawin ko?
“Sa totoo lang, hindi ko rin alam pero sa ngayon, sa tingin ko ay mas makakabuti kung isulat mo lahat ng mga nakikita mo.”
Tumango naman ako bilang tugon.
“Naisip ko, baka may multong gustong huming ng tulong sa’yo,” ang saad niya. Multong Joaquin o Cris ang pangalan.
“Pero sa dami-dami ng estudyante, bakit ako pa?” ang reklamao ko naman.
“Baka kasi ikaw lang ang may kakayanan na tulungan siya,” ang paliwanag naman niya. Sa kanyang sinabi, mas maraming katanungan ang aking naisip. Kung multo nga si Joaquin, bakit sa panaginip siya nagpapakita? At bakit may mga visions akong nakikita?