"What's up!" Sabay kaway ni Chad kay Zirah. Close na yata talaga sila, tumingin si Chad sa akin and he just give me a nod.
Nakaupo lang ako noong tumabi ang lalaki sa akin hindi ko pa siya kilala pero siya 'yung kasama nila sa cafeteria dati.
"Hi, Sophie right? He smiled.
"Yeah, Hi." I just waved a little and smiled at him.
"I'm Ralfh by the way, Fourth year Engineering." Inabot niya sa akin ang kamay niya at agad ko namang tinanggap.
The other guys are sitting behind Chad na ngayun ay katabi ni Zirah. Ang isang lalaki na walang imik ay naka upo lang malapit sa gilid.
"Taga RU kayu?" He pointed my uniform na may logo, I just give him a nod.
"Kailan pa sila naging close? Did I miss something?" I pointed Chad and Zirah na ngayun ay tumatawa na.
"They're together, I think?" He shrugged, hindi pa siya sure sa sagot niya. Sinong mag sasabi sa akin ng totoo nito, kahit si Zirah hind sinabi sa akin pero sobrang halata na sila na, pero paano 'yun nangyari?
Natahimik kami ng tumabi sa amin si Kino, at 'yung isang lalaki naman nasa harapan ko ngayun naka ngiti.
"I'm Neo, Sophie right? Ikaw yung nasa bar noong nasuntok si Kino?"
Oo ako 'yun 'wag mo nang ipaalala.
I immediately took his hand before shaking, parang kilala na yata nila ako dahil sa mga nangyari. "Yes. I'm sorry for that trouble." I face Kino na ngayun ay naka tingin lang sa lupa.
Bakit parang ang tahimik naman niya ngayon, mukhang may sakit yata siya base sa itsura niya.
"Hello, Kino. Okay naba 'yung sugat mo?" Naka ngiti ko siyang hinarap para tanungin dahil alam kong kasalanan ko din 'yun.
"Hello. Ayos na." He then smile a little, I didn't added any words dahil mukhang ayaw niya naman akong kausapin.
"Moving on pa 'yan. ilang linggo ng ganyan 'yan." It was Neo then he laughed loudly na sinabayan naman ni Ralfh na siyang dahilan para umangat ang ulo ni Kino.
"Hindi ka naman okay dude, ilang linggo ka nang ganyan, aminin mo na kasi." sigaw naman ni Chad.
"Okay nga lang ako." He said while kicking his feet.
Parang okay naman siya noong nagkita kami bakit ngayon parang naging sad boy si Mister suplado.
It was already 12:30 lumabas na sina Faye at Kirsten galing sa school, kaya tinawag ko si Zirah para umuwi na. Inirapan pa ako ni Zirah dahil hindi pa daw siya tapos makipag-usap kay Chad.
Akala ko sa mga sumunod na linggo ay 'di kami mahihirapan sa mga lessons pero nag kakamali ako, sa mga sumunod na linggo naging mahirap na ang mga subject at palagi ng pumapasok ang mga prof para sa lessons. Halos 'di na nga kami gumagala dahil puno ang schedule namin. Financial Accounting, Cost Accounting, at Taxation at iba pa umiikot ang araw ko, di pala madali. Akala ko nadaanan ko na noong sa second year pa ako pero may mas malala pa pala, paano pa kaya kapag nasa Fourth year na kami mas lalo pa sigurong maging mahirap dahil graduating na kami no'n.
"Kayo na no?" Tanong ni Faye kay Zirah habang abala sa pag huhugas ng mga pinggan. "Kailan pa?"
Naka upo si Zirah habang may ka chat sa cellphone, at Faye nag huhugas ng pinag kainan namin kanina. Wala si Kirsten ngayun dahil may lakad kaya kaming tatlo ang naiwan dito sa apartment.
Lumapit ako sa kanila para maki chicka din. "Matagal na sila Faye hindi lang natin alam." I rolled my eyes on Zirah.
"It's private kasi," Zirah smiled at me.
"Kung hindi ko pa nalaman sa kaibigan ni Chad, hindi ko malalaman na kayo na pala."
"Pero pumunta kayo sa birthday niya sa susunod na linggo ah"
"Hindi naman kami invited, Zi." Sagot ko.
"Sige na please....sama kayo." Pag papaawa niya.
"Hindi ako pwede may exam kami niyan." Sagot ni Faye. "Ikaw nalang." Turo niya sa akin.
"Wala tayong exam niyan kaya sasama ka sakin." Malaki ang ngisi ni Zirah na humarap sa akin, dahil alam niyang hindi ako hihindi sa kanya kapag siya na ang nagyaya.
"Pag iisipan ko,"
Nagsuot lang ako sleeveless green floral dress, pinatungan ko ito ng cardigan and I partnered it with my white 2 inches heels na binili ko pa noong nag birthday ako last July. I put some light make up na bumagay lang sa suot ko. Pagdating ko sa isang bar na kung saan ang venue sinalubong agad ako ni Zirah.
"Wala akong regalo. Okay lang ba, Zi? Nakakahiya naman." Tanong ko sa kaibigan ko.
"Nako! Okay lang hindi naman kailangan madami naman siyang regalo, halika na pumasok na tayo."
Pagkapasok namin medyo kunti pa ang mga tao, halos mga classmates at kaibigan lang ata nila ang andito. Nakita ko din si Atasha na naka upo sa couch at may hawak na inumin kaya nilapitan ko para bumati.
"Hi, Tash! Nice to see you again." Bati ko sa kanya.
"Oh, hello, Sophie. Halika dito." Tinuro niya ang space sa tabi niya para maupo ako.
Umupo ako sa tabi niya, at si Zirah naman pumunta sa pwesto ni Chad. Sinabi niya sa akin babalik lang daw siya. I smiled at Atasha nang mag abot ang waiter ng inumin na agad niyang kinuha.
You can dance, you can jive
Having the time of your life
Ooh, see that girl, watch that scene
Digging the dancing queen
Malakas na tumunog ang music at hudyat na yun para pumunta na sa gitna. Madami na ang mga taong pumunta sa gitna habang may dalang inumin sa kamay.
"Let's dance, Sophie?" Yaya niya sa akin bago tumayo kaya dali-dali naman akong tumayo dahil hinila niya ako sa gitna.
Habang sinabayan ko si Atasha sa pag sasayaw may dumating na mga lalaki sa pintuan na agad nakuha ang attention ko. It was Chad's friends at agad naman nagpa-alam si Atasha sa akin at pinuntahan ang mga lalaking kaka abot lang.
Tinuloy ko lang ang pag sasayaw ko sa ibang babaeng katabi ko, nang may lumapit na lalaki sa akin at inabutan ako ng inumin. Tinanggap ko at sinubukan kong inumin kahit mapait, hindi naman talaga ako umiinom pero gusto kong subukan, I'm 20 years old already kaya ko naman siguro kahit ngayon lang.
Naka ilang bigay na siya sa akin nang hindi ko napansin napadami na pala ako. Ngunit ilang minuto pa ay naka ramdam na agad ako ng hilo at ang paningin ko ay umiikot na. The guy behind me grabbed my wrist at dahil sa hilo nawala ako sa balance at napunta sa dibdib niya. Nang maramdaman ko iyon lumayo na agad ako para umupo sana ngunit hinila niya ulit ako at papalapit sa kanya.
The next time I know is his hand hold my waist na napunta iyon sa likuran ko patungo sa pwetan, ko kaya nang maramdaman ko iyon agad ko siyang tinulak at sinampal. He immediately hold my hands kaya hindi ako naka galaw.
Niyakap niya ako pero nag pumiglas ako para maka alis sa kanya pero hindi ko kaya dahil ang bigat niya.
"Just dance baby." He whisper.
"No! Stop it"
He's a pervert!
Nawalan na ako ng lakas at pinilit kong alisin ang kamay niya sa akin, naiiyak na akong kaka tulak sa kanya pero hindi ko magawa.
"What are you doing, Bro?" Nahihilo akong inangat ang mukha ko noong mag narinig akong boses ng lalaki, I can't see his face clearly.
Lumayo ang lalaki sa akin at linapitan ako ng lalaki. Hindi ko na mapansin kung anong ginagawa nila dahil nag hahalo ang nararamdaman ko ngayon. Takot, hilo, at nasusuka ako. Matutumba na sana ako pero agad na may sumalo sa likuran ko pero pinilit kong tumayo para hanapin ang kasama ko, pero hindi ko na kaya pang tumayo mag isa kaya inalalayan niya ako.
"Tara na." Bulong ng lalaki sa akin.
Sumunod sa kanya habang hawak niya ang bag at braso ko, lumabas kami pareho.
"You look familiar huh?" I pointed he's face. "Who the hell are you? Bakit mo ako hinawakan, huh?!" Sigaw ko sa kanya.
"Wow! Hindi kita hinawakan inilayo nga kita sa lalaki kanina eh." Hawak niya parin ang braso ko.
"Whatever... gusto ko na umuwi. Nasaan si Zirah ha. I- ikaw sabihin mo asan siya." I pointed his face again.
May dumaan na mga babae sa gilid kaya agad akong tumingin nag babakasali na makita ko si Zirah.
"Baby, let's go home. okay." Wika niya habang inakbayan ako sa balikat.