John Paulo’s Point of View
Naupo naman kami ni Adrian sa pinakalikod nang makarating sa silid-aralan. Maagang pumasok ang aming propesor. Sa tingin ko ay hindi pa kami kompleto. Napatingin naman ako sa aking wrist watch. May ilang minuto pa bago magsimula nag klase.
“Let’s wait for at least five more minutes before we start,” ang anunsyo naman ng aming propesor. Kinuha ko naman ang aking notebook at sinimulan kong isulat lahat ng mga wirdong pangitain na nakita ko; mula sa mukhang nakita ko nang buksan ko ang karton ng mooncake, ang panaginip ko kagibi at ang pangitaing nakita ko habang kumakain ng almusal kani-kanina lang. Sino kaya si Cris at Joaquin? Ano ang konekyon nila sa isa’t-isa at anong koneksyon nila sa akin?
Dahil naging abala ako sa pagsusulat, hindi ko namalayan na nagsimula na aming klase. Napatingin naman ako kay Adrian. Hindi rin siya nakikinig; bagkus ay gumuguhit siya sa likuran ng kanyang libro.
“Adrian,” ang pagtawag ko naman sa kanya. Tumigil naman siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. “Bakit hindi ka nakikinig?” ang tanong ko sa kanya.
“Hindi ka rin naman nakikinig, eh,” ang argyumento naman niya.
“Naging abala ako sa pagsulat sa mga karanasan ko,” ang paliwanag ko naman. “Kaya hindi ko namalayan na nagsimula na ang klase natin. Patingin nga ng ginuguhit mo.”
Tumango naman siya at pinakita ang kanyang iginuhit. Kaagad naman akong namangha sa aking nakita. Iginuhit niya ang aking mukha.
“Hala,” ang reaksyon ko. “Ang galing mong gumuhit, Adrian.”
“Salamat, ito ang hobby ko,” ang saad naman niya. “O pampalipas ng oras kapag na-bo-bore ako katulad ngayon. Kung bakit ba naman kailangan pa nating kumuha ng history class kung English Majors naman tayo,” ang reklamo niya pa.
“Wala naman tayong magagawa kasi parte ng curriculum natin,” ang komento ko naman.
“Itutuloy ko na lang ang pagguhit ko,” ang saad naman niya. “Puro memorization din naman.”
“Hay, naku. Tinatamad ka lang talaga,” ang reaksyon ko. “Adrina, may naisip akong ideya.”
“Ano naman ‘yun?” ang tanong niya sabay bawi ng libro niya mula sa mga kamay ko.
“Iguhit mo ang mukha ng lalaking palagi kong nakikita,” ang sabi ko sa kanya.
“Magandang ideya nga yan pero… sigurado ka bang naaalala mo ang mukha niya?” ang tanong naman niya sa akin. Napa-isip naman ako.
“Sa totoo lang… hindi ko sigurado,” ang pagtatapat ko. “Pero sasabihan kita kapag sigurado na ako.”
Napatango naman siya bilang pagsang-ayon.
“Tsaka nga pala,” ang dagdag ko naman. “Samahan mo ako mamaya sa Chinatown.”
“Chinatown?” ang nagtataka naman niyang pag-uulit. “Anong gagawin mo sa Chinatown?”
“Napagdesisyunan ko na tulungan ang multong gumagambala sa akin,” ang sabi ko naman sa kanya. “Gusto kong grumaduate nang payapa, utang na loob.”
“Okay,” ang hindi naman niya siguradong tugon. “Naiintindihan ko ang gusto mong gawin, Paulo pero… hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan nating pumunta ng Chinatown.”
“Ah,” ang reaksyon ko naman sabay tango. “Doon kasi naganap ‘yung unang panaginip ko.”
“Oo,” ang pagkumpirma niya. “Pero nakakalimutan mo na ba na naganap ang panaginip mo sa taong 1969?” ang pagpapaalala naman niya sa akin.
“Oo nga, no?” ang tugon ko naman annag mapagtanto ang kanyang sinabi. “Pero pumunta pa rin tayo; baka may makatulong sa akin doon. Malay mo may pangitain na namang pumasok sa aking isipan.”
“Sa bagay,” ang huli niyang sinabi bago pinagpatuloy ang kanyang pagguhit. Kinuha ko naman ang aking libro at nakinig sa propesor.
*****
“For your homework, you need to memorize the Preamble of the 1987 Constitution,” ang anunsyo naman ng aming propesor. Napanganga naman ako sa aking narinig. Ma-me-memorize ko kaya ‘yun nang dalawang araw lang? “Let’s call this a day, everyone. I’ll see you next time. Same place; same time.”
“Thank you, Ma’am,” ang pasasalamat naman naming lahat bago isa-isang lumabas ng lecture room. Inayos ko naman ang aking mga gamit at sinilid sa aking backpack. Nang makapag-ayos ay kaagad ko naman ‘yung sinuot ‘yun. Magkasabay naman kaming lumabas ni Adrian. Muli akong napatingin sa aking wrist watch upang tignan ang oras. 9:30am. May thirty minutes pa kami para sa susunod naming klase.
“Saan muna tayo?” ang tanong naman sa akin ni Adrian. “Gusto mo bang bumalik muna sa dorm room natin?”
“Hindi na,” ang pagtanggi ko naman. “Pumunta na lang tayo ng canteen.”
“Sa bagay, nagutom ako sa una nating klase,” ang komento niya na nagpakunot naman ng aking noo.
“Bakit ka naman ginutom? Eh, hindi ka naman nakinig sa lecture natin kanina,” ang komento ko naman.
“Nakakapagod din kaya mag-drawing,” ang reklamo naman niya. “Mas nakakapagod kaysa makinig.”
“Tara na nga,” ang pagsuko ko naman sabay buntong hininga. “Basta pagkain talaga.”
“Alam mo na,” ang natatawa naman niyang wika. Kapwa namin tinahak ang daan patungo sa canteen. Natigilan kami nang makasalubong si Ate Somi.
“Ate Somi, good morning,” nag bati ko naman sa kanya.
“Good morning din sa inyo,” ang nakangiti niyang pagbati pabalik. “Wala kayong klase?”
“Katatapos lang ng History class namin, Ate,” ang tugon naman ni Adrian. “Nakakapagod.”
“Makapagreklamo ka naman diyan,” ang komento ko. “Hindi ka naman nakinig sa lecture.”
Natawa naman si Ate Somi sa aking sinabi. “Saan punta niyo?”
“Sa canteen, Ate,” ang tugon ko naman.
“Bago ko ng apala makalimutan, may meeting tayo mamaya,” ang sabi ni Ate Somi. “Kailangan niyong mabisita ang club office natin. Wala naman tayong masyadong pag-uusapan. Kailangan niyo lang i-update ang contact details niyo.”
“Sige, ate,” ang kaagad naman naming pagpayag.
“Osiya, I have to go,” ang paalam naman ni Ate Somi. “May klase pa ako.”
Nang makapagpaalam kay Ate Somi ay ipinagpatuloy namin ang paglalakad patungo sa canteen.
“Adrian, busog pa ako,” ang saad ko naman nang makarating kami. “Pwede bang ibili mo na lang ako ng hot choco?”
“Sige.”
“Maghahanap na muna ako ng mauupuan natin,” ang wika ko bago nagtungo sa isa sa mga mesa at hinintay si Adrian. Inilabas ko naman ang aking History Book at sinimulang basahin ang Preamble na pinapa-memorize ng aming propesor. “We, the sovereign Filipino people. Imploring… imploring… ano na nga ba ulit ‘yun?”
Bago ko ibalik ang aking tingin sa aking libro ay may sumalo sa aking sinasaulo. “the aid of our Almighty God, in order to build a just and humane society…”
Napatingin naman ako. Si Marcus. Muli ko na namang naramdaman ang halo-halo kong emosyon.
“Are you memorizing the Preamble?” ang tanong naman niya sa akin.
“Ah, oo,” ang tugon ko naman. “Homework namin.”
“Why do I have this feeling na… you still feel uncomfortable when I’m around?” ang retorikal naman niyang tanong.
Ano nga bang isasagot ko? Hindi ko rin alam.
“Marcus!’ ang pagtawag naman ni Adrian sa kanya nang dumating, bitbit ang pagkain at mga inumin. Inilapag naman niya ‘yun sa mesa bago hinarap si Marcus. “Free time mo rin?”
“I’m actually on my way to my class,” ang tugon naman ni Marcus. Napatingin naman siya sa akin. “I’ll see you around, Paulo.”
Tumango naman ako at pinilit na ngumiti. Pinanood naman naming siyang lumabas ng canteen.
“Bago ‘yun, ah,” ang komento naman ni Adrian nang makaalis na si Marcus. Napatingin naman ako sa kanya.
“Ang alin?” ang tanong ko naman.
“Na hindi mo siya sinungitan,” ang sagot niya.
“Hindi ba tinanggap ko na ang pakikipagkaibigan niya?”
“Mabuti naman,” ang tugon naman niya pagkatapos ay sinimulang kumain ng kinuha niyang pasta.
“Adrian, kaaalmusal mo lang kanina,” ang reaksyon ko naman na ikinatawa niya. Napa-iling naman ako; saan kaya napupunta lahat ng kinakain niya? Wala na talaga akong ibang masabi pa. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagsasaulo ng Preamble. Kailangan ko ng mahabang oras para rito. Isa kasi ito sa aking mga kahinaan.