Hindi ko na lang pinansin dahil mukhang hindi din naman niya ako papansinin. At mukhang okay naman din siya ngayon, kanina sa laro lagi na siyang ngimingiti kapag naka shoot siya ng bola. He didn't even bother glancing at me, para naman wala akong natulong sa kanya.
Malakas na bumuhos ang ulan at wala na din si Kino sa counter kaya agad akong pumunta doon para bayaran ang binili ko, hindi na din ako bumili ng ice cream dahil nilalamig ako sa lakas ng buhos ng ulan. Bumili nalang ako ng cup noodles para mawala 'yung lamig wala pa naman akong dalang payong ngayon.
"Salamat po." I smiled at her, pagkatapos niya ibigay ang noodles na pina init ko
Umupo ako sa bakanteng upuan, inalagay ko ang binili ko sa lamesa para kainin nalang dahil mukhang hindi na ako makaka uwi ngayon sa lakas ng buhos ng ulan sa labas.
"Can I sit here?" Boses ng lalaki ang narinig ako habang kumakain ako kaya agad naman akong tumingala.
Hindi pa pala siya umalis? Akala ko kanina lang siya naka alis dito.
"Yeah, sure." I nodded before putting the chopsticks.
Inilagay niya ang bottled milk sa lamesa at sabay na umupo sa harapan ko. Kumunot naman ang noo ko, gatas? Para siyang bata. Ngumiti ako sa kanya while he opened the noodles that he bought.
"Akala ko ba may gagawin ka?" Tanong niya na agad akong nag angat ng tingin.
"We're supposed to have our meeting for our project, hindi lang natuloy. Ikaw bakit hindi ka din sumama?" I added.
"Hindi ka sumama," He laughed a little.
"Wow, alam mo na paano mag biro, Congrats! How are you by the way?" I asked awkwardly.
He didn't talk for a minute kaya nagpatuloy ako sa kinain ko. I even bought Siomai pala na pina init ko din kanina.
"I'm good, better now. I realized she's happy and I need to accept that." He smiled. "Well, I already moved on, Sophie at masaya na din ako ngayon."
For the first time, I saw his eyes differently. They're no longer in pain.
He's different now, better now.
"Naka moved on kana nga, galing!" I laughed.
"Of course! Akala mo ba hindi ko kaya 'yon? Kaya ko kaya, look at me haha." He chuckled. "Well, at least may nag papasaya na sa akin ngayon." He look at me.
"Masaya ako para sa'yo, you deserve it" proud na sabi ko sa kanya.
Binuksan ko ang Siomai na binili ko dahil naubos na ang kinain kong noodles. Kaya Siomai nalang at donuts ang natira. When I took a bit sobrang anghang ng sauce kaya mabilis kong binaba, at ang pangit pa ng lasa.
"Ahhhhh! Bakit ganun ang lasa." I whispered.
"Why? You don't like it?" Nag angat siya ng tingin sa akin.
"Pangit ng sauce." reklamo ko.
He immediately open the bottled milk that he bought at inabot iyon sa akin. "Drink this."
"What?"
"I know you need this, palit na lang tayo." Kinuha niya ang natitirang Siomai sa lamesa at kinain 'yun. Agad ko naman kinuha ang binigay niyang gatas at ininom.
"Thank you,"
Pagkatapos kong inumin 'yun ay nawala na ang lasa sa bibig sa bibig ko. Effective nga.
"Oo nga pala, wala na akong utang na loob sayo ah." Pag iba ko ng topic.
"Yeah," He bit his lower lip to stop from smiling before he chuckled.
He just looking at me while we are talking about his game, sinabi niya sa akin na manonood daw ako sa finals, at sinabi ko pupunta ako dahil hindi papayag si Zirah na hindi ako sumama sa kanya.
"What?" I Arched my eyebrows because he kept looking at me.
"You look familiar... did we meet before? Or what." He looks confused.
"Sa BIU ba? First-time lang kitang makita noong nawala ang wallet ko. Hindi naman kami nanood ni Zirah ng Basketball dati." Paliwanag ko.
"Never mind, let's go?" He stood up immediately at dahil medyo humina na ang ulan.
"Ikaw na lang mauna, wala akong dalang payong. Malapit lang naman ako."
"Ihahatid kita," tinaas niya ang payong na hawak niya at tumayo na din ako dahil baka hindi na 'to hihinto ang ulan maiiwan pa ako dito.
Napansin kong maliit lang ang payong na dala niya, kasya lang ang isang tao sa loob. "Mababasa ka yata."
"May sasakyan ako, dito ka muna." Hindi ko napansin na naka parada pala ang sasakyan niya sa labas.
Tinawag niya ako para pumunta sa sasakyan niya at agad naman ako sumakay. Medyo mabasa siya ng kaunti dahil tumakbo siya habang may ulan pa para puntahan ang sasakyan niya. Binuksan niya ang pintuan at sumakay ako ka agad.
Hinatid niya ako sa tapat ng apartment, buti nalang malapit lang 'to sa 7/11. Pinahiram niya din ako ng payong para daw pag baba ko hindi ako mabasa. Nang nasa tapat na kami ng apartment ay lalabas na sana siya para buksan ang pinto pero pinigilan ko.
"Thank you, Kino. Ibabalik ko nalang 'to."
He gives me a nod. Tiningnan ko ang pag daloy ng tubig sa leeg niya habang hinagod niya ang itim niyang buhok. My heart suddenly beat so fast as I saw how his Adams apple moved. Hindi ko alam kong ilang minuto ko siyang tiningnan pero noong tumingin siya sa akin ay parang tumigil ang oras nang mag tama ang mga mata namin.
Hindi 'to pwede.
Nag mamadali akong umalis sa harapan niya at pumasok sa gate, dahil natatakot ako na baka marinig niya ang t***k ng puso ko na sa palagay ko ay mas malakas pa sa ulan ang tunog nito.
Naligo ako pagdating ko sa kwarto at nagpalit ng damit dahil medyo basa ang balikat ko. Humiga ako sa kama bago kinuha ang cellphone ko at nag scroll-scroll, nagulat ako nang may nag pop up na notification sa screen.
KR_Kent0412 started following you
I opened my IG and look for the username, it was Kino.
KR_Kent0412
NO BIO.
0 Posts/ 16.5K Followers/ 13 Following
Hindi na ako nagulat na madami siyang followers. Pero seriously, kahit isang post wala! Tapos I pa-follow ko siya ano naman ang gagawin ng mga followers niya dito. Kahit 'yung icon niya wala.
I didn't follow him back, tiningnan ko lang ang following list niya, halos mga kaibigan niya lang ang andun at ako lang ata naiba. Tanya's account is also there kaya chineck ko.
Tanya_Louise
She/her
109 Post /3.2K Followers/ 102 Following
Hindi na ako magtataka na hinabol siya ni Kino. She is pretty enough. She's morena and bagay sa kanya ang mahaba niyang maitim na buhok, mahaba ang pilik mata nito at may magandang ngiti.
I looked for her post and halos lahat ng 'yon ay siya lang mag isa. Maybe she deleted all of her pictures with Kino, I guess? I noticed the red circle sa icon niya kaya tiningnan ko iyon. She and her boyfriend na nasa beach with a caption.
'We made it here @Amnh07'
Bumalik ako sa feed ko nang may nag pop up ulit sa notification ko, Kino sent me a message.
KR_Kent0412
Why didn't you follow me back?
He sent me a message with a sad emoji that made me laugh.
Cute.
Sophie_AA25
We don't need to follow each other.
KR_Kent0412
Why? Pwede naman tayo maging friends, right?
Sophie_AA25
Idk.
KR_Kent0412
Pwede din naman more than friends.
Umabot sa taenga ko ang ngiti, hindi ko napansin na naka ngiti na pala ako habang binabasa ang chat niya sa akin. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko nang mabasa ko ang mensahe niya sa akin . What's wrong with me? Crush ko na ba siya?
Malapit na ang Final exams at matatapos na din ang first sem. Uuwi ako kay Lola sa pasko para maki pag celebrate.
I just reviewing my notes para sa lesson bukas. Medyo mahirap 'yung mga subject habang tumatagal, dati noong first-year halos hindi na ako makatulog dahil sa sobrang dami kong dapat aralin. Pero ngayun medyo nasanay na ako sa oras ko kaya medyo madali lang sa akin na hatiin oras ko.
Dumaan ang pasko at New Year at lagi nalang nag cha-chat si Kino sa akin sa IG. Minsan madaling araw na ako nakatutulog dahil andami niyang kwento sa akin.
Natutuwa naman ako dahil mas lalo ko pa siyang nakilala. Dahil kahit madalas sa personal hindi kami nag uusap pero sa chat ay parang sobrang close naman namin sa isa't isa.