"Wait for me," tawag niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya at binuksan niya ang sasakyan niya at lumabas doon ang malaking bulaklak. Bumalik ako sa kanya para doon at nang malapit ako sa kanya ay binigay niya sa 'kin yun.
"For me?" I ask him.
"Of course. I forgot to give you that yesterday, isang linggo na pala tayo." He smiled and look at the sky.
Sinamaaan ko siya ng tingin dahil mukhang hindi siya seryoso. Seryoso ba siya na mag celebrate ng one week sa relation namin.
"What's with that face?" Kumunot ang noo niya na tinitingnan ang mukha ko.
"Are you serious, celebrating one week in a relationship?" Umangat ang mukha ko sa kanya.
"I guess?" He shrugs. "Gusto lang kitang bigyan kahit one week pa tayo. Hindi naman dahil sa nag one week na tayo ay hindi na kita pwedeng bigyan ng bulaklak, kung gusto mo araw-araw pa, eh." He bite his lower lip before he mess my hair.
"You don't have to, Kino." Sagot ko at agad tiningnan ang magandang mga kulay asul na bulaklak.
"I want to," suway niya.
"Fine." I sigh. "Thank you, Love." I said before I tiptoe to kissed his cheeks.
"I want more, love." Turo niya sa pisngi niya.
"Halikana hinintay kana ni Lola." Inabot ko ang kamay niya para pumasok na sa loob, pero pinigilan niya ako bago ako hinalikan sa noo.
"Wait I still have something," bumalik siya sa loob ng sasakyan at may kinuha siyang box ng cartoon at isa pang bulaklak na color red."
"Para saan naman yan?" Tanong ko.
"It's for your grandma."
Ngumiti ako sa kanya at nag lakad papunta sa gate na agad siyang sumunod sa akin. Nakita ko si Lola at ate Nene na naka upo sa kausap si Lola. Napansin niya ang pag pasok ko kaya tumayo siya sa at tumingin sa likuran ko na nakita niya ang lalake.
Pumunta ako sa sala at nilagay ang bulaklak sa lamesa pinuntahan ko si Lola sumunod naman si Kino sa akin.
"Lola andito na po siya." Naka lagay ang kamay ko sa likuran ko habang naglakad papunta sa pwesto nila.
"Good afternoon po, ma'am." Bati ni Kino kay Lola at napansin kong namumula ang kanyang taenga kaya hinarap ko siya.
Tiningnan ni Lola ang lalake at tumingala ito dahil mas matangkad si Kino sa kanya.
"Ikaw ba ang boyfriend ni Sophia?" Seryoso ang boses ni Lola na alam kong natakot si Kino.
"Uhmm... yes po. I'm Kino Ramirez po nice to meet you ma'am."
"Lola bakit ganyan po ang kilay niyo?" Tanong ko kay Lola.
"Hijo natakot ba kita? Hay nako napaka gandang lalake mo." Tumawa si Lola ng mahina at natawa naman ako dahil doon.
"Lola naman."
"Para po sa inyo ma'am." Inabot ni Kino ang bulaklak na hawak niya kanina pa at tinanggap naman ito ni Lola.
"Thank you Hijo,"
Pinaupo kami ni Lola at si ate Nene naman ay pumunta sa kusina para kumuha ng inumin. Tumabi si Kino sa akin at kaharap naman niya si Lola.
Tahimik lang siya sa tila nahihiya kay Lola baka sabihin niyang hindi siya gusto ni Lola. Well my Lola likes whoever I like, I know she likes him for me.
"Ilang taon kana, Hijo?"
"Twenty-two po." Sabi niya.
"Si Sophie mag twenty-one na din yan sa 25, pupunta ka ba dito?"
Hay, hindi naman ako nag ce-celebrate ng birthday, tapos nag e-invite pa si lola kahit hindi naman kami mag hahanda.
"Yes, of course po."
"Wow, sure ka ba, diba malayo nga dito sabi mo." Mahina kong sabi sa kanya at tumawa.
"Matagal na ba kayo, bakit ngayon ka lang pumunta dito."
"Bago palang po kami, Lola. Wala pang isang buwan." Sagot ko sa kanya na alam ko naman hindi ako yung tinanong.
"Talaga ba...." sagot niya.
Hindi ko mabasa ang mukha ni Lola na tinitingnan kaming dalawa, tila ba nag-iisip siya kung sigurado ba kami sa isa't isa. Nagpa alam si Lola na pumasok sa loob dahil may gagawin daw siya.
"Kumain ka na?" Tanong ko sa kanya pagkatapos mag paalam ni Lola sa amin para pumasok.
"Kanila lang," sagot niya.
"Nagluto si Lola ng menudo baka gusto mo, try mo masarap si Lola magluto, kumakain ka ba ng ganun?"
"Of course, kahit ano naman 'yung kinakain ko." Humarap siya sa akin inabot ang kaliwang kamay ko at pinatakan niya ng halik.
"Dito ka matutulog?" Nagtaka kong tanong.
"Kakarating ko lang, pauuwiin mo na agad ako?" Nakasimangot niyang sabi.
"Wala kang damit dito, hoy! Bakit hindi ka nagdala." Hinampas ko siya sa braso at humiga doon.
"May dala ako, sinong nagsabi na wala." He messed my hair bago halikan ang buhok ko. "Bango mo. Anong shampoo mo?"
"Dove. Gusto mo humingi?" Tumingala ako sa kanya bago ginulo ang buhok niya at ngumiti.
"Damn, pretty." mahina niyang sabi. "Sayo nalang."
Malapit na mag alas singko ng hapon kaya pumasok kami sa loob ng bahay. Kinuha ko ang bulaklak na binigay niya sa akin kanina at dinala sa kwarto. Sunundan niya ako sa taas at niyaya niya akong pumuntang mall para bumili daw ng damit niya.
"Sabi mo may dala ka." Tanong ko sa kanya.
"Naiwan ko eh akala ko nadala ko." Umupo siya sa kama habang tiningnan ako na nag aayos ng gamit na hindi ko pa natapos kanina.
"Kunwari ka pa wala ka namang damit na dala talaga." Inirapan ko siya.
Nag paalam kami kay Lola na may bibilhin lang saglit sa mall at pumunta kami doon halos mag didilim na. Almost 30 mins ang byahe papunta sa malapit na mall. Dumating kami ng alas sais ng hapon magkahawak ang mga kamay na pumasok sa loob ng mall. Agad kaming pumunta sa clothing department at bumili lang si Kino ng dalawang puting Tshirts.
Pagkatapos niyang bumili ng damit ay pumunta kami sa arcade para maglaro at halos mag seven pm na nang nakalabas kami ng mall. Bago kami umuwi ay binilhan niya ako ng ice cream bago pumunta sa parking lot.
Pumasok kami sa sasakyan dala ang binili namin. Umupo ako sa passenger seat habang inilagay ni Kino ang mga binili niya sa likod ng kotse.
Binuksan ko ang binili kong ice cream kahit isa lang naman ang binili niya dahil hindi daw siya kumakain.
"Ayaw mo talaga?" Pinakita ko sa kanya ang kakabukas na ice cream. Umiling lang siya at ngumiti habang sinuot niya ang seatbelt niya.
"Uuwi na ako bukas, kailan mo gustong bumalik ako?" Lumingon siya sa akin at tiningnan akong kumakain ng ice cream.
Liningon ko siya at ngumiti sa kanya."Sa birthday ko? Kaka dating mo lang kanina uuwi ka na agad bukas."
"Cute mo talaga." Kinurot niya at ilong.
"Gusto mo ba ng ice cream?" Pag iba ko ng topic.
Tumingin siya sa ice cream na tumutulo. Nung napansin ko 'yun ay dali-dali kong kinain.
"Laway conscious kaba?" Tanong ko habang iniabot sa kanya ang ice na tumutulo." Baka tutulo sa kotse mo 'to, ubusin mo na." Dagdag ko.
"What?" Kumunot ang kilay niya at agad akong tiningnan. "We kissed already."
Namula ako sa sinabi niya habang tinitingnan ko ang ice na nasa kamay ko tumutulo at lumingon nalang sa bintana habang ngumiti.
"Bahala ka masarap kaya 'to." Kinain ko ang ice at pinunasan ang kamay ko. "Tara na?"
Binalik ko sa kanya ang tingin ko at tiningnan lang niya ako sa mukha at nang mapunta sa labi ko ang titig niya ay agad akong lumunok. He immediately unbuckled his seatbelt before he leaned to give me a kissed.
Hindi ako gumalaw sa ginawa niya hanggang sa naramdaman ko na gumalaw ang labi niya sa akin. Naramdaman ko ang pag sayaw ng mga paru-paro sa tiyan ko bago siya bumitaw at nagsalita ulit.
"It tastes good, tara na." He smiled and wink at me before he starts the engine.