Title: FALLING STAR (BL)
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04
EPISODE 1
WIN
Hindi ko maiwasang mamangha habang papasok kami ng Chulalongkorn University.
Nakikita ko lang ito dati sa tv, sss, IG at twitter. Hindi ko akalain na mas maganda pa pala ito sa personal. Well, pangarap ko lang naman ang makapag-aral dito dati. Pangarap ko ring kumuha ng medicine. Kaya nga noong nag exam kami ng aking kaibigang si Mek, ginalingan ko talaga para maipasa ang entrance examination at makapasok sa faculty of medicine. And finally, natupad narin ang matagal ko ng pangarap. Sana nga lang maging maayos ang pananatili ko sa paaralang ito. Hayts! Alam ko namang hindi yun madaling gawin dahil alam ko iba ang college life sa high school life.
“Oh ano na? Happy?” nakangiting tanong ni Mek sa akin.
Ngumiti ako ng bahagya.
“Oo naman. Natupad narin ang pangarap ko.”
Nang maiparada ni Mek ang kanyang kotse ay agad kaming bumaba mula sa kanyang sasakyan. Halos nanginginig ang aking mga tuhod. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba itong aking nadarama ngayon. Naghahalo! Parang excited na kinakabahan ako na parang ewan. Alam kong hindi lang ito basta eskwelahan. Isa ito sa mga top universities sa bansa. Alam ko rin mga mayayaman din halos ang mga nag-aaral dito.
“Hey! Are you okay?” tanong ni Mek ng mapansin niyang tila hindi ako mapakali.
“Kinakabahan kasi ako.” tugon kong tila nanginginig ang aking tinig.
Tumawa siya ng bahagya at inakbayan ako.
“Relax dude! School lang ito. Alam ko maraming cute girls dito.”
Asus! Umandar na naman ang pagiging chick boy nitong si Mek. Parang hindi ko siya kilala, hanggang salita lang naman ito kasi pag nasa harapan na niya ang babaeng gusto niya ay agad siyang natatameme…(lol)
Pumunta na kami sa aming building. Sa lobby palang, hindi ko maiwasang mamangha. Tama si Mek! Wow! Ang dami ngang magagandang estudyante. Mapupuno na naman ang aming mga mata sa mga cute girls dito.
Pero ang totoo, hindi naman ako naeexcite dahil sa mga girls dito. Excited ako kasi student na ako ng CU at kung makakita man ako ng girl na magugustuhan ko…Aww! Bonus nalang ‘yun kung saka-sakali.
Wala pa namang klase ngayon. Usually kasi, pag first day ng klase, orientation pa muna at clubbing.
Speaking of clubbing, gusto kong sumali sa musical club. Magaling din kasi akong mag gitara. Actually, parte ako ng aming school boy band noong nasa high school pa ako.
Balik tayo sa tradisyon during first day ng klase. Aside sa orientation, magkakaroon din ng pagpipili ng mga clubs ang lahat ng freshmen. Pagkatapos makapili, magkakaroon agad ng Freshy Day kung saan maglalaban-laban ang bawat faculty.
“Mek, anong club ang sasalihan mo?” minsang tanong ko kay Mek habang papunta kami ng gym kung saan gaganapin ang orientation.
“Siyempre Sports Club. May choice pa ba ako? Hindi naman ako kasing galing mo sa music, di ba?” kunwari naiinis niyang sagot sa akin.
Tama noh! Nakalimutan ko, wala palang talent itong kaibigan ko sa music....(hahaha). Joke lang!
Actually athletic kasi talaga siya. Footballplayer siya noong high school. Samantalang ako, wala naman talagang kahilig-hilig sa sports. Pero gusto kong manood ng volleyball game. At kung magiging volleyball player ako, gusto kong maging spiker kagaya nina Yuki Ishikawa at Yuji Nishida ng Japan. Gusto kong tumalon at paluin ang bola. Kaso, hanggang pangarap lang ako. Pero di bale nalang. Biniyayaan naman ako sa ibang aspeto. Sa musika naman ako pinagpala.
Nang magsimula ang orientation, halos lahat ay tahimik. Inilahad ng school director ang lahat ng mga school policies and regulations ng University. Ngunit ang higit na kumuha ng atensiyon ng lahat ng naroon ay ang sinabi ng emcee. Magkakaroon ng Freshy Day at bilang bahagi ng Freshy Day ay magkakaroon ng Search for Moon and Star at lahat ng candidates ay mga freshmen students.
Pagkatapos ng orientation, bumalik kami sa aming building para magpalista sa club na aming sasalihan.
Pumunta si Mek sa booth ng Sports Club samantalang ako naman ay pumunta sa Musical Club. Habang papalapit ako sa booth ng Musical Club, nagtataka ako kung bakit masyadong mahaba ang pila na gustong magpalista.
“Ganito ba talaga karami ang magaling sa music?” natanong ko sa aking sarili.
Hmmmm.... Pero di bale na nga makipila na nga rin ako. At dahil sa huli akong dumating, eh di sa dulong bahagi ang bagsak ko. Medyo hate ko pa naman ang pumila. Pero no choice na rin ako.
“Alam niyo, ang guwapo ng isang miyembro ng musical club.” sabi ng isang babaeng estudyante na nasa unahan ko.
“Hindi lang yun, siya pa ang lead vocalist ng banda.” dagdag pa ng isang estudyante at kinikilig pa.
Napakamot nalang ako ng aking ulo sa aking mga narinig.
Ngayon malinaw sa akin kung bakit ganito kahaba ang pila ng gustong maging miymebro ng Musical Club…dahil pala sa isang member na sinasabi nilang guwapo at magaling kumanta.
Sino naman kaya ‘yun?
Well, kung sino man ‘yun, hindi ako interesado. Sasali ako kasi gusto ko ang music at hindi dahil sa isang tao.
Nang ako na ang magpapalista, nakatulalang nakatingin sa akin ang isang babae na in-charge sa listing. Tuloy natigilan ako.
“Hello P’.” bati ko sa kanya na may kasamang wai pa.
“H-Hi Nong!” nauutal nitong sagot. “Magpapalista ka?”
“Yes P’.” medyo kabado ang aking boses.
“P’Zol. Just call me P’Zol.” nakangiting sabi nito.
Halos hindi kumurap ang kanyang mga mata sa katititig sa akin. Naisip ko tuloy...may dumi ba ako sa mukha?
“P’Zol.” tawag ko sa kanyang pangalan tapos ngumiti ako ng pilit.
Biglang natauhan si P’Zol, inabot sa akin ang papel at ballpen.
Matapos kong maisulat ang aking pangalan, agad akong dumiritso sa loob kung saan gaganapin naman ang orientation.
“s**t!” nasabi ko ng makita kong iilan lang ang mga lalaking andun. Lahat halos ng mga members ay babae at gays.
“Parang mali ata itong napasukan ko.” naisaloob ko.
Parang gusto kong umatras. Pero kung gagawin ko ‘yun, saan naman ako pupunta? Hindi naman ako magaling sa sports at mas lalong hindi rin ako magaling sa cooking. Napapakamot na lamang ako ng aking ulo na naupo sa sahig. Wala ng atrasan ito.
“Hello…I am P’Tul at ako ang club president ng Musical Club. Kaya kung may mga problema kayo sa ating club, sabihin niyo agad sa akin. I am willing to listen anytime. Before tayo magsisimula, mayroon lang akong isang tanong. Sino sa inyo ang nagdadalawang isip pa na sumali sa Musical Club? Itaas ang inyong kamay at puwede pa kayong umatras, ngayon mismo.”
Palingon-lingon ako sa aking paligid. Tinitingnan ko kung sino ang tataas ng kamay. Naghintay ako ng ilang segundo ngunit ni isa walang tumaas ng kanilang kamay.
“Ok! Since wala sa inyo ang gustong umatras, so ngayon parte na kayong lahat ng Musical Club.” wika ni P’Tul.
Nagpalakpalakan ang lahat. Halatang masaya sa kanilang narinig.
“Ok! Ipapakilala ko na sa inyo ang mga senior members ng ating club.”
Isa-isa ng pinakilala ni P’Tul ang lahat ng senior members. Ngunit ang pinaka-inaabangan ng lahat ay ang paglabas ng sinasabi nilang lead vocalist ng banda. Kita ko, sobrang excited ang lahat sa paglabas nito. Tuloy, naintriga rin ako na malaman kung sino ang taong tinutukoy nila.
“Ok! Ang pinakahuli sa lahat at siya ang lead vocalist ng ating banda ay walang iba kundi….. si Gulf.” pagpapakilala ni P’Tul.
Palakpakan ulit ang lahat at kitang-kita ko na halos tumalon sila sa sobrang kilig ng lumabas si Gulf.
Ngunit kung gaano sila na-excite ganoon naman halos nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Gulf.
Yes! Si Gulf nga! Ang dati kong schoolmate at ang lalaking nabangga ko at aksidenteng nahalikan ko sa labi noong high school. Sobra akong nagulat ng makita ko siya. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayon.
“s**t! Nanaginip ba ako?” Tinapik-tapik ko ang aking ulo para siguraduhin kung nanaginip ako. “s**t! Gising ako! Hindi ako nananaginip. Totoo itong nakikita ko. Si Gulf nga, ang taong ayaw ko ng makita.” halos natatarantang sabi ng aking isipan.
Wait! Sino ba si Gulf?
Si Gulf ay dating kasama ko sa banda noong high school. Siya ang aming lead vocalist. Oo, magaling siyang kumanta. Walang duda iyon. Kaya nga bukod sa kanyang kaguwapuhan, hinahangaan siya ng lahat dahil sa kanyang boses.
Nang muli kong inangat ang aking mga mata nakita kong nakatingin siya sa akin. Nagkasalubungan ang aming mga paningin.
Bahagya itong ngumiti.
Nakita ko ang pagguhit ng mga ngiti nito sa labi na tila ba’y nang-aakit. Hindi ko iyon natagalan, napayuko akong bigla.
Nag-isip ako. Gusto ko ng umatras. Ayaw kong makasama si Gulf sa isang club.
“P’Tul, puwede pa bang umatras?” sabi ko pagkatayo.
Nagulat ang lahat sa aking tanong.
“Pero bakit Nong?” biglang tanong ni P’Tul.
“Nagbago kasi ang isip ko P’ eh. Ayaw ko ng sumali sa Musical Club. Pasensiya na P’.” at aaksiyon na sana akong lalabas nang…….
“Wait!” biglang sabi ni Gulf.
Napatigil ako. Agad siyang lumapit sa akin. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Biglang bumilis ang t***k ng aking puso. Marahil di ako handa na magkita kami ulit kaya ganun nalang na animo’y nakikipagkarera ang t***k nito.
“Bakit ka naman aatras?” tanong nito pagkalapit sa akin.
“Errr….a-ayaw ko ng musical club eh.” nabubulol kong sagot.
Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako palabas ng room. Sobra akong nagulat sa ginawa nito. Ngunit hindi rin ako naka-react sa kanyang ginawa. Awtomatiko akong sumunod sa kanya.
Nang matauhan ako…..
“Teka lang! Puwede ba bitawan mo ako.” sabi ko na medyo may kalakasan ang tono ng aking boses.
Nang binitawan niya ang aking kamay ay agad niya akong tiningnan sa mata.
“Bakit ka ba aatras?” tanong niya.
“Di ba sinabi ko na. Nagbago ang isip ko. Ayaw ko ng sumali sa Musical Club.” matigas kong sagot.
“Ayaw mong sumali dahil sa nangyari sa atin noon…..”
Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. Bigla kong tinakpan ang kanyang bunganga ng aking mga kamay at sabay sabing…
“Ai’Gulf!” may kalakasan ang aking boses.
Dahil sa aking ginawa, nagkalapit ang aming mga mukha. Nagkakatitigan kami ng malapitan.
Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan.
“Ano ang nangyayari sa inyo?” takang tanong ni P’Tul sa amin.
Nagulat ako! Agad kong inalis ang aking kamay mula sa bunganga ni Gulf.
“Errr….P’.” Hindi ko alam kung ano aking sasabihin.
“Magkakilala kayo?” tanong ulit ni P’Tul.
Nagkatinginan kami ni Gulf. Napalunok ako ng aking laway. Parang may biglang bumara sa aking lalamunan.
“Ahhh….P’Tul, dati kasi kaming schoolmate nitong si Win. Lead guitarist namin siya at ako naman ang lead vocalist ng aming banda noong high school.” sabi ni Gulf.
“Talaga?” masayang tanong ni P’Tul.
“Yes P’.”mabilis na tugon naman ni Gulf.
“Kung ganun, maganda yan. Hindi na tayo mahihirapan.” masayang sabi ni P’Tul. Pagkuwa’y inakbayan niya ako sa balikat. “Nong, huwag ka ng umalis. Kailangan ka namin.”
“Pero P…” hindi natapos ang aking sasabihin.
“P’akong bahala sa kanya. Hindi na siya aalis sa club natin.” biglang sabi Gulf.
“Salamat Nong.” Si P’Tul at muling pumasok sa loob.
Napakamot na lamang ako ng aking ulo.
“Bakit mo sinabi kay P’Tul na hindi ako aalis?” galit kong tanong sa kanya.
“Hindi ka naman talaga makakaalis.” nakangisi niyang sagot sa akin.
“At sinong may sabi?”
“Ako.”
“At bakit naman?”
Nilapit niya sa akin ang mukha nito.
“Kasi kung aalis ka, sasabihin ko sa lahat ang nangyari sa atin noong high school.” sabi niya na may kasama pang ngiti, Hindi ko alam kung nang-aasar ba ang mga ngiti nito o kung nang-aakit.
Bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin ng maramdaman ko ang hininga nito. Hindi dahil sa mabaho ito. Sa katunayan, ang bango ng kanyang hininga. Ayaw ko lang na may makakita sa amin sa ganung eksena.
“Gulf!” nagtaas ng bahagya ang aking boses.
“ Ano? Aalis ka pa or hindi na?”
Natigilan ako. Napatingin ako sa mga mata niya. Gusto kong alamin kung nagbibiro lang ito. Pero nakita ko, seryoso siya sa kanyang banta. Ibig sabihin, kaya nitong sabihin sa lahat ang nangyari sa amin noon. Ni hindi ito nahihiyang malaman ng lahat na nahalikan siya ng isang lalaki.
“Opppsss! Teka lang! Sasabihin niya sa lahat na hinalikan ko siya noon. Kung tutuusin, wala siyang kasalanan sa nangyari. Kasalanan ko kung bakit nangyari yun. Ibig sabihin, ako ang lalabas na mali at masama. No! hindi puwede ito.” nasabi ko sa aking sarili.
“Oh! Ba’t hindi ka makapagsalita?”
“Fine! Hindi na ako aalis. Pero you have to promise me na walang makakaalam nun.” kunot-noo kong pahayag.
Tumawa siya na tila nang-aasar ang tono nito.
Agad kaming bumalik sa loob. At yun na nga, hindi na natuloy ang pag-atras ako sa musical club. Tuloy na nga ang aming pagsasama. Hayyysstt! Araw-araw kaming magkikita. Ang liit talaga ng mundo. Hindi ko inaasahan na dito pa kami magkikita sa Chulalongkorn University.
Pero infairness huh. Matagal ko rin siyang hindi nakikita. Wala paring pinagbago sa mukha niya. Guwapo parin siya. Mali pala! Mas lalo pala siyang gumuwapo ngayon. Kaya pala ang daming gustong sumali sa Musical Club dahil sa kanya. Bitbit parin nito ang kanyang karisma simula high school.
(………………………….)
Palabas na ako mula sa music room ng agad akong sinalubong ni Gulf.
“Saan ka pupunta?” tanong nito sa akin.
“Pati yun bah kailangan ko pang sabihin?” sarkastikong tanong ko sa kanya.
“Aww…siyempre, isang club lang tayo. Di ba dapat alam natin ang where abouts ng bawat isa.”
Nagtataka talaga ako sa taong ito. May pa where abouts where abouts pa siyang nalalaman. Hmmmmppppp!
“Bakit sinusundan ako nito?” naisaloob ko at pagkuwa’y nagpatuloy ako sa aking paglakad.
“Wait!” sabi niya ulit. “Kung ayaw mong malaman ng lahat…..”
Bigla ko siyang nilapitan at tatakpan na sana ng kamay ko ang kanyang bunganga ngunit ng mapansin kong marami ang nakatingin sa amin ay bigla akong natigilan.
“Okay okay! Pupunta ako sa canteen. Ano sasama ka?” naasar kong saad.
Bigla siyang tumawa.
Di ko talaga alam kung nang-aasar ba ang taong ito. Pero nagulat nalang ako ng bigla nitong hinawakan ang kanang kamay ko at tapos sabay hila papuntang canteen. Hindi ako nakapagsalita at tila natameme ako. Awtomatiko naman akong sumunod sa kanya. Nakatingin ang aking mga mata sa kanyang kamay habang hila-hila nito ang aking kamay. Lahat ng aming nadadaanan na mga estudyante ay nakatingin sa aming dalawa.
“Diyan ka lang.” sabi niya ng makahanap kami ng isang bakanteng mesa.
Naupo ako samantalang pumila naman siya para mag order ng pagkain. Hindi ko talaga alam kung anong motibo ng taong ito. Naghintay ako sa kanyang pagbalik. May bitbit na itong miryenda. Isang cold choco at isang pink milk at dalawang sandwich. Nagtaka ako. Hindi naman ito umiinom ng pink milk huh.
“Oh! Para sayo.” at sabay abot ng sandwich at pink milk sa akin. “Alam ko paborito mo yan.’ sabi nito na ang ibig sabihin ay ang pink milk na hawak niya.
Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na favorite drink ko ang pink milk.
“Hindi ko talaga inaasahan na dito ka mag-aaral.” sabi niya pagkatapos humigop ng cold choco.
“Dream school ko naman talaga ito.” mahina kong sagot sa kanya.
“Matagal din tayong hindi nagkita no.”
“Kaya nga. Saan ka pala nag-aral dati?”
“Sa Bangkok Patana School.”
“Ahhhh….siya nga pala sorry sa nangyari noon.”sabi ko na ang ibig kong sabihin ay ang aksidenteng banggaan namin.
Inisip ko kasi na iyon ang dahilan kung bakit lumipat ito ng eskwelahan. Akala ko noon nagalit siya at nahihiya siya sa nangyari sa aming dalawa.
“Hey! Wala yun. Actually, pag iniisip ko yun, napapa-smile ako.” aniya at kasabay nun ay ang pagguhit ng mga ngiti sa kanyang mga labi.
“Huh? Bakit naman?” taka kong tanong sa kanya.
“Eh kasi naman parang eksena sa pelikula. Para tayong nasa BL series.” sagot niya tapos tumawa ng bahagya. “Ang cute kaya nating tingnan noon.”
Cute? Napakunot ang aking noo.
“Ang akala ko kasi galit ka sa akin.”
“Bakit naman ako magagalit? Dapat ba akong magalit na hinalikan ako ng isa sa pinakaguwapong estudyante dati sa school natin?”
“Ai’Gulf! Baka may makarinig sa atin.”
Tumawa siya ng bahagya.
“Sorry!” pagkuwa’y sabi niya. “Hindi ako galit sayo, Lumipat ako kasi lumipat kami ng tirahan. Sorry pala noon kung hindi ako nakapagpaalam sayo. Biglaan kasi yun.” paliwanag niya.
Bigla akong natigilan sa aking narinig. Ang totoo, hindi rin ako galit sa kanya. Ayaw ko lang na magkita kami ulit dahil sa sobrang nahihiya ako sa nangyari noon.
“Win, musta na kayo ni Mint?” tanong niya pagkuwa’y tumingin siya sa akin.
“Ahhh…wala na kami. Simula noong umalis ka, naghiwalay din kami agad.”
“Ibig sabihin heartbroken ka nun.”
“Uhhhmmm….ayaw kasi ng parents niya na magka- boyfriend siya kaya nakipaghiwalay siya sa akin.”
“Eh di umiyak ka”
“Iyak? Hindi naman. Nasaktan lang din pero hindi ako umiyak. Ok lang din sa akin kasi naintindihan ko siya. Anyway kung talagang kami, pagtatagpuin ulit landas namin.”
Napansin ko ang biglang pagtahimik niya matapos kong sagutin ang kanyang tanong.
“Ikaw, sinong girlfriend mo ngayon?” tanong ko naman sa kanya.
“Wala akong girlfriend.” mabilis nitong tugon.
“Weewww! Di nga totoo.” pagtutol ko sa sinabi niya.
Siyempre ayaw kong maniwala. Sa dami ba namang humahabol sa kanya imposibleng wala siyang girlfriend.
“Wala talaga. Ayaw ko rin munang pumasok dun.”
“Naranasan mo na bang magmahal?”
Tumango lamang siya.
“Nasaktan ka?”
“Uhhhmmmm…”
“Umiyak?”
Matagal siya bago nakasagot.
“Uhhhmmmm..” tipid niyang tugon at sabay tango.
At ngayon, naintindihan ko na kung bakit ayaw na nito munang pumasok sa isang relasyon. Pero kung tutuusin, hindi naman niya problema ang mga babae dahil siya naman ang hinahabol ng mga ito. Siguro sadyang pihikan lang ang taong ito sa mga babae o di kaya masyadong mataas lang ang standards niya pagdating sa love.
To be continued…………………......
Thanks for reading