Isang old rose V neck bodycon dress ang napili niyang isuot para sa dinner nila ni Nick sa mansyon ng mga Bermudez. Nakahawak siya sa braso ni Nick na hindi naman tumanggi habang naglalakad sila sa pasilyo patungo sa mansyon. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Fiona nang makita siya. Lihim siyang ngumiti. Simula sa araw na ito, paninindigan niya ang pagiging maybahay ni Nick sa abot ng kanyang makakaya. "Nick!" Agad sumalubong ang Papa ni Fiona. Nagkamayan ang dalawa. "Is she your wife?" "Siya nga ho. Hindi kayo nakarating noong kasal namin," sagot naman ni Nick. "Kararating ko lang kanina, galing akong Cebu. Kaya kita ipinatawag kaagad dahil pagbalik ko ay may problema daw sa maisan." "Maaari ho nating puntahan ngayon," suhestyon naman ni Nick. "Maaari. Iwan mo na lang ang asawa

