Yssabela PAKIRAMDAM ko ay may nagmamatiyag din sa akin. Sa tuwing kailangan kong lumabas, alam ko na may mga matang pinapanood ang bawat galaw ko. Protektado ako dahil kasama ko si Faye, pero…natatakot pa rin ako para sa kapatid ko. Sinubukan kong kausapin sina Tita na baka pwedeng sa akin muna ang kapatid ko, pero hindi sila pumayag. Sinabi ko na aalagaan ko ang kapatid at ibabalik din naman sa kanila pagkatapos ng ilang araw, pero ayaw talaga nilang pumayag. Pakiramdam ko ay natatakot sila na baka hindi ko na isauli ang aking kapatid. Sinabi rin sa akin ni Tita na sila ang legal na may kustodiya ngayon sa aking kapatid, at kung ipipilit ko ang gusto ko, ilalayo raw nila ang kapatid ko sa akin. Hindi ko magawang masabi sa kanila ang sitwasyon na mayroon ang kapatid ko. Isa iyon sa ko

