CHAPTER 9

1312 Words
"Sophie?" Lumapit si Kirsten sa akin at agad naman nag taka bakit andito ako. Naglalakad kami ni Kino palabas ng BIU para ihahatid niya daw ako ng apartment nang makita ako ni Kirsten kasama si Faye. "Uuwi na kayo?" I asked them. "Oo, bakit ikaw lang andito, Ikaw lang mag-isa nag punta dito?" Tanong naman ni Faye. I nod. "Oo." Nag taka naman na tiningnan ni Faye si Kino at agad naman niya akong linakihan ng mata. "Sasabay nalang ako sa kanila, Kino." I face him. He just nodded at nagpatuloy lang sa paglalakad na wala sa sarili. Bahala siya basta sinabi niya sa akin tapos na kami, malaki na siya kaya na niya umuwi mag-isa. Bago umuwi ay huminto muna kami sa Convenience store at may bibilhin daw si Kirsten. Dumating kami sa apartment at naabutan namin si Chad at Zirah na nasa sala, dito pala ang punta niya. Zirah was smiling and I think they're back. Marupok na kaibigan! "Oh, bakit ang bilis naman?" Faye asked. "Hoy, Chad. Ikaw ha ayusin mo yan baka iiyak na naman 'yan sa susunod." I warned him. "Don't worry, iiyak na siya sa saya sa susunod." He replied. "Thank you, Sophie." "Zi, mag ingat ka dyan ha." Faye laughed. "Nag-iingat ako palagi, Faye. Don't worry about me." "Ang rupok mo, Zi!" Sabi naman ni Kirsten habang ngumiti at sabay pumasok sa kwarto niya. Chad and Zi are laughing, at si Faye at Kirsten naman pumasok na sa kanilang kwarto. Ako dahil tapos na akong kumain ay nilabas ko ang laptop ko at nag aral para sa quiz bukas. Hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako habang inaral ang mga notes ko, nagising ako na madilim na sa labas. Sa susunod na buwan na ang semi-finals ng laro sa basketball at niyaya ako ni Zirah na pumunta, pupunta naman talaga ako kung natuloy pa ang usapan namin ni Kino. Pero sinabi na niya na tapos na kami mas okay na din na hindi natuloy 'yun baka ano pang mangyari sa set-up naming dalawa. "Tara na? Ayos ka na ba." Kung hindi pa nag kabalikan si Zirah at Chad hindi na sana siya pumunta dito para e-support ang Boyfriend niya, pero kasi marupok si beshy ko, wala pang isang linggo bumalik agad. "Oo, tara na." I smiled. Today is December four, simula na ang laban para sa semis para maka pasok sa finals, halos puno na ang court ng mga tao dahil nga semi-final na ngayun. Agad kaming humanap ng bakanteng upuan dahil halos puno na dahil may mga ibang studyante din ang andito gaya namin kaya mas marami at maingay ngayun sa loob. Nagsimula na ang laro at nakita ko na ang mga players ng kabilang team. Pagkatapos tawagin ang mga apelyido ng kalaban ay agad na pumunta sa harap ang team nila Chad. Lagpas isang buwan na pala noong huli kong nakita si Kino, simula noong pinutol niya ang napag usapan namin. Pero kahit minsan naman ay nag te-text din siya sa akin. Kung kumusta na daw ako at nag pasalamat din siya sa pag payag ko kahit hindi natuloy 'yun. Minsan ay hindi ako nakapag reply dahil nag-aaral ako at wala din akong load. Nagsimula ang laro at first 5 si Kino at Chad at ang ibang ka team niya. Sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao sa loob kapag si Kino ang humawak ng bola, shempre naman kasi may itsura at sakto 'yung tindig ng tao sinong bang hindi titili. Kapag si Chad naman ang naka tira ng bola ay agad na tumayo si Zirah para pumalakpak at minsan hinihila niya ako para makisali sa kanya. "Woahhhhh!!!! Baby ko yan, ang galing mo!!!!" Natapos ang laro na panalo ang Phoenix at maglalaro sila sa finals sa susunod na buwan. Actually, bago sila naka pasok sa semis ay nag lalaro pa sila ng isang beses pero hindi kami nanood. Ang nanalo ngayon ay siyang ilalaban para sa finals na magaganap sa susunod na taon kapag tapos na lahat ng team mag laro. "Babe! Ang galing-galing mo, sobra." Agad na tumakbo si Zirah sa pwesto ni Chad at agad niya naman itong niyakap. Ang saya makita na 'yung kaibigan mong nakita mong umiyak dahil masaktan, ay ngayon ay nakangiti dahil masaya siya sa lalaking mahal niya. Sana lagi na siyang ganyan. Umupo lang ako sa gilid habang ang mga tao ay unti-unti na din umalis sa loob. Hinintay ko si Zirah na bumalik kung sasama ba siya uuwi sa akin o maiiwan lang siya. "Beh, halika!" Tawag sa akin ni Zirah. Agad akong lumapit sa kanya habang ang ibang players ay nagsi-alisan na din, naiwan nalang kaming anim dito sa loob. Si Zirah, Chad, Kino, Neo, Ralfh, at ako nalang ang andito. "Sasama ka mang lilibre daw siya." She pointed Chad na ngayun ay nagpupunas ng pawis. Gusto ko din sumama, pero 'yung ka group mates ko ang inaalala ko. Baka hindi pa nila ako isasama sa project na gagawin namin mamaya kung hindi ako darating. "Sige, kayo nalang. May gagawin pa ako eh, mauna nalang akong uuwi?" Pag paalam ko. Lumapit siya sa akin at kinaladkad ako palapit sa kanila. "Hindi pwede, dapat kasama ka sige na." She pouted. "Oo nga, Sophie! Maaga lang naman tayo uuwi." Sabi naman ni Neo. "Hindi kasi ako pwede ngayon, may gagawin pa kaming project, kayo nalang siguro." "Sige, sa susunod sasama ka na sa akin, ah." Parang bata niyang sabi sa akin. I nodded. "Promise," Walang magawa si Zirah kundi payagan nalang akong umuwi, agad naman akong nagbihis pagdating ko sa apartment dahil ay may meeting daw kami mamaya para sa project na binigay sa amin. Natulog ako saglit dahil alas 3 pa naman ang meeting mamaya. Nagising ako ng 2 o'clock at halos kalahating oras lang ang tulog. I checked my phone kung andon naba sila sa venue pero nag chat ang leader namin na bukas nalang daw kami tutuloy, dahil halos walang bakante ng oras ang mga ka group namin, nakakainis talaga kapag ganito! Nag e-scroll lang ako sa i********: ko nang dumaan sa feed ko ang post ni Zirah kasama si Chad na kumakain, apat lang sila na andun at hindi kasama si Kino sa mga picture na pinost niya. Nag ayos ako ng sarili ko para maki pag video call kay mama at kumustahin na sila ni daddy. May blood cancer si daddy kaya pumunta sila ni mama sa state para ma pa gamot doon si daddy, dahil andun din ang kapatid ko na doctor at mas ma alagaan ng maayos doon si daddy. Napag usapan namin ni mama na after graduation ay susunod ako doon, pero gusto ko muna mag take ng exam at hihintayin nalang ang resulta sa state. "Daddy, kumusta kana po?" "I'm okay, honey ikaw ba dyan kumakain kaba ng maayos." Mahina na pagkasabi ni daddy sa akin. Sobrang payat na ni daddy na kung dati sobrang ganda ng katawan niya, ngayun hindi na. He looks so pale, and his eyes are always sleepy. "Oo naman po, dy. Mag pagaling po kayo dyan ah, hahabol po ako dyan. Na miss ko na po kayo." Pinipigilan kong hindi maiyak dahil sumasakit ang puso ko na makita na ganun ang kalagayan ni daddy. Pagkatapos kung kausapin si mama at daddy maayos naman daw ang lagay ni daddy at patuloy parin daw sa pag gamot. Ako at ang Lola ko at kapatid ni mama lang ang andito sa pilipinas na malapit sa akin, dahil lahat ng kapatid ni daddy ay hindi ko naman gaano ka close. Lumabas ako ng apartment para pumunta ng 7/11 dahil nag crave ako ng ice cream, at dahil hindi din umuwi sina Kirsten at Faye dahil may ka meeting din ata sila. Huminto ako sa pagkuha ng donut, nang napansin ko ang familiar na lalaki sa may counter kausap ang cashier. Bakit andito siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD