Chapter Twelve: Confirmed

1695 Words
Paulo’s Point of View Halos sampung minuto pa lang ako sa pagsasaulo ng Preamble pero gusto ko na kaagad sumuko. Napatingin naman ako kay Adrian at sa kinakain niya. Nanlaki naman ang aking mga mata. “Adrian, ubos mo na agad?” ang reaksyon ko nang makitang wala nang lamana ng plato niya. Napakamot naman ako ng ulo. “Parang black hole ‘yang tiyan mo.” “Kamusta naman ‘yang sinasaulo mo?” ang tanong niya sa akin. “Sana parang tiyan mo na lang ang utak ko,” ang tugon ko. “Para memorize ko na agad ang lahat.” “Sisiw lang ‘yan sa akin!” ang pagyayabang naman niya. “Asus,” ang reaksyon ko naman. “Halika na nga sa susunod nating klase.” Isinilid ko naman ang aking mga gamit sa aking bag at tumayo. Kaagad naman siyang sumunod. Pagkalabas naming ng canteen ay tinahak namin ang daan patungo sa aming susunod na klase.   *****   Lumipas nang mabilis ang araw, kalalabas naming ni Adrian mula sa aming huling klase. Patungo kami ngayon sa School of Education para sa meeting na tinutukoy ni Ate Somi. Nang makarating kami sa club room ay naroon na rin ang ibang officers. “Tuloy kayo,” ang saad naman ni Ate Somi na nakaupo sa pinakadulo ng mesa. Kaagad naman kaming naupo. “So, this is our club room. Kung mapapansin niyo; may mga iba nang gamit sa paligid. Makiki-share tayo sa ibang club ng Department natin since rush ang pagkakabuo ng ating club. Anyway, gusto rin tayong makita ni Prof. Sanchez. Pumayag siya na maging Adviser ng English Society. Habang hinihintay natin siya; ibibigay ko muna itong forms sa inyo para ma-update niyo ang details niyo. Kailangan natin ito ngayon kasi ipapasa natin sa Office of Student Affairs.” Pinasa naman niya ang mga forms. Nang matanggap ang akin ay kaagad ko namang sinulat ang mga detalyeng kanilang hinihiling. Nang matapos ay ibinalik ko ang papel kay Ate Somi. Sakto namang dumating si Prof. Sanchez. Isa siyang babae na siguro ay nasa thirties niya. Maikli ang buhok ngunit mukha namang mabait. Pumunta naman siya sa harapan. “Good afternoon, everyone,” ang bati naman niya sa amin. “Good afternoon, prof,” ang bati naman namin sa kanya pabalik.  “Since, this is our first tike to meet each other; will you introduce yourselves?” ang saad naman ni Prof. Sanchez. “I’ll start. I’m Professor Sarah Sanchez. I’m thirty—two years old. I have been teaching here for eight years.” Ipinagpatuloy naman naming ang pagpapakilala. Sumunod naman si Ate Somi dahil siya ang Presidente ng aming club. Tulad naman ng inaasahan ay ako ang sumunod. “Uhm, hello po. I’m John Paulo Collado. I’m nineteen years old. Uhm, I like…swimming,” ang saad ko pero teka, swimming? Eh, hind inga ako marunong lumangoy, eh. “Hindi pala swimming. Kahinaan ko ‘yun.” Natawa naman sila sa nasabi kong ‘yun. “I like reading novels kaya naman balang araw gusto ko ring maging isang manunulat.”   “Ako nga po pala si Adrian Cruz. Nineteen years old. I like eating… a lot,” ang pagpapakilala naman ni Adrian sa kanyang sarili. Kahit sa self-introduction niya ay nagagawa niya pa ring i-incorporate ang hilig niya sa pagkain. Isa-isa nga kaming nagpakilala. “I think that’s all we need to do today,” ang anunsyo naman ni Prof. Sanchez. “Before I forget, you can use my office as your meeting room. Just tell me when so I can prepare.” “Thank you, Prof!” ang pasasalamat naman naming lahat sa kanya. “Handa ka na ba?” ang tanong ko naman kay Adrian pagkalabas naming ng Club room. “Para saan?” ang tanong naman niya kaya naman napaikot ako ng mga mata. “Nakalimutan mo na?” ang reaksyon ko naman. “Hindi ba nagpapasama ako sa Chinatown?” Ang pagpapaalala ko naman sa kanya. “Ah, oo nga pala,” ang saad niya nang maalala. “Pasensya na, Paulo. Ginutom kasi ako sa meeting natin.” “Ha?!” ang gulat ko namang reaksyon, “Na naman!” Napakibit-balikat naman siya. “Libre mo ako ng pagkain,” ang wika niya sabay ngiti. “Oo na,” ang pagpayag ko naman. “Sandali lang pala! Baka naman maubos ang allowance ko!” Natawa naman siya sa naging reaksyon. “Grabe ka! Kahit fishball lang,” ang saad naman niya. “Sinabi mo yan, ah!” ang kaagad ko namang pagpayag. “Tsaka samalamig,” ang dagdag niya. “Dalawang baso.” “Tara na nga,” ang pagtawag ko naman sa kanya. Lumabas naman kami ng Saint Anthony at nag-abang ng jeep na dadaan sa Chinatown.   ****   “Ano sa tingin mo? May nararamdaman ka bang kakaiba?” ang tanong naman ni Adrian sa akin. Kasalukuyan kaming nasa tapat ng arko papasok ng Chinatown. Napa-isip naman ako. “Parang wala naman akong nararamdamang kakaiba,” ang tugon ko habang nakatitig pa rin sa arko. Wala naman akong ibang nararamdaman kundi pagkamangha sa aking nakikita. Ang ganda ng arko na aming tinititigan. “Unang beses mo nga palang makapunta rito, hindi ba?” ang tanong niya sa akin. “Oo,” ang tugon ko naman. “Ikaw?” “Uhm, ilang beses na rin akong nakapunta rito,” ang tugon niya. “Tara na sa loob; baka sakaling may maramdaman kang kakaiba o makakita ka.” Pumayag naman ako at dinaanan nga naming ang arkong nakulayan ng pula, berde, asul at dilaw. May mga nakasulat sa wikang intsik na hindi ko naman din maintindihan. Nagsimula kaming maglakad-lakad sa loob. Taliwas ito sa aking nakita sa aking panaginip. Tama nga si Adrian. Ibang-iba ang oras at okasyon ng pagpunta namin at sa panaginip.  Ipinagpatuloy naman namin ang paglalakad hanggang sa nakarating kami sa puso ng Chinatown. Sa isang parte ng lugar na ‘yun ay natigilan ako. “Adrian,” ang pagtawag ko sa kanya sabay tingin sa paligid. Natigilan naman siya at tumingin sa akin. “Paulo, okay ka lang?” ang tanong naman niya sa akin. Dinala naman niya ako sa gilid. Muli akong napatingin sa paligid. Parang may nagsasabi sa akin na dito anganap ang napanaginipan ko kagabi. Pinikit ko ang aking mga mata at muli itong binuksan. Nagsimulang mapuno ang aking tenga ng ingay ng mga tambol at nagtatawanang mga tao. Muli kong nakita ang mga pulang paper lanterns na nakasabit sa mga gusali. Dito mismo ang simula ng panaginip ko. Kung saan hinila ako ni Aurora patungo sa tindahan ng lolo at lola niya. Napatingin naman ako kay Adrian. “Adrian, dito na nga,” ang pagkumpirma ko naman. “Dito naganap ang panaginip ko. At dito mismo ang simula noon. Adrian, halika,” ang pagtawag ko sa kanya. Nagsimula naman akong maglakad. “Paulo, saan ka pupunta?” ang nagtataka namang tanong ni Adrian. Hindi naman ako umimik ngunit ramdam kong sumunod naman siya sa akin. Patungo ako sa lokasyon kung nasaan ang tinadahan ng lolo at lola ng babaeng nagngangalang Aurora. Ngayon ko lang napagtantanto na kapangalan siya ni Nanay. Pero… hindi yun ang importante ngayon. Nakarating naman kami sa lokasyon ng tindahan. Hindi ko sigurado kung ito nga ang parehong tindahan sa aking panaginip. Kung totoo man, limang dekada na ang lumipas. “Mga suki, pasok!” ang pagtawag naman ng nagbabantay doon. Lumapit naman kami ni Adrian at tinignan ang mga tinda nila. Pareho nga ng nasa panaginip ko. Napatingin ako sa pader kung nasaan ang kalendaryo. May nakalagay ngang kalendaryo doon pero… kasalukuyang taon na. “Ate, matagal na kayo rito?” ang tanong ko naman. Alam kong wirdong tanong ito pero osa ito sa paraan kung tama nga ang aking hinala. “Matagal na. Matagal na matagal,” ang tugon naman ng nagbabantay. “Yung may-ari nito. Noong dekada sisyienta pa.” “Ah, ganun po ba,” ang komento ko naman. “Pabili po nito.” Nang makabili ay hinila ko palayo si Adrian. “Adrian! Totoo nga!” ang bulalas ko. “Ito ‘yung unang tindahan na pinuntahan ko sa panaginip. May kailangan pa tayong puntahan.” “Saan na naman?” ang tanong naman niya. “Basta. Halika na lang,” ang saad ko sabay hila sa kanya. Nagtungo naman kami sa tindahan ng mga lucky charms. Natigilan ako nang makita ang nagbabantay. Kahawig niya nga ang tindero sa aking panaginip. “Pasok,” ang masaya naman niyang pag-welcome sa amin. “Lucky charms ba hanap niyo?” Nakahinga naman ako nang maluwag nang malamang nakakapag-Tagalog siya. Tinignan ko naman ang mga purselas na naka-display. “Ito, masuwerte sa pera. Piyao bracelet,” ang turo ng tindero sa bracelet na parang may dragon. Sa mga sumunod na purselas ay ako naman ang nagpaliwanag. Mukhang namangha siya sa aking kaalaman sa mga ‘yun kahit na hindi ko naman sigurado kung ano mang pinagsasabi ko. Natigilan naman ako nang makita ang isang purselas. “At ito,” ang turo ko sa purselas na ‘yun. Yung kulay pink. “Gawa ito sa Rose quartz, hindi po ba? At pangpasuwerte sa pag-ibig.” “Ang dami mong alam sa pangpaswerte, ah!” ang puri naman sa akin ng tindero. “Dahil diyan, natuwa ako. Pili ka, bigyan kita discount.” “Ito na lang po,” ang tugon ko naman say turo sa rose quartz na purselas. Tulad ng purselas na pinili ni Joaquin sa aking panaginip. Baka sakaling makatulong ‘yun sa akin. Kaagad ko namang sinuot ang purselas ngunit wala namang kakaibang nangyari. Kaagad naman kaming nagpaalam sa tindero. May huling lugar pa kaming kailangang puntahan. Ang lugar kung saan unang nagkita si Joaquin at Chris. Hinila ko naman si Arian patungo doon. Pero wala na ang maliit na tindahan ng moon cake doon. “Dito unang nagkita si Joaquin at Chris,” ang saad ko kay Adrian “Sa munting tindahan ng moon cakes. At dito mismo nagtapos ang panaginip ko.”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD