CHAPTER 21

1335 Words
Pumasok ako sa loob ng bahay na naabutan ko si Lola na may pinag-kaabalahan sa mesa. Hindi ko nalang pinansin dahil agad akong tumungo sa kwarto ko. Binuksan ko ang cellphone ko at nag post ng mga random pictures ko sa gallery para naman mabawasan ang storage. ''Akala ko umuwi ka na sa Lola mo, bakit nag da-date parin kayo.'' ''Ay! may pa bulaklak.'' ''May utang kang kwento sa akin, beh." ''Nagka jowa lang Hindi na nag re-reply, tampo ako." Bumungad sa akin ang mga messages ng mga kaibigan ko sa i********:. Hindi ko na pala sila na replyan simula noong nakaraang linggo pa. Kaya alam kong kukulitin na naman ako nila ngayon dahil sa kwento. "Kwento ko nalang sa susunod na buwan dahil busy ako dito sa bahay kasama si Lola." Reply ko sa kanila para naman hindi na mangulit sa akin. Ilang minuto pa ay tumawag agad sila sa messenger para makipag-usap kaya sinagot ko nalang. "Hindi na ako makatiis kwento mo na dito." Humarap si Zirah sa camera at kita ko na nakahiga siya ngayon at magulo pa ang buhok nito. "Yeah, kwento mo na dahil nangangati na 'yung tenga ko." "Hoy! Tumahimik nga kayo dahil wala akong kwento sa inyo, sa susunod nalang pag meron na." Tahimik lang si Kirsten na natawa sa amin at kita ko na may hawak siyang aso sa kamay. Hindi ko mapigilan na matawa sa mga sinasabi nila, sobrang daldal ni Zirah dahil nangungulit na mag kwento daw ako. "Nag kiss na kayo, no?" Tanong ni Zirah na malaki ang ngiti na humarap sa screen. "Hoy gago ang bilis, may first kiss ka na agad?" Dagdag naman ni Faye. "Tumigil kayo dyan walang gano'n at tsaka bakit ko naman e sha-share sa inyo 'pag meron?" "Sharing is caring ganun 'yun!" Natatawa lang ako sa mga sinasabi nila na medyo nahihiya dahil sa mga bibig na kung ano-ano lang ang lumalabas. "Grabe na talaga! flex ko 'yung best friend ko na ayaw daw sa basketball player, pero ngayon ay girlfriend na ng nag iisang Kino Ramirez." Umabot ng halos dalawang oras ang usapan naming apat, kahit saan na umabot ang kwento namin dahil kay Zirah. Pagkatapos ng tawagan ay nakatulog ka agad ako at nagising nalang ako na mag alas dos na ng hapon. Hindi na ako nakakain ng tanghalian dahil naka tulog ako. I open my phone to check Kino's message kung nakarating na ba siya sa kanila and as I expected naka rating na siya. KR_Kent0412 Just got home. Kumain ka na? Kumain ka na? Reply if you're not busy. Hey. 'Yun ang bumungad sa akin pagka bukas ko ng i********: ko. Kaya dali-dali akong nag reply sa kanya. Sophie_AA25 Sorry for the late reply, but I haven't eaten yet. Nakatulog ako kanina ngayon lang ako nagising. KR_Kent0412 Kumain ka na please baka magka sakit ka pa niyan. Please take care of yourself, love. By the way, my mom likes the cookies we baked and she's excited to meet you too. Sophie_AA25 Kakain na po. It's good to know that she likes it. I'll bake her once I get the chance to visit her soon.... KR_Kent0412 Put your phone for a while please, so you can eat. it's already passed 2 o'clock and you haven't been eaten yet. Dati wala naman nag papaalam sa akin na kumain ngayon ay meron na paano ba 'yan may magagalit na kapag hindi ako kumain. Nilagay ko ang cellphone ko sa gilid ng kama bago ako bumaba para kumain. "Oh, buti naman bumaba kana. Kumain ka na apo dahil baka magka sakit ka pa niyan." Naabutan ko si Lola na naka upo sa sala habang nag e-scroll ng cellphone niya. Grabe talaga 'tong mga taong 'to parang feeling ko may sakit ako dahil inaalagaan ako. "Opo la, kakain na po ako." Pagpa alam ko sa kanya at tsaka pumunta ng kusina. Hindi kalakihan ang bahay ni Lola kompara sa dati naming bahay noong kompleto pa kami. Medyo luma na ang bahay ni Lola at ne-renovate lang ang kusina para palakihan. Ito ang unang buhay nila ng Lolo ko noong bagong kasal palang sila at hanggang mamatay nalang si Lolo dito. Pagka tapos kong kumain ay nag punta ako sa maliit na garden ni Lola para tumulong sa mga halaman para diligan. At dahil mas gusto ko ng maraming puno ay mas pinag tutuunan ko ng pansin ang mga maliliit na puno malapit sa pader. Walang masyadong nangyari sa akin dito sa bahay ni Lola at tanging nasa loob lang ako ng bahay palagi dahil wala naman akong kilala sa labas. Tumutulojg lang ako Kay Lola sa gawaing bahay at natutulog lang ang naging routine ko sa loob ng dalawang linggo. Hindi nawala ang communication ko kay Kino, madalas kaming mag tawagan at nag cha-chat kapag hindi busy. He told me that he moved to his new condo na regalo sa kanya ng tatay niya. "Ikaw lang mag isa dyan?"Sabi ko ng pinakita niya sa akin ang loob ng condo niya nang tumawag siya sa akin. "Yeah, pero kung pupunta ka dito hindi na ako mag-iisa pa." Humarap siya sa camera habang ako naman ay naka higa lang sa kama habang kausap siya. "Corny mo! Dadalaw ako dyan kapag may oras or walang pasok." "Pwede ka naman lumipat dito para hindi ka na mag re-rent ng apartment pa, sa akin ka tumira." malaki ang ngisi niya na humarap sa screen. "I'm comfortable with my apartment na, 'di mo na kailangan pang patirahin ako dyan baka ano pang gawin mo sa akin." "Why do you think about that?" Kumunot ang noo niya na tumitingin sa akin. "Ha? Anong think about ikaw lang nag-iisip, ano bang naisip mo?" Pag depensa ko sa sarili. "Defensive ha, wala naman akong sinabi ikaw ano-ano nalang naiisip mo." Hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi ng sinabi niya 'yon. "Wala naman akong sinabi sa 'yo, change topic na nga!" Nang sinabi ko 'yun ay natawa siya ng sobra dahil doon. Hindi ko na namalayan na pulang-pula na pala ang mukha ko. Wala naman akong gustong sabihin pa sa kanya siya lang nag lagay ng kahulugan doon, wala naman akong naisip na kahit ano. KR_Kent0412 Good morning, my love! Eat your breakfast on time and drink a lot of water dahil mainit ngayon. I love you. Sent a photos. 'Yun ang bumungad sa umaga ko nang bumangon ako galing sa kama.my smile immediately form as I saw his messages. Everyday mas lalong lumaki ang pagmamahal ko sa kanya, he's always concern about my health, he always ask if I'm okay, if I eat a lot, and if I take my vitamins already. Sobrang bago sa akin ang mga ganito, everyday bumabangon ako na naka ngiti sa tuwing nababasa ko ang pangalan niya sa notification ko. Nag reply ka agad ako sa kanya nang mabasa ko ang mga iyon bago ako bumaba sa kwarto. Sophie_AA25 Good morning too, love. Naka sanayan ko na kumain sa tamang oras dahil sa mga paalala mo sa akin tuwing umaga. Tiningnan ko ang sinend niyang litrato sa akin, It's his face again obviously. He always sent me his picture every morning dahil daw kahit hindi kami mag kita ay hindi ko makalimutan ang mukha niya. KR_Kent0412 Kakabalik ko lang galing sa gym. What's your breakfast? Do you miss me? Sophie_AA25 Lola cooked me fried rice and hotdogs. Ikaw kumain ka na ba? Yeah, I miss you so much. I badly wants to see you. KR_Kent0412 Sent a photos. Leftover chicken in the morning. I missed you, too. Puntahan kita ngayon? Sophie_AA25 Sa birthday ko nalang, sayang gas. Next na din naman 'yun, at sasama na ako pabalik para maka pag enroll na ako dahil babalik na din naman sila Zirah. May kasama na ako sa apartment. KR_Kent0412 Okay, but if you really want to see me, please don't hesitate to ask me because I can go right away to see you. Baka magalit ka kapag pupunta ako ng walang pahintulot sa'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD