bc

FALLING STAR The Series (BL)

book_age16+
13
FOLLOW
1K
READ
others
others
sweet
realistic earth
school
like
intro-logo
Blurb

Characters: Gulf and Win (main role), Mek, Ken, Joss, Chimon (supporting role)

Genre: School, romance, youth, friendship, mature

Episode: 35 episodes

Writer: Jenryl de Jesus

Sypnosis:

They say ... if you ever saw a falling star, you would wish and it will come true.

What if you wished that the first person you saw was the one you were going to love? Would you still believe in the falling star if that person is the person you don't want to see?

#boyxboy

#boyslove

#GulfWin

ctto of the photo

chap-preview
Free preview
Prologue
HELLO! Ako si Metawin Nutchapon. Mas kilala ako sa aking nickname na Win. 18 years old na ako. Mag fi-first year college na rin ako sa kursong medicine. Teka! Throwback muna tayo noong high school ako. Ito talaga ang hindi ko makakalimutang karanasan ko noong high school. Papasok ako noon sa library. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko napansin ang paparating na estudyante. "Boggss!" Nabangga ko siya at natumba kami pareho. Nakapatong ako sa kanya at hindi ko sinasadya, nahalikan ko siya. Yes! Nahalikan ko siya sa labi. OMG! Kapwa kami nagkatitigan noon. Nanlaki ang aming mga mata. Natigilan kami pareho. Nang matauhan ako dahil sa tilian at hiyawan ng mga nakakita sa amin, agad akong tumayo. Palingon-lingon ako sa aking paligid. Lahat sila nakatingin sa aming dalawa. Tumayo siya at tiningnan ako sa mata. Hindi ako makatingin ng diristo sa kanya. Sobra akong nahihiya ng mga sandaling iyon. Shit! It was my first kiss. Tama, first kiss ko yun. Pero di ba dapat exciting ang unang halik? Pero hindi naman kasi ganun eh. Hindi naman kasi babae ang nahalikan ko, kundi isang lalaki. And take note, siya lang naman si Kanawut Suppasit o mas kilala sa tawag na Gulf, ang campus crush ng aming eskwelahan. Tinitilian at hinahabol ng mga kababaihan at maging miyembro ng LGBT community. Siguro kung naging babae ako, marahil ako na 'ata ang pinaka-suwerteng tao sa buong mundo. Paano ba naman kasi, nahalikan ko ang ultimate crush at dream boy ng lahat. At malamang, naiinggit na itong lahat ng nakakita sa amin ngayon. Pero paano mangyayari yun? Pareho kaming lalaki. At alam ko sa sarili ko na lalaki ako. Kaya kabaliktaran ang nangyari. Imbes feeling lucky ako, heto ako nahihiya na tuloy akong magpakita sa kanya at bukod doon tinutukso narin ako ng lahat. Bigla tuloy nagbago buhay ko. Lahat ng mata nakatingin sa akin. Ewan ko! Parang gusto akong sugurin ng kanyang mga fans. Sinasabi kasi nila bakla ako. Pero hindi ako bakla! Lalaki ako at babae ang gusto ko. Never ako magkakagusto sa isang lalaki lalo na kay Gulf. Ewww! Kung puwede nga lang ibalik ang lahat, mag-iingat na ako sa aking paglalakad para hindi ko na siya mabangga at higit sa lahat hindi ko siya mahalikan. Kaso nangyari na eh...Haayyytss! Napapabuntong hininga nalang tuloy ang tangi kong magagawa. Buti nalang talaga, hindi niya natapos ang school year sa school namin. Lumipat kasi siya sa ibang school, kaya hayun! Bumalik na rin sa normal ang buhay ko. Wala naring mga matang nakatingin sa akin lagi. Wala naring nanunukso at higit sa lahat nakakalakad narin ako ng diritso. Hindi ko narin siya nakita hanggang nagtapos kami ng high school. At saka ayaw ko narin siyang makita kahit kailan. Dalawang taon narin ang lumipas. Pero hindi ko talaga makakalimutan ang mga pangyayaring 'yun. "Ai'Win!" tawag ni Mek sa akin. Ngunit hindi ko napansin ang kanyang pagtawag. Lumapit siya sa akin. "Win!" sigaw niya sa pangalan ko. Nagulat ako. "Mek!" nagtaas ang aking boses. Sa lakas kasi ng kanyang sigaw halos abot sa buong dormitoryo. "Mali-late na tayo. Kaya tama na yang pag-alala sa past mo." Napakunot ang aking noo. Agad akong napatingin sa aking relo. Awwwww...ngayon pala ang unang araw namin sa university. Mukhang excited lang talaga itong si Mek. Isang dorm lang kasi kami. Magkaibigan kami at magkatabi lang din yung aming kuwarto. Para narin kaming magkapatid nito. Alam niya lahat ng sikreto ko....Opppsss! Hindi pala lahat. Kasi mayroon akong isang bagay na hanggang ngayon hindi pa niya nalalaman. At ayaw kong malaman niya yun. Hmmmm....para na rin sa ikatatahimik ng buhay ko. Kaya mas mabuting ilihim ko nalang 'yun. Nagmamadali kaming pumunta ng garahe kung saan naka-park ang kotse ni Mek. Oo, may kotse siya. Palibhasa may kaya ang kanilang pamilya. Di tulad sa family ko. Hindi naman kasi kami mayaman. Kaya ganito ang buhay ko, makikisakay lagi sa kanya. Kaya hindi ko siya puwedeng awayin. Mahirap na... (lol). Pero sa totoo lang, mabait naman talaga si Mek. Medyo prangka lang siya pero hindi siya maramot. Actually, siya ang laging nanlilibre sa akin. Kahit hindi ako humihingi sa kanya, binibigyan niya ako lagi. Hmmmm....paano kasi, ako lagi ang ginagamit niya pag may nagugustuhang mga girls. Nagsisilbing tulay niya kumbaga. Well, hindi naman siya pangit. Guwapo si Mek kaso lang kung gaano siya kaingay sa harapan ko, naku! Ganun naman siya ka-torpe pagdating sa mga girls. Oppss! Huwag mag-isip ng masama huh! Hindi ako playboy. Hindi rin ako mabilis sa girls. Sabihin nalang natin na kahit papano, medyo lapitin din ng ako ng mga babae. Hindi nga lang kasing tinik ni Gulf....Hayyyttsss! Kahit walang ginagawa ang lalaking 'yun nilalapitan siya lagi. Palibhasa aminado talaga ako na guwapo siya. Sabi nga nila, kakaiba raw ang karisma niya. Kaya kahit walang ginagawa, hinahabol ng lahat. Actually naka-isang girlfriend palang naman ako. Kaso hindi kami nagtagal dahil pinagbawalan siya ng kanyang mga magulang. Kaya after ng aming break-up never na ako nagka-girlfriend ulit. Tama na nga yan! Nasobrahan na 'ata ako sa pagkukuwento...(lol). Focus muna kami sa unang araw namin sa Chulalongkorn University. Nakaka-excite pa naman. Kaya bye-bye muna sa ngayon. See you..... To be continued.............................. Ctto of this photo

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Womanizer LAWYER ( Tagalog )

read
378.2K
bc

SADISTIC PLEASURE ( Tagalog )

read
205.3K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
72.7K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
174.6K
bc

JOSH MONTEMAYOR The Quadro Plaits ( Tagalog )

read
505.5K
bc

My Son's Father

read
590.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook