CHAPTER 3

1381 Words
Natigil ang party dahil sa gulo na nang galing sa pwesto namin, Lumapit si Atasha at pinatawag ang bouncer, para ipakuha ang lalaki na ngayun ay nakatulog na. Si Kino naman ay napansin kong dumudugo ang labi na kanina natamaan ng kamao ng lalaki kaya tiningnan ko siya pero umalis kaagad siya. Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Atasha na tinitingnan ako. "I'm so sorry, Sophie. He's drunk, I didn't know it would happen, are you okay ba?" Wala naman na may gustong mangyari 'to, walang may kasalanan kundi ang lalaking nagsimula nito. "Okay lang ako, pasensya na din dahil nagka gulo pa dito dahil sa akin." "No, responsibilidad ko ang mga nangyari dito sa loob, Sophie. At hindi ko kaya kung may nangyari sayo, God." "Thank you, but I'm really okay." Ngumiti ako sa kanya. Ipinagpatuloy ni Atasha ang party at nilapitan naman ako ng mga kaibigan ko para e-check kung okay lang daw ako. Oh, I forgot asan na si Kino may sugat pa naman siya. "Where is Kino?" I asked them. "Kino? Bakit?" Kunot noong tanong ni Faye. Nawala agad siya noong dumating ang bouncer ,nakakahiya na sa kanya kanina umaga nakapulot siya ng wallet ko, ngayun naman may naka suntukan siya dahil sa akin. Kahit mukhang suplado naman siya alam ko naman ang salitang utang na loob, at kaya kong ibaba ang pride ko para sa tulong niya. Hinanap ko siya pero hindi ko nakita, kaya naisipan kong hanapin si Atasha para tanungin kung nakita ba niya si Kino dahil mukhang kilala niya naman. "Did you see him? The guy who helped me?" I asked her. Tumingin siya sa ibang lugar na mukhang may tinatanaw. "Oh, Yeah, nagpunta daw ng CR." "Thank you." Pumunta ako sa CR at hugas ng kamay dahil sa alak na dumilit sa kamay ko kanina. Paglabas ko naghintay ako sa labas ng CR ng mga lalaki para kausapin si Kino. Ilang minuto pa ay lumabas siya na basa ang mukha. Nang mapansin niya ako ay tumigil siya sa paglalakad. "Anong ginagawa mo dito?" Kumunot ang noo niya na tinitingnan ako. "I just want to say sorry, and thank you na din." Lumapit ako sa kanya tiningnan ang sugat niya sa gilid ng labi. "Masakit?" "Of course! Ikaw kaya masuntok." Mahina siyang natawa. I rolled my eyes at kumuha ako ng bandage sa bag bago ibigay sa kanya. "Oh, ilagay mo kung ayaw mo itapon mo nalang." I handed him the bandage na may design na cartoon. "Edi itapon nalang, sabi mo eh." Sabay kuha niya sa bandage. "Andami mo nang utang sa akin ngayung araw, kanina napulot ko ang wallet mo dahil nahulog mo, ngayun nasuntok ako dahil sayo ano pa kaya next?" Pinanliitan niya ako ng mata "Edi bakit mo kasi ako tinulungan kaya ko naman. Pero thank you ulit 'di na po mauulit sir." Kinuha ko ang bandage sa kamay niya dahil hindi niya ito ginalaw at agad kong binuksan tsaka nilagay sa sugat niya. "Wag mong tatanggalin ha." Sabi ko habang hindi naman siya umalma sa ginagawa ko, natatawa ako sa itsura niya nang maisip ko 'yun habang lumakad palabas. Naka uwi ako sa apartment ng mag alas Onse na. Iniwan ko nalang ang mga kaibigan ko at nagpa alam nalang kay Atasha. Nagbihis ako at natulog nalang dahil may pasok pa ako bukas, may pinaghandaan din akong presentation next week. Nagising ako na masakit ang ulo dahil kinulang sa tulog kagabi. Sobrang sakit pa ng mata ko pero kailangan kong magluto para pumasok ngayung araw. Umuwi sila nang ala una na siguro ng umaga at nag lasing pa daw si Zirah dahil hindi daw pinansin ng crush niya. Nagbihis ako pagkatapos maligo at kumain si Zirah naman tulog pa. Ayaw niya yata pumasok ngayon, bahala siya basta ginising ko naman siya kanina pero ayaw bumangon dahil masakit ang ulo. Si Faye at Kirsten naman sumunod lang din sa akin gumising kaya nakapag ayos na sila ngayun. Maaga pa nang makarating ako sa school it was 7:00AM kaya I opened my notes kung sakaling magpa surprise quiz si ma'am Florez sa amin, Usually nag bibigay lang siya ng lesson at kami na ang bahala na mag review at kapag pumasok siya maypa surprise quiz agad. Tama nga ang hula ko maypa quiz si maam. But before that she give us another project para ipasa bukas. Ghad, kakapasa lang namin ng project tapos may susunod na naman? And the worse is bukas na ipapasa. Kakasimula pa nga ng first semester andami na niyang projects agad. "Where is Zi, Sophie?" Cray, my classmates, asked me about Zirah pagkatapos ng quiz. Palagi niya nalang 'tong hinahanap sa akin. Mag jowa ba sila o crush niya. "Lasing," I shake my head while I answer his question. Bumili kami ng pagkain kasama si Juliana dahil nagutom kami pagkatapos ng second subject namin. Pag uwi ko sa apartment naabutan ko si Zirah nakaupo sa sofa, hawak ang kanyang cellphone. Wala pang ayos yung buhok niya, kakagising lang ata tanghali na. "Oh, ngayon ka lang nagising?" Tanong ko habang hinubad ko ang sapatos. "Ano sa tingin mo? ang sakit ng ulo ko, Sophie tapos gaganitohin mo ako." Naiiyak na siyang hinawakan ang ulo niya. "Tapos hindi pa ako pinansin ng crush ko kagabi ahhhhh...." tinakpan niya pa ang mukha niya. Ewan ko ba kung kinikilig siya o naiiyak sa itsura niya. "Bat ka kasi doon ka magka crush sa hindi ka gusto, meron namang may gusto sa'yo sa school." Sagot ko sa kanya sabay tawa. Lagi nalang siyang ganito kapag broken e crush lang naman yan, dati nga noong nag hiwalay sila ng dati niyang boyfriend hindi na siya lumabas ng bahay. "Ano? Sino? walang may gusto sa akin no." Naka simangot na sagot niya. "Si Cray. Tinanong pa nga niya kung saan kana, lagi talaga siyang nagtatanong sa'yo." Paliwanag ko sa kanya. "Ano? Putangina, sa akin? Si Cray?" Tinuro pa niya yung sarili niya. "Oo ikaw." Sagot ko. Lumipas ang isang linggo na halos walang matinong klase, puro activity lang ang pinagawa sa amin ng mga prof. Lunes ngayun at nag mamadali ako papuntang school dahil nga may presentation ako ngayun, tapos ko nang gawin ang ppt at nakapag handa nadin ako kaya excited akong pumuntang school para matapos na 'to agad. I already prepared the projector noong lumapit sa akin 'yung isa kong classmate at sinabi na ma-lalate si ma'am ng dating. I'm prepared and my presentation are also prepared, si ma'am nalang ang kulang. It was already 8:00AM at hindi pa din dumating si ma'am kaya nawalan na ako ng pag asa na maka present, buti nalang mga limang minuto pa ay dumating din siya. "You may start now, Ms. Alonzo." Umupo siya sa bakanteng upuan sa likod kaya agad akong nagsimula. Natapos ko ang hinanda kong presentation, sobrang sarap sa feelings kapag ganito. "Any questions class?" nagtanong siya pagkatapos kong mag present. Umiling ang mga kaklase ko, agad naman siyang tumayo at binigyan ako ng mahinang palakpakan. Finally! Tapos na. I exhaled after the presentation dahil sa tuwa, si Zirah naman at Juliana ang mag pre-present bukas. Pinuntahan namin sila Faye at Kirsten sa BIU dahil gusto din daw makita si Chad ika nga ni Zirah. Hindi na nga pinansin babalik-balik pa. Pagdating namin sa BIU, medyo wala pang mga tao sa labas dahil oras pa ng klase. At dahil mabilis kami natapos mas nauna kaming nakalabas. "OMG ayan na siya." Boses ni Zirah habang sumisilip sa puno habang naka upo kami dito sa bench. "Sino ba?" Agad ko namang tanong, sa kanya. "Si Chad. OMG ang gwapo niya ilang linggo ko ba naman siya hindi nakita." She pouted while watching the guys towards our directions. Chad with Kino and the other two guys heading towards our directions, kakalabas lang nila galing sa room at pupunta yata sila dito. "Hey!" Kaway ni Zirah kay Chad na agad naman nakuha nito ang tingin sabay ngumiti ng makita niya ang kaibigan ko. Akala ko ba hindi siya pinansin nito, bakit parang close na ata sila kung maka sigaw 'tong babaeng to. Naglakad patungo sa direction namin ang apat na lalaki, agad nakuha ni Kino ang attention ko at tiningnan niya lang ako and when he figured out who I am. He look away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD