Yssabela SOBRANG sakit ng katawan ko nang magising ako. May naririnig akong mga ingay pero hindi pa ako makapag-focus. Masakit din ang ulo ko na siguro ay siyang dahilan kaya’t hindi ako nakakapag-focus ngayon. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Iginalaw ko ang kamay ko at tinangka ring igalaw ang ibang parte ng aking katawan, pero sobrang sakit sa may bandang kanang paa ko. Napadaing ako. Nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa loob ng silid matapos kong dumaing. Agad na lumapit si Alessia sa akin. “Yssa!” pagtawag ni Alessia sa akin. Tumingin ako sa kanya. Halata sa kanya ang pag-aalala. Napansin ko rin na naririto sina Faye at ang iba pang tauhan ni Elia. “How are you feeling?” tanong ni Alessia bago bumaling kina Faye. “Please call the doctor.” “A-Anong nangyari?” Med

