Nang dumating ang 17 ay apat kaming pumunta doon para manood ng laro. Nag suot na tuloy ako ng jacket dahil masyadong malamig dahil gabi na. Sumakay kami ng taxi papunta doon, dahil nga seven pm mag sisimula ay naka pasok na kami. Umupo kami sa pangalawang row ng upuan sa unahan kaya mas malapit lang sa stage. Habang nag hihintay ay humarap sa akin ang camera kaya kita ako sa malaking TV, sumunod naman 'yun sa mga kaibigan ko kaya kumaway kami doon. Nang mag simula na ang laro ay halos napuno ng hiyawan ang mga tao sa paligid ko pati na rin ang mga katabi ko. Tiningnan ko lang ang taong gusto kong makita tuwing siya ang may hawak ng bola, naka ilang tres din siya kaya tumayo ako para pumalakpak kasabay ng mga taong sumigaw sa paligid ko. Tumayo ako nang matapos ang laro at nag tatalon

