CHAPTER 17

1293 Words
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para kausapin si Lola tungkol sa pag punta ni Kino dito, pero nagulat ako dahil may ibang tao sa sala. Sumilip ako para makita kung sino ang andito, nakita ko si Kalanie at ang boyfriend niyang si Joseph na naka upo sa sofa. Kalanie is my cousin from mother side at kahit hindi kami masyadong nagkikita tumatawag naman siya paminsan sa akin. Her father and my mother are siblings at silang dalawa lang ang anak ni Lola. Dahan-dahan akong bumaba at nang mapansin ako ni Kalanie ay agad siyang ngumiti sa akin. "Hello, Sophie! Andito ka pala, dumaan lang kami ni Joseph para kumustahin si Lola." Tumayo siya at pumunta sa pwesto ko at yumakap. "Hello, Lanie. Kakarating ko lang kanina din." I smile at her. "Hi," I waved a little to her boyfriend at agad naman siyang ngumiti. Matanda si Lanie sa akin ng pitong taon halos ka edad lang niya ang ate ko. Umupo ako sa tapat niya nang bumalik siya sa kina upuan niya habang abala sa cellphone si Joseph. "Sophie, how are you?" She ask. "I'm good," I smile at her. "You?" Balik kong tanong sa kanya. "Sakto lang, ganun pa din." She replied. Nilagay ko ang cellphone sa maliit na lamesa sa harapan ko habang nag uusap kami ni Lanie. She ask me about my father and I said he's okay naman, tuloy pa din ang pag gamot. Umilaw ang Cellphone ko sa lamesa at sabay kaming tumingin doon, tumawag si Kino. Agad kong dinampot ang cellphone ko at nagpa alam kay Lanie na sasagutin ko lang. "Excuse me," paalam ko sa kanya habang ang mukha niya ay may malaki ang ngiti. "Kaya pala blooming dahil inspired pala ayyeeaahh... congrats, couz! asar niya sa akin. Hindi ko naman tinatago si Kino sa kanila pero hindi ko din sinasabi. Ayos lang naman kina mama na magka boyfriend ako pero kailangan alam ko 'yung limitasyon ko. "Hello?" "Hello, kakaalis ko lang." Sagot niya. "Susunduin kita sa labas." Ilang segundo ay nag request siya ng video call kaya agad kong pinindot. Bumungad sa akin ang mukha niya na nasa loob ng sasakyan naka salamin at naka suot ng cap. "I'm nervous to see your grandma." He took a glance at me and sigh heavily habang dinig ko ang music sa sasakyan niya. "Why?" "Ganda mo," Mahina niyang sabi na agad nag init ang mukha ko. "First time ko silang ma meet, of course I'll be nervous. Never pa akong naka punta ng bahay para sa girlfriend ko." He then chuckles. Really? "Talaga? Kahit sa ibang mga babae mo o baka naman pinag loloko mo lang ako." Sinamaan ko siya ng tingin. "Sophie, I mean it. Sa'yo lang talaga. He look so serious habang iniliko niya ang manobela. "And correction wala akong ibang babae. You're jealous now, huh?" "Sige na. Text me nalang kapag nakarating kana, bye andami mong sinasabi." I rolled my eyes and look away trying to hide my smile. "Bye, beautiful. See you in a while.He wink at me before I end the call. Pumasok sa loob ng bahay, naabutan ko si Lola na nag prepare ng pagkain sa lamesa. At si Lanie at ang boyfriend niya ay nag uusap sa sala. habang si Ate Nene, 'yung katulong ni Lola ay tumulong sa pag aayos ng lamesa. "Kain na tayo. Upo na dito mga apo," Sigaw ni Lola sa amin pagka pasok ko sa pinto ng bahay. Agad akong pumunta sa kusina at umupo sa tabi ni Lola, habang si Lanie ay sumunod sa akin at umupo sa tabi ko na katabi naman niya si Joseph. "Wow! ang sarap naman ng mga ito Lola." Tiningnan ko ang mga niluto ni Lola at nakita ko ang sinigang na hipon at menudo sa lamesa kaya takam na takam akong kumain. "Shempre naman, Sophie niluto ko para sa'yo." Sagot niya na naka ngiti. "Lanie, kailan kayo babalik dito? Para maka pagluto ako ng paborito mo naman." Tumingin siya kay Lanie na kumakain. Tahimik akong kumain habang nakikinig sa mga sinasabi nila. Malapit na pala mag ala una kaya naramdaman kong gutom na gutom na ang sikmura ko kanina. "Hindi ko po alam, Lola. Baka po sa susunod na buwan pa po dahil pupunta po kaming Italy para sa business." Sagot ni Lanie kay Lola. "Joseph kain ka pa, apo." Inabutan ni Lola ng menudo si Joseph na agad niya naman itong tinanggap. "Hindi ba kayo pupunta sa birthday ni Sophie, malapit na ang birthday niya. 'Diba apo?" Tumingin si Lola sa akin. "Lola, wala po tayong handa nakakahiya naman." Sagot ko. Ayoko talagang mag handa kapag birthday ko, sapat na sa akin ang greetings na matatanggap ko mula sa kay Daddy at Mama. "Pipilitin namin Lola na pumunta dito." Maikling sagot ni Lanie. "Lola pwede po ba akong mag dala nito?" Dagdag niya na tinuro ang menudo sa lamesa. "Oo naman apo. Bakit hindi." Uminom ng tubig si Lola dahil tapos na siya sa pag kain niya. "Ang laki na ninyo mga apo, noong una maliliit palang kayo kapag kumakain tayo dito na magkasama pero ngayon may boyfriend na, oh." Tumawa siya ng mahina. Na miss ko din 'to, yung andito pa sila Mama pero ngayon ibang tao na ang naupo dito. Wala na 'yong mga batang makukulit. "Speaking of boyfriend, sa tingin ko meron na din 'to," Tumingin si Lanie sa akin na natatawa kaya pinanlakihan ko agad siya ng mata. "Sino ba, ikaw Sophie? May boyfriend kana apo?" gulat na tingin ni Lola sa akin. Kinurot ko sa gilid si Lanie kaya natawa siya sa akin at nagpatuloy kumain. "Opo. Pupunta nga po siya dito,Lola." sabi ko at nagpunas ng bibig. "Hay nako, matanda na talaga ako. Iiwan ko na din 'tong bahay para sa mga apo ko sa tuhod." "Lola naman," sabay naming sabi ni Lanie kay Lola. "Oh, sige ipakilala mo siya sa akin, saan na ba siya." "'Yun nga po ang sadya niya, La." "Anong pangalan ni boyfie?" Lanie whispered. Oo nga pala hindi ko pa nasabi sa kanya kanina. Nakita niya lang ang naka sulat sa cellphone ko kanina na Boyfie "Kino," sagot ko sa kanya. Tumayo si Lola at pumunta sa labas dahil may kailangan daw siyang tapusin. Nagpatuloy kaming tatlo sa pagkain at nag kwentuhan about kay Kino. Gusto niya pa daw ma meet pero aalis na daw sila pagkatapos dahil may pupuntahan pa sila. Pinang hugasan ko ang mga pinggan sa lababo at pagkatapos pumunta sa kwarto para mag bihis. Inayos ko ang mga gamit ko nang ilang oras hanggang sa mag text si Kino. Boyfie I'm here Nag mamadali akong lumabas kahit hindi pa ako tapos mag ayos. Halos mag dadalawang oras na akong nag ayos dito pero hindi pa ako natapos. Bumaba ako ng kwarto at pumunta sa gate para buksan. Natanaw ko si Lola na nag didilig ng mga halaman niya kasama si Ate Nene. Binuksan ko ang gate at pumunta sa labas, nakita ko ang sasakyan ni Kino na nasa labas kaya pinuntahan ko. Hindi pa ako naka lapit ng bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas si Kino mula doon. Nang malapit na ako ay agad siyang ngumiti. "Ang layo pala dito." reklamo niya. "Oh, sabi ko sayo eh malayo." Naka pambewang ako na pagkasabi sa kanya. "Pumunta talaga ako dito para sa Kiss." I rolled my eyes and laughed ayan na naman siya. Naka sandal siya sa sasakyan niya na naka pamulsa. Ngumiti siya sa akin habang ako ay naka simangot. "Talaga?" Sagot ko. "Yup, sabi mo puntahan kita kung gusto ko." He tilted his head and smiled. "Mamaya na, Pumasok ka na dito nasa loob si Lola." Tinuro ko ang gate at naglakad pabalik doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD