Yssabela NADAGDAGAN ang aking security, pero dahil na rin sa aking hiling, hindi sila nakabuntot sa akin parati. I mean, nagmamasid sila at binabantayan ako pero nagtatago sila at hindi nakasunod sa likod ko. Si Faye itong nananatili sa tabi ko. Simula nang gabing sinabi ko na may sumusunod sa akin, hindi umalis si Faye sa aking tabi. Parati siyang nag-aabang sa labas. Humingi rin ako ng paumanhin kay Alejandro dahil sa biglaan kong pag-alis noong gabing nakasalubong niya ako. Sinabi ko na lang na dumating na ang sundo ko kaya’t hindi ko na nagawang makapagpaalam sa kanya nang maayos. “Okay lang iyon. Huwag mong isipin. Ang mahalaga ay ligtas ka,” sabi niya sa akin at ngumiti. So far, tahimik naman ang buhay ko. Hindi na nagpakita ulit si Dad sa akin at hindi ko rin alam kung gugustuh

