Walang masyadong nangyari sa sumunod na linggo ko, tanging sa paaralan at apartment lang ang routine ko. Dahil medyo mas mahirap na kapag graduating ka halos hating gabi na din ako nakatulog dahil sa dami ng activity na ginagawa. "Let's go to BIU, beh?" tanong ni Zirah pagkatapos mag dismissed ni maam Vergara, ang last subject namin. Hindi na din kami naka punta sa BIU, medyo matagal na ang huling visit namin kaya pumayag nalang ako. Nang makarating kami doon ay bumalik ulit kami sa dating pwesto namin kung saan kami dati tumatambay. Naupo kami sa pinaka dulong upuan bago ko nilagay ang bag ko sa gilid. Napansin ko ang mga babaeng tumitingin sa amin na nasa kabilang table kaya umiwas ako, hindi ko alam kung bakit pero tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. Maya-maya pa ay nagsalita

