"Oh, wait. Kukunin ko lang." Sambit niya habang may kinuha siya sa bag niya.
Lumingon ang lalaki sa kinatatayuan naming apat, may dalawa siyang kasamang lalaki na kumakain, at siya naman ay inabot ang bag niya para kunin ang wallet ko.
"Nako pres 'yung laman ng wallet pinang-libre na sa amin ni Kino." Sabay tawa ng isang lalaki habang kumakain.
Mabilaukan sana.
"Chad wag ka nga magbiro ng ganyan, hindi nakakatuwa. Bisita pa naman natin sila sa school." Saway naman ng Presidente.
"Ito na po." Inabot niya sa babae ang wallet at tumingin sa akin. "Bakit ba kasi burara ng may-ari ayan tuloy," Mahina niyang sabi na agad nagpa init ng ulo ko.
Kumukulo ang dugo ko dito sa lalaki malay ko bang mawawala 'yung wallet ko dito. At siya pa talaga ang naka pulot, gwapo pa naman siya pero suplado, Sayang.
"Sakto to? Walang kulang?" Tanong ng President sa lalaki.
"Yes naman pres! hindi namin yan ginalaw, kami paba." Sagot naman ng isang lalaking katabi ni Chad na ngayun ay uminom ng tubig.
"I didn't asked you Blaire, so shut up!" Sagot ng presidente.
Lumapit ang babae sa akin at nagtanong. "Miss, Ito na. Pwede ko ba malaman kung anong laman nito para ma sure?"
Pagkatapos kong sabihin ang laman ng wallet ko ay agad na ibinigay niya sa akin.
Aalis na sana ako ng hinawakan ako ni Zirah sa palapulsuhan ko. "Hindi kaba magpasalamat?"
I forgot, really? No! Bakit pa kasi sa lalaking 'to pa napunta ang wallet ko, parang sobrang yabang niya pa naman niya baka hindi tanggapin ang thank you ko, ma papahiya pa ako nito.
"Sige na, Sophie. Para maka-alis na tayo, nagugutom kana diba?" Dagdag naman ni Faye sa akin.
Alam kong hindi sila aalis, hanggang hindi pa ako nakapag pasalamat sa lalaking 'to, kaya bahala na.
Lumapit ako sa Presidente para tanungin."What's his name?" Kilala ko na siya dahil sinabi sa akin ni Zirah, eh. Pero gusto ko lang mag tanong.
Lumingon ang isang lalaki sa amin. "Ano daw pangalan mo par. 'yun, oh tina-tanong aweeeeh..."
Lumingon si Kino sa pwesto namin at binigyan niya ako ng malamig na tingin. Pero, hindi din ako nag patalo sa kanya kaya hindi ko din binawi ang mga mata ko sa mga mata niya.
"Kino." Maikling sagot niya bago siya lumingon sa ibang pwesto.
"Thank you, Kino. Pero hindi ako burara if that's what you think kung bakit ko 'to nawala." Tinaas ko ang wallet ko at ngumiti, aalis na sana ako pero tumayo siya.
Tumayo siya at humarap sa akin habang nakapamulsa. "Thank you is not enough, Miss. Do you know that? May bayad kapag sinauli." He says.
Nakakagigil!
Tumingin ako sa mga mata niya sabay inangat ang kila. "Talaga? Bakit, ano pa bang kulang?" Napa atras ako dahil palapit ng palapit na siya sa akin.
Tumingin siya sa akin sabay ngumiwi. "Hindi ko din alam anong kulang, eh." He chuckled. "Anyway, keep your things baka iba 'yung naka pulot hindi pa mabalik sayo, diba?"
"Uy, hugot? Sabihin mo na gusto mo magpa libre bro!" Sabi ng isang lalaki na naka upo.
Corny!
"Magkano ba 'yan lahat ng kinain niyo babayaran ko." pinag krus ko ang braso ko sabay humarap sa lalaki. Ano ba 'to paangasan, 'yung nakikita ko sa mga pelikula na may group of people sa school na mga badboy tapos kapag hindi ka sumunod sa kanila ay babalikan ka nila. Well, I'm not coward.
Pinagtitinginan na kami ng ibang tao dito sa cafeteria, ako na 'yung nahiya baka sabihin nilang nakipag-away na ako iba pa naman ang suot kong Uniforme baka madamay pa 'yung school ko.
"Don't mind them," Tiningnan ako sa mata ng lalaki at sabay ngumiti, 'yun ang huli niyang sinabi sa akin at hindi na ako naka sagot dahil bumalik siya sa upuan niya.
"Let's go, miss?" Tanong ng babae sa akin kaya agad akong sumunod sa kanya.
"Tara na, Sophie nagugutom na din kami." Segunda naman ni Faye.
Umalis kami sa cafeteria at nag thank you na din ako sa presidenti para sa pagsama sa amin. Lumabas kami ng campus para kumain sa labas dahil may bagong bukas daw na kainan malapit dito at 'yun ang pupuntahan namin.
"Grabe kung ako 'yun matutunaw na ako." Sabi ni Zirah habang natatawa pagkatapos uminom ng tubig.
Umangat ang tingin ko sa kanya na nagtaka."Ang alin?"
"Ang titigan niyo grabe lagkit na lagkit, pero grabe buti nalang nawala yung wallet mo beh, kasi napalapit ako sa crush ko tangina ang gwapo!" Sigaw niya.
"Si Chad, right?" Tanong ni Faye.
"Oo, beh. Gagi akala ko hanggang tanaw lang ako sa malayo." Hinampas niya pa si Faye na katabi niya dahil sa kilig.
"Pero si Sophie beh ang lapit kay Kino, alam mo parang bagay kayong dalawa." Humarap siya sa akin at pinanliitan ako ng mata.
"Hoy, oo! Napansin mo din pala 'yun? Akala ko ako lang nakapansin." Support naman ni Faye.
"Suplado niya kaya." I rolled my eyes.
"Type mo?" Ngumisi si Kirsten at siniko ako.
"Sadly, No. Napakayabang!" Kumunot ang noo ko ng maalala kanina ang sinabi niyang burara ako.
"Okay study first, study first!" Pagsapaw ni Zirah kaya natawa kami pareho.
May pinagusapan kaming magka-ibigan na pupunta sa bar mamaya dahil birthday ng Classmate nila Faye at Kirsten, si Atasha. Sasakay pa kami ng taxi papunta doon dahil medyo malayo, pero si Kirsten na gumastos sa lahat. Minsan din kaming pupunta sa bars kapag nagka-yayaan, pero hindi ako umiinom dahil baka ano pang mangyari sa akin doon. Sumasayaw lang ako at minsan nauuna na akong uuwi dahil ko kaya 'yung ilaw, masakit sa mata.
I wore a black fitted dress with a slit, and paired it with my two inches heels. I bun my black long hair. Zirah put me some make up dahil sa party daw kami pupunta.
Pagdating namin doon medyo marami ng tao sa loob malapit na mag nine, at mukhang late na yata kami. We went inside at hinanap si Atasha na nasa maliit na sofa may kasama siyang dalawang babae. Nang makita niya si Kirsten agad siyang nag wave at tumayo.
I know her, she's one of the students noong nakalaban ko sa Science fair during High School, Grade 8 pa yata.
"Happy birthday, Atasha!" Bati ni Kirsten sa kanya sabay naman silang nag beso.
"Happy birthday, Atasha." Nahihiya kong sabi sa kanya dahil hindi naman kami invited dito, uuwi nalang siguro ako. Si Zirah at Faye naman wala na sa likod ko nang lalandi na naman 'yung dalawang 'yun.
"Thank you, Sophie! Buti nakapunta ka dito. Ngayun lang ulit tayu nagka usap, diba?" She smiled widely before she hugged me.
"Yeah, I guess?" Nakangiti na bumitaw ako sa pagka yakap niya.
Inabutan niya ako ng drinks buti nalang juice lang kaya tinanggap ko nalang din. "You can dance Sophie! Just be yourself, let's go to the dancefloor?!" Agad niya naman akong hinatak papunta sa gitna.
Nakisabay ako sa pagsayaw ni Atasha. Sa lakas ng music at lights I tried to look for Kirsten habang sumasabay kay Atasha sa pagsasayaw.
"I'll be back! May mga bisita lang ako." Sigaw niya sa akin dahil hindi ko marinig sa lakas ng volume ng music.
"Ha!" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya para marinig ko siya.
"I'll be back!" I gave her a thumbs up at nagpatuloy sa pagsasayaw.
Enjoy na enjoy ako music nang may nag abot sa akin ng alak kaya agad akong umiling sa lalaki at nagpatuloy sa pagsasayaw. "I don't drink alcohol!" Nilapit ko ang mukha ko sa lalaki at patuloy na sumasayaw sa harap niya. I don't recognize him maybe he's friend with Atasha kaya andito siya. Atasha rented this bar for a night kaya walang ibang pupunta dito kundi mga kilala lang niya.
"Sayaw tayo! Okay!" He gave me a two thumbs up at sumasayaw siya ngunit hindi nagtagal hindi na ako comfortable sa kanya dahil hinahawakan niya ang bewang ko at unti-unti itong nagtaas kaya bumitaw ako sa kanya. He's drunk already, kaya umiwas ako sa kanya.
I continue dancing sa ibang pwesto ng wala masyadong tao, pero lumapit ulit ang lalaki sa akin at hinawakan ulit ako.
"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya at binawi ang kamay ko. Hindi ba niya naintindihan na ayaw ko sa kanya, kaya nga umalis ako.
Aalis na sana ako para hanapin ang nga kaibigan ko dahil natatakot ako dito sa lalaking 'to, pero hinawakan niya ulit ako sa bewang habang naglalakad. "Lumayo ka nga sa akin!" Kinuha ko ang kamay niya at tinulak siya ng kaunti pero lumapit ulit siya sa akin kaya tinulak ko ulit siya.
"Stay away!"
"What's your problem, man?" Boses ng lalaki ang narinig ko galing sa likuran ng lalaking humawak sa akin.
"Huwag kang makialam dito." Sagot ng lalaki ng makita niya si Kino sa likod.
Akmang lalayu na sana ako ng sinuntok ng lalaki si Kino sa mukha kaya agad naman bumawi si Kino sa lalaki nang siyang dahilan para matumba ito.
"Oh My God! Stop it!" Sigaw ng babaeng katabi ko.