KABANATA 2: SPOILED BRAT

2691 Words
Yssabela IRITADO na naman ako nang makarating sa bahay nina Lola. Naligaw pa ako kanina. Nag-walk out ako tapos ay hindi ko naman alam ang pabalik sa bahay nina Lola. Kailangan ko pang magtanong sa ibang tao para lang makarating dito. “Oh…” Naabutan ko si Mommy at Daddy na nasa sala. Si Ismael ay naroroon din at naglalaro. “Naandito ka na kaagad, Yssa? Nasaan sina Esme?” Nang maalala ko ang nangyari kanina ay lalo akong na-bad trip. “Hindi ko alam. Umuwi na ako.” Lumapit ako kay Daddy. “Dad, please, hindi ko kakayanin dito. Isama ninyo na ako sa Manila sa Monday. Promise, magbe-behave na ako.” Nagpanggap si Dad na walang naririnig. Nang mapansin ko na wala siyang balak na baguhin ang kanyang desisyon ay mabigat ang aking mga naging pagyabag. Nagpunta ako ng kusina para kumuha ng tubig. Nag-iisip pa rin ako ng way para makumbinsi sina Dad na isama ako pabalik sa Manila habang hindi pa huli ang lahat. Kinuha ko ang cellphone ko. Malo-lowbat na pala ako. Nagpunta ako sa kuwarto kung saan inilagay ang mga gamit ko. Natigilan ako sa may pinto at bumuntong-hininga. Sobrang layo nito sa itsura ng kuwarto ko sa Manila. Lumapit ako sa bag ko at kinuha ang charger ko. Agad akong nag-charge. Sisilip na sana ako sa mga social media accounts ko nang mapansin ko na wala akong signal! “s**t!” Tinanggal ko sa pagkaka-charge ang cellphone ko at naghanap ng signal sa loob ng kuwarto pero wala. Lumabas ako ng kuwarto, medyo nagpa-panic. Napatingin sina Mommy sa akin at halatang nagtataka. “Walang signal?” patanong ang pagkakasabi ko noon na para bang ayoko pang maniwala na wala ngang signal sa bahay. “Ay oo, Isay. Mahirap ang signal dito sa bahay. Si Esme naman, madalas ay load ang gamit niya. Itanong mo na lang sa pinsan mo kung saan sila nakakakuha ng signal.” Nanlaki ang aking mga mata sa narinig mula kay Lola. Lumapit ako sa aking ama. “Dad, did you hear that? There’s no signal here. Omg! How can I talk to my friends and to Joshua? Paano kapag may mga assignment na kailangan ng internet but we don’t have a damn signal!” I said, dramatically. “Language, young lady.” Huminga siya nang malalim. “Kung gusto mo, magpapakabit tayo ng internet connection. Pwede ba iyon, Ma?” “Oo,” sabi ni Lola. “Kaya lamang, ginagawa pa lamang ang tower dito sa area natin. Ang mga may internet pa lamang ay iyong mayayaman diyan sa uphill. Nadaanan naman siguro ninyo iyong magagandang bahay, ‘no?” Wala akong pakealam sa mga magagandang bahay! Ang kailangan ko ay signal at internet. “Dad!” Nanlalaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala. “Magpapakabit tayo ng internet kapag nagawa na ang tower. Sa ngayon, itanong mo na lang muna kina Esme saan nakuha ng signal.” Lumabas si Lola. “Mayroon ata silang pocket wifi ata ang tawag doon o broadband. Basta at ganoon. Iyon ang gamit nila kapag kailangan nila ng internet kung hindi load ang gamit.” Akala mo ay guminaw ang mundo ko sa mga naririnig. What? Broadband? Anong henerasyon pa ba itong lugar na ito at tila napag-iiwanan na?! “I can’t do this!” Sinuklay ko ang aking buhok at naglakad papunta sa kuwarto. Sobrang frustrating ng sitwasyon ko. Gusto ko na lang na makabalik kaagad ng Manila. Hindi bale at may isang araw pa ako para makumbinsi si Dad na isama na ako. Hindi ata ako makakatagal dito! Kaya lamang, kinabukasan ay ginimbal ako ng balita na hatid ni Lola. “Ha?! Ano pong sinabi ninyo, Lola?!” Hindi ko mapigilan ang boses ko. Kakagising ko lamang at ganito kaagad ang aabutan kong balita?! Naghahanda sila ng almusal at nakatingin sa akin si Esme dahil sa ginawa kong pagsigaw. “Umalis na ang mga magulang mo kaninang madaling araw. May kailangan daw kasing asikasuhin ang dad mo sa Manila kaya kailangan na nilang umalis. Magpapaalam sana sila sa ‘yo kaya lamang ay natutulog ka pa kaya hinabilin ka na lamang sa akin.” Ngumiti si Lola. “Kumain ka na, Isay.” “No!” Tumakbo ako papunta sa kuwarto nina Dad at wala na nga sila roon. Lumabas din ako ng bahay at napansin na wala na ang van namin sa labas. Nanlalaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala. Iniwan na ba talaga nila ako rito? No way! Akala ko pa naman ay maigugugol ko ang araw na ito para kumbinsihin si Daddy. Hindi kaagad ako nakagalaw. Naghahalo-halo ang aking nararamdaman. Hindi ko na maintindihan kung anong uunahin ko. Gusto kong umiyak dahil talagang iniwan nila ako! “Yssa.” Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakatayo roon at nakatulala. “Kakain na raw sabi ni Lola.” Ikinuyom ko ang aking kamay. Huminga ako nang malalim. Galit ako dahil basta na lang nila ako iniwan! “Wala akong gana,” sabi ko kay Esme. “Masamang nagsasayang ng pagkain. Isa pa, hindi rin maganda na nagpapalipas ng gutom. Si Lola ang naghanda ng umagahan. Huwag mong sayangin at hayaang malungkot siya dahil hindi mo kinain ang mga inihanda niya para sa ‘yo. Mag-aalala iyon sa ‘yo kung hindi ka kakain.” Kinagat ko ang aking labi. Naglakad ako pabalik ng bahay pero hindi na nagsalita pa. Nakita ko si Lola na naghihintay sa amin. Masama pa rin ang aking loob. Tatawagan ko sina Dad mamaya! Tahimik ang pagkain namin. Kahit wala akong gana ay pinilit kong kumain. Noong una ay nakatitig lang ako sa mga pagkaing nasa harapan ko dahil hindi ako sanay sa mga niluto ni Lola. “Bakit tinititigan mo lang, Isay?” “Ano po ito? Hindi po ako nakain niyan.” Napapalagok ako dahil hindi talaga ako sanay. Ibang-iba ang buhay nina Lola rito sa buhay na nakagisnan ko sa Manila. Sabi ni Mommy, ordinaryong buhay lang daw ang mayroon talaga ang pamilya niya. Nang makapagtapos ay nagkaroon ng trabaho sa isang corporate company at roon niya nakilala si Dad. Ang pamilya naman ni Dad ay mayaman talaga. Kahit na gumaan na ang buhay, ayaw ni Lola na iwanan ang buhay na nakagisnan niya. Kinukuha siya ni Mommy para tumira kasama namin pero mas gusto niya raw rito at hindi rin siya sanay sa buhay na mayroon naman kami. Bukod pa roon, wala raw makakasama si Esme. Ang mama ni Esme ay nagtatrabaho sa malayo kaya madalang silang umuwi rito. Ang kanyang ama naman ay may ibang pamilya na ata. Hindi ko sigurado. “Isda iyan, Isay. Galunggong tapos sinangag iyan. Ito naman kamatis. Sariwa ang mga iyan. Ang isda ay bagong huli at dala ni Esme kagabi. May tortang talong din tayo rito.” Napangiwi ako dahil hindi ko magawang makangiti rito. “Hindi po ako nakain nito, Lola,” sabi ko sa kanya habang nanatili ang titig sa mga pagkain. “Wala po ba kayong oatmeal, yogurt, or muesli? Kahit granola po ay okay na. Kung walang yogurt, milk na lang po. Low-fat po sana, but non-fat would be better. And oh, I don’t use sugar. May stevia po ba kayo or monk fruit sweetener?” Nanlaki ang mga mata ni Lola matapos marinig ang mga sinabi ko. “Kung may oatmeal po kayo, I prefer the rolled oats one and not instant oats. Thanks,” dagdag ko pa sa naunang sinabi. “Nako, Isay, wala kami niyan. Saan ba makakabili niyan? Mayroon ba sa palengke?” “O-order na lang po ako online—” “Matagal bago dumating ang mga parcel dito. Aabutin ng ilang linggo. Wala kami ng mga hinahanap mo. Mas mabuti pa na kainin mo na lang kung anong nakahanda, Yssa. Huwag mong pahirapan si Lola.” Napatingin ako kay Esme. Ngumiti siya sa akin nang magtama ang paningin naming dalawa. Napabusangot ang aking mukha at tumingin kay Lola. “Mag-bread na lang po ako. Do you have sourdough bread or—” “Pandesal lang ang mayroon kami,” sabi ni Esme bago ko pa matapos ang binabalak sabihin. “Kaya lang ay nagpapabili pa lamang kami. Makakapaghintay ka ba?” “Whatever that is, iyon na lang. I can wait.” Tumayo ako sa hapagkainan at ngumiti kay Lola. “Wait lang po, Lola. Babalik ako. May tatawagan lang ako.” Lumabas ako ng bahay at naghanap ng signal sa labas. Kailangan kong matawagan si Daddy! Ang bahay namin ay mataas pero iisang floor lang siya. Iyong tipo ng mga ancestral house na may hagdan sa labas? Gosh, I can’t describe it, basta at ganoon! Habang naghahanap ako ng signal sa may terasa, nakarinig ako ng tawanan at boses ng mga lalaki. “Lahat na lang talaga ng babae, Elia. Sige ka! Baka magselos si Esme!” Nagtawanan sila matapos sabihin iyon. May pumasok ng gate at napatingin sila sa akin nang mapansin ako. Natigilan din ako nang mapansin ko iyong mga lalaki kahapon at iyong isa na tinawag akong matapobre! Agad bumusangot ang mukha ko nang maalala ko ang komento niya sa akin. “Gising na pala ang prinsesa! Magandang umaga, Miss!” bati sa akin ng isang lalaki. Hindi ko nagawang ngumiti sa kanila at umirap ako. Pumasok na lamang ako sa loob ng bahay. “Lola, may mga lalaki sa labas,” sabi ko nang makarating sa kusina. Nagtaas kaagad ng tingin si Esme, and somehow her face brightened. “Naandiyan na ata sina Elia, Lola. Susunduin ko lang po.” Halatang masaya siya habang sinasabi iyon. Ibang-iba kapag ako ang kausap niya. Naupo na ulit ako habang si Lola naman ay nakangiti sa akin. “Sino po ang mga iyon, Lola?” “Ah, sina Elia ba? Mga kaibigan iyan ng pinsan mo at halos dito na rin lumaki si Elia. Napunta sila rito para minsan ay tulungan kami rito sa bahay at sa farm.” Naalala ko nga pala na may maliit na farm sina Lola. “Natulong din sa ibang gawain kaya napapadali ang trabaho rito sa bahay. Binibigyan ko na lamang ng pera para sa tulong nila. Iyong dalawang kasama naman ay sina Tomas at Basil. Mga anak sila ng mangingisda at halos lumaki na rin dito. Rati kasi, kapag nangingisda ang mga ama nila at may trabaho ang mga ina ay iniiwan sa akin. Gusto ko kasing nag-aalaga ng mga bata.” Tumango-tango na lang ako. Naalala ko si Elia. “Eh si Elia po? Anak din ba siya ng mangingisda?” Naalala ko kahapon na nakita ko siyang bumaba ng bangka. “Hindi,” sabi ni Lola. May kakaiba sa kanyang ekspresyon. “Na-sideline lang din siya minsan. Masipag ang batang iyon. Lola na lang din niya ang kasama niya. Ang ina ay namatay na noong bata siya at ang ama naman ay—” “Hello po, Lola Bel!” Nagulat ako nang marinig ang maiingay na boses ng lalaki. Hindi na nagawang ituloy ni Lola ang kanyang sasabihin dahil sa pagdating ng ibang tao. Nanatili akong nakaupo roon, hindi binati ang mga dumating. Isabel nga pala ang pangalan ni Lola kaya Bel ang palayaw niya. “Naandito na pala kayo. Halika at kumain muna kayo ng umagahan,” sabi ni Lola. “Tamang-tama at gutom na ako.” Hindi ko sila nilingon. Nakatingin ako sa aking pinggan na walang laman. “Dito ka sa tabi ko, Elia.” Agad silang tinukso ng mga kasama dahil sa pag-aaya ni Esme sa lalaki. Napataas ang ulo ko at hindi sinasadya na mapatingin sa kanila. Nakalingkis si Esme sa braso ni Elia at hinihila ito sa kabilang bahagi ng lamesa para makatabi niya. Nakatinginan kami ni Elia at inirapan ko kaagad siya. Naupo sa tabi ko iyong dalawang lalaki kaya’t nagulat ako. Tumingin sila sa akin at ngumiti. “Hello, Miss,” pagbati nila sa akin. “Isay, ito na iyong pandesal. Kumain ka na.” Kumuha ako ng pandesal pero nadi-distract ako sa dalawang nasa harapan ko. Pinigilan ko lamang na tumingin kina Esme. Ang ingay niya kasi at para siyang kiti-kiti habang kinakausap si Elia. “Lola, do you have spread po ba?” tanong ko. “Oo, mayroon kaming margarine rito at mga ham, bacon, at chicken spread. Anong gusto mo?” Napangiwi ulit ako dahil sa narinig. “Butter, Lola?” “Margarine lang, hija,” sabi niya. “No, thanks. Okay na po ako sa pandesal lang.” Nang tinanong ni Lola kung gusto ko ng kape ay tumango ako sa kanya. “Black coffee lang po, Lola. No sugar, please. Thank you po.” Alam ko na napapatingin ang mga kasama ko sa hapagkainan pero hindi ko sila pinapansin. “Ikaw, Elia? Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita,” sabi ni Esme at tumayo. “Sige, black coffee, unsweetened.” Napatingin ako sa kanya at naabutan ko rin na nakatingin ito sa akin. Hindi ko maiwasan na simangutan siya dahil para bang ginagaya niya ang pananalita ko kanina. Nginisian ako ni Elia kaya inirapan ko siya. Tahimik lang ako sa hapagkainan habang sila ay nagkukwenuhan ng mga bagay na hindi ako interesado. “Magpapa-enroll na ba kayo bukas? Sabay-sabay na tayo!” sabi nitong si Basil. “Oo. Ikaw, Elia?” Napansin ko na tumingin si Elia sa akin at hindi ko iyon nagustuhan. Bakit ba siya tingin nang tingin sa akin na para bang inaasar niya ako? “Oo.” “Sige, sabay na tayo!” sabi ni Esme. “Isabay na rin ninyo si Isay,” sabi ni Lola. “Isay?” Napayuko si Elia na para bang natatawa. Pinagtatawanan niya ba ako? “Oo, magpapa-enroll din siya bukas. Isabay na ninyo.” Hindi na ako nagsalita pa. May magagawa pa ba ako roon? Iniwan na nga ako nina Daddy rito! “Dito ka na mag-aaral, Miss? Mukhang magiging kaklase ka pa namin! Anong course ang kukunin mo?” “Business,” tipid na sagot ko. “Nice! Baka nga maging magkakaklase pa tayo!” Hindi na ako sumagot. Ang ingay talaga nila. Gusto ko na lang umalis. Matapos ang umagahan ay paalis na sana ako. Nakita ko na kausap ni Lola si Elia. “Oo, kawawa naman. Wala pang kaibigan.” Nang mapansin ako ni Lola ay sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Kasama niya si Elia. Ayoko mang lumapit dahil sa lalaking kausap niya, wala rin akong nagawa. “Bakit po, Lola?” Ngumiti siya sa akin. “Ibinilin kita kay Elia. Sabi ko ay samahan ka muna niya rito sa Buenavista kapag may gusto kang puntahan since hindi mo pa kabisado ang lugar.” “What?!” Nanlaki ang aking mga mata. “Ito?!” “Bakit? May problema ba, Isay?” tanong ni Lola. “Oo nga,” si Elia. Ikiniling niya ang ulo niya at ngumisi sa akin. “May problema ba…Isay?” Umawang ang aking labi pero walang nasabi. This guy…he’s teasing me! “Kung wala naman, si Elia muna ang bahala sa ‘yo. Kapag may gusto kang puntahan, pasama ka lang kay Elia. Mas lubos niyang kabisado ang lugar atsaka mabait iyan.” Mabait? Mabait ba iyong tatawagin kang matapobre?! Umalis si Lola dahil may kailangan pa raw siyang gawin. Tumingin ako kay Elia at napansin na nakatingin na rin pala siya sa akin. Sandali kong nakalimutan ang gusto kong sabihin. “I don’t like the idea. Huwag mo na lang intindihin ang sinabi ni Lola,” sabi ko sa kanya. “You’re grandmother asked me nicely, I couldn’t turn her down. Huwag kang umakto na para bang ikaw pa ang dismayado. Kung may dapat mang magreklamo na mag-aalaga siya ng kagaya mo, hindi ba dapat ako iyon? I don’t want to babysit a spoiled brat.” Naglakad na siya papaalis pero sinigawan ko pa ito. “E ‘di huwag! And for your information, I may be spoiled by my parents, but I am not a brat!” Does that make sense? Hindi niya na ako pinansin pero alam ko na nginisian ako nito. That guy is really getting in my nerves! Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD