Episode 2

2972 Words
Title: FALLING STAR (BL) Author: Jenryl de Jesus Wattpad: @jenryl04 Dreame: @Moonlight 04 EPISODE 2 WIN Pagdilat ko ng mga mata, uminat-inat muna ako ng aking katawan at pagkatapos ay tumingin sa orasan. Mayroon pa akong mahigit isang oras para maghanda. Himala! Hindi ata ako ginising ni Mek ngayon. Hmmmm…second day palang ngayon parang imposible namang hindi na ito excited na pumasok ngayong umaga. Hmmm…marahil tulog parin ‘yun hanggang ngayon. Pagbangon ko, agad akong kumuha ng towel at pumasok sa loob ng banyo para maligo. Habang naliligo, bigla kong naalala ang naging pag-uusap namin ni Gulf kahapon. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala sa kanyang mga sinabi. “Ang cute kaya nating tingnan noon. Parang eksena sa isang BL series.” with matching ngiti pa ‘yun na di ko mawari kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. “Loko!” nasabi ko na lamang pagkatapos bahagya akong napangiti. Pagkatapos kong naligo ay agad akong nagpalit ng uniporme. Kumain narin ako ng almusal. Anyway, may natirang pagkain pa naman sa ref kaya pinainitan ko na lamang ‘yun. Pagkatapos kumain ay agad akong tumungo sa harapan ng salamin. Inayos ang aking sarili, nag-apply ng facial cleanser sa mukha at naglagay ng kaunting cream para panatilihin ang maayos, maputi at makinis kong kutis. At siyempre kailangan magmukhang guwapo ako lagi. Ilang sandali lamang, may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Malamang si Mek na ito. Tinungo ko ito para buksan. “Akala ko - .” sabi ko pagbukas ng pinto ngunit hindi ko natapos iyon. Nagulat ako at natigilan nang makitang hindi si Mek ang kumatok kundi si Gulf. “Gu-Gulf!” nauutal kong sabi nang makita ko siya habang nakangisi sa akin. “Wala ka bang balak na papasukin ako?” nakangiting tanong niya. “Hu-Huh?” halos hindi ako makapagsalita ngayon. Hindi pa ako nagbigay ng permiso ay agad na itong pumasok sa loob ng aking silid. “Hey! Anong ginagawa mo rito?” nagtataka kong tanong. Medyo may kataasan ang aking boses. “Dinadaanan ka.” sagot nito habang palingon-lingon sa loob ng aking kuwarto. Gusto ata nitong tingnan kung naglilinis ako ng aking silid. “Hmmmppp! Excuse me! Malinis akong tao….I mean di ako makalat sa mga gamit. Ayaw ko ng marumi. Kaya wala kang makikitang dumi riyan.” naisip ko. “What do you mean?” tanong ko sa kanya. “Eh di sabay na tayong pumunta ng school.” “Anong pinagsasabi mo? I mean nasaan si Mek?” hindi ko kasi ito inaasahan ngayon. Let us say, never in my dream naisip kong pupunta siya rito ngayon at susunduin ako. Tapos sa ganitong oras pa talaga. Bahagya itong natigilan . Halatang nag-iisip. “Errr…si Mek, nauna na siyang umalis. Sabi niya sa akin kanina may dadaanan pa siya. Kaya humingi siya ng pabor kung puwede raw sa akin ka nalang sumabay.” “Paano ka nakarating dito?” kunot-noo kong tanong sa kanya. “Errr..nagkita kami kanina diyan sa labas. Kaya ayun. Ba’t ba ang dami mong tanong?” “Awww…nakakagulat lang din kasi.” “Na nandito ako ngayon?” tanong niya na may kasamang ngisi pa. “Uhhhmmmm.” agap ngunit tipid kong sagot. “Di ba dapat feeling lucky ka kasi kasama mo ako ngayon?” aniya at ngayon may kasamang kindat pa ito. “Bakit naman?” kunwari di ko alam ang ibig nitong sabihin. Ang ibig kasi nitong tukuyin ay masuwerte ako na kasama ko ngayon ang campus crush ng CU. Awww! Hindi pa naman ako sure kung talagang campus crush nga ito ng CU pero sa nakikita ko kahapon, walang duda marami ang nagkakagusto sa kanya. Sabay na nga kaming pumunta ng eskwelahan ngayon. May choice pa ba ako? Kunsabagay, parang hindi rin naman ako makatanggi sa kanya. Siguro nahihiya lang ako kaya ganun. Sakay ng kotse niya, sabay naming nilakbay ang daan papuntang unibersidad. Hindi pa ganun ka traffic noon pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit mabagal ang pagpapatakbo nito ng kanyang sasakyan. “Bakit ang tahimik mo?” tanong niya sa akin habang nagmamaneho. Tahimik? Oo nga naman! Ba’t ba ang tahimik ko ngayon? Actually hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. Naninibago ako sa ipinapakita niya ngayon. Hindi naman ito ganito dati. Oo, magkasama nga kami dati sa banda pero ni minsan hindi niya ako kinausap ng ganito o ni minsan hindi kami nabigyan ng pagkakataon na magkausap ng masinsinan. “Wala naman akong sasabihin eh.” mahina kong sagot sa kanya. “Ahhh…kuwento ka naman about sa life mo after noong lumipat ako.” Natigilan ako ng bahagya. Huminga ako ng malalim. “Simula nang lumipat ka, medyo naging ok ang life ko, Pasensiya na huh. Sobra kasi talaga akong nahiya noon sa nangyari sa atin. Halos lahat ng mata nakatingin sa akin araw-araw. Tapos kung ano-ano pa ang sinasabi nila tungkol sa akin. Kaya nagpapasalamat ako noon nang lumipat ka ng school kasi nakalimutan ng lahat ‘yung nangyari sa ating dalawa.” Habang nagkukuwento ako, napansin ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha. “Hey! Hindi naman sa gusto ko noon na lumipat ka ng ibang school. Actually nalungkot din ako noon kasi feeling ko ako ang dahilan kung bakit lumipat ka. Yung ibang fans mo nagalit pa sa akin noon. Ako yung sinisisi nila.” dagdag ko. “Nalungkot ka ba dahil nagi-guilty ka o nalungkot ka dahil hindi mo na ako nakita?” Biglang akong napatahimik sa tanong niya. Matagal bago ako nakasagot. “Errr….puwede same. I mean, nalungkot din kasi namiss ko yung boses mo. You know what, sobrang nahirapan noon ang banda na makahanap ng bagong vocalist. Alam ng lahat kung gaano ka kagaling. Saka alam mo rin, ikaw lang naman ang dahilan kung bakit maraming nanonood sa atin pag nagpe-perform tayo.” wika ko. “Wala naman akong pakialam sa kanila. Pag kasama kita sa stage masaya na ako.” Masaya siya? “Bakit naman?” taka kong tanong sa kanya. “Ewan! Basta masaya ako pag kasama kita.” Natigilan ako sa sinabi niya. Dati kasi pag magkasama kami, parang isang normal na ka-grupo lang kaming dalawa. Hindi kami ganun nag-uusap. Kaunting smile lang at simpleng hello, sapat na. Di tulad ngayon. Actually, akala ko dati suplado siya. Hindi niya ako gusto bilang kaibigan dahil madalang lang ito ngumingiti sa akin. “Yung kiss ba natin, pang-ilang kiss mo ‘yun?” pagkuwa’y tanong niya s akin. Nagulat ako sa tanong niya. Ano ba naman ito? Pati ‘yun ba itatanong pa niya? Maniniwala ba ito pag sinabi kong first kiss ko ‘yun eh ang alam nito bago nangyari ‘yung accidental kiss naming dalawa ay naging kami na ni Mint noon? But to be honest, first kiss ko talaga ‘yun. Hindi pa naman kasi kami dati nagkaroon ng chance ni Mint na maghalikan. Anyway, di rin naman kasi ako ganoong klaseng lalaki. “Ahhhh…first kiss ko yun.” nahihiya kong sagot. Tumawa siya. “Di nga!” Kitam! Ayaw niyang maniwala, di ba? Di ko rin naman siya masisisi. “Ayaw mong maniwala? “Exactly! Kasi ang alam ko kayo na ni Mint noon. Imposible din naman na never kayo nag kiss noon.” “Never naman talaga. Actually naghiwalay kaming dalawa na hindi namin na-try yun.” Di ba parang hindi kapani-paniwala? Nagtagal ang aming relasyon ng 5 months tapos never kami nag kiss. “So ibig sabihin nito, suwerte ko pala kasi ako ang first kiss mo?” nakangiting usal niya. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba ito o nagpapa-cute. Hanggang….. “By the way, first kiss ko rin yun.” nakangiting wika pa nito. Nang sinabi niya iyon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Natahimik akong bigla at napalunok. Pero batid ko sa aking sarili na may kakaibang saya akong nadarama sa aking nalaman. Ayaw ko sanang maniwala sa sinabi nito dahil parang imposible kasi dahil marami ang nagkakagusto sa kanya. Pero kunsabagay never pa naman ako nakarinig na nagkaroon ito ng girlfriend o may ka-date na iba. Pagdating namin ng unibersidad, sabay kaming bumaba mula sa kanyang sasakyan. Nang makita kami ng ibang estudyante, agad kaming pinagtitingnan ng mga ito. Lahat ng mga estudyante na aming nadadaanan ay napapalingon sa amin, tuloy naaasiwa ako. Heto na naman ako. Tila nanumbalik na naman ang mga nangyari noong high school kami. Hindi ako sanay sa ganitong eksena. Pilit akong dumidistansiya sa kanya. Nagpatuloy kami papunta sa aming building. Nagtataka ako kung bakit hindi pa ito humiwalay gayong nasa kabilang wing naman ang daanan papuntang Faculty of Law. “Awww...di ba nasa kabilang building ka?” taka kong saad sa kaniya. “Ihatid lang kita sa building niyo.” “Huh? Bakit naman?” “Para masiguro kong ok ka.” “Ai’Gulf, kaya ko na ang sarili ko, ok? Kaya puwede ba dumiretso ka na sa klase mo.” Siya nga pala, law student si Gulf. Katulad ko, first year college din siya. Pero unang araw palang niya sa Chulalongkorn University, masyadong matunog na ang kanyang pangalan. Tuloy halos kilala na ito sa buong unibersidad. “Ok…kita tayo mamaya sa practice.” sabi niya na noon lamang liliko papunta sa kanilang building. “Ok!” mabilis kong tugon. Naghiwalay na kami ng daanan. Agad akong dumiretso sa aming classroom. Nadatnan kong andun na si Mek. “Mek, bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta si Gulf sa condo?” agad kong tanong sa kaniya paglapit ko. Tila naiinis ako ngayon. “Kinausap niya ako na kung puwede sa kanya ka na sumabay.” “Bakit naman daw?” kumunot ang noo ko. “Ewan ko sa inyo. Nagtataka nga rin ako kung bakit humingi siya ng pabor. Di ba sabi mo kaya siya lumipat dahil sayo at ayaw mo rin siyang makita.” Natahimik ako na di ko alam kong anong sasabihin ko. “Hmmm…nagdududa na ako sa inyong dalawa. Kayo ba ay - .” ' “Hey Mek! Mali yang iniisip mo.” agad kong singit sa sinabi niya. “Kahit ako nagtataka rin sa kanyang ikinikilos ngayon.” Napaisip si Mek. “Hindi kaya….may gusto siya sayo?” pagdaka’y sabi niya. “Huh! May gusto siya sa akin?” gulat kong tanong. Sa lakas ng boses ko halos napatingin ang lahat sa amin. Buti nalang wala pang klase ngayon. “Imposible yang sinasabi mo. Pareho kaming lalaki.” pagtutol ko sa sinabi ni Mek. “Aww, hindi ka ba nanonood ng bl series? Uso na ngayon yan.” Tama! Naalala ko yung sinabi ni Gulf kahapon. Para daw kaming nasa bl series noong accidental kiss naming dalawa. Pero hindi maaari ito. I mean, imposible yun. Ang alam ko maraming babaeng humahabol sa kanya. And besides wala rin sa plano ko ang magkagusto sa kanya. Pareho kaming lalaki at babae ang gusto ko. Pero bakit nga ba niya yun ginawa? Saka bakit kinukulit niya ako ngayon? Ayaw kong bigyan ng masamang meaning yun. Marahil ito ang ibang side ni Gulf na hindi ko pa nakita rati. Pero sobrang layo niya talaga ngayon kumpara noon. Tahimik ito noon pero ngayon, ewan! Ang kulit niya. Pero hindi rin naman ako naiinis or naaasar sa kanya. Maya-maya ay may pumasok na isang babae at isang gay students. Lumapit ang mga ito sa aming kinaroroonan. “Hello…Ikaw ba si Win?” agad na tanong ng isang babaeng estudyante. Maganda ito at kung hindi ako nagkakamali mga seniors namin silang dalawa. “Yes P’.” agad kong sagot sa tanong niya. “Ahh ako si Yen. Ang club president ng faculty natin. Siguro naman Nong narinig mo na yung tungkol sa Moon and Star.” wika ni P’Yen. “Yes P’.” sagot ko at sabay tango. “Actually lumapit kami sayo para kausapin ka na kung puwede ikaw ang mag represent ng faculty natin.” Sobra akong nagulat sa sinabi ni P’Yen. Hindi ako nakapaghanda. Ako sasali sa search? No way! Wala akong alam diyan at saka hindi ako bagay maging Moon. “P’, puwede bang tumanggi? Hindi kasi ako interesado sa ganyan eh at saka wala akong talent sa pag rampa.” wika ko. “Pero Nong, umikot na kami sa buong faculty. Pangalan mo lang talaga ang binabanggit nila. Sige na Nong, pangako tutulungan ka namin. Nandito si Tar. Siya na ang bahala sa rampa mo.” Si Tar na tinutukoy ni P’Yen ay ang gay na kasama niya ngayon. Naka-smile ito sa akin habang titig na titig sa aking mukha. “Pero P’ - . hindi ko natapos ang aking sasabihin. “Nong, ikaw lang talaga ang puwedeng pantapat sa representative ng Faculty of Law.” pamimilit ni P’Yen. Faculty of Law? Agad akong naintriga kung sino ang tinutukoy niya. “Sino pala ang magre-represent sa kanila P’?” tanong ni Mek. “Si Gulf.” Si Gulf? Nang marinig ko ang kanyang pangalan, mas lalo akong pinanghinaan ng loob. Kung siya lang naman ang makakalaban ko, mas mabuti pang hindi na ako sasali dahil alam ko wala rin akong kalulugaran sa kanya. “Mas lalong ayaw ko P’ na sumali.” “Hey Win! Tanggapin mo na. Panahon na para maipakita mo sa kanya na kaya mo siyang talunin.” sabi ni Mek. “Sige na Nong. Ako ang bahala sayo. Tuturuan kita. Naku! Sa guwapo mong yan, sigurado ako malaki ang chance mo.” sabi ni P’Tar. Hindi ko alam kung ano ang aking itutugon, Ayaw ko talagang sumali. Hindi naman sa natatakot ako kay Gulf pero hindi talaga ako mahilig sa ganitong contest. “Pag-isipan ko muna P’. Bukas ko nalang sasabihin sa inyo ang desisyon ko.” “Ok Nong. Aasahan namin na papayag ka.” Ngumiti ako ng pilit. Bigla ata akong kinabahan. Iniisip ko palang na rarampa ako sa ibabaw ng stage, parang nanginginig na ang aking mga tuhod. Hindi naman bago sa akin ang humarap sa maraming tao. Siyempre nakapag-perform narin kami sa malaking entablado. Pero ibang usapan ito. Search ito. Hindi lang basta guwapo ang labanan dito, kundi talino at galing sa paglakad. _____________________________________ Pagkatapos ng aming klase, agad akong pumunta sa music room. Samantalang dumiretso naman si Mek sa soccer field. Papasok palang ako ng pintuan, nakita ko sa salamin si Gulf habang tumutugtog ng piano. By the way, bukod sa magaling siyang kumanta ay magaling din siyang tumugtog ng piano. Mag-isa lamang siya sa loob. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto hanggang sa marinig ko ang tinutugtog at kinakanta niya. Isang kanta ni Boy Sompob, OST ng The Effect The Series. Wala paring pinagbago ang boses niya. Gaya parin ng dati. Sa totoo lang, sa tuwing naririnig ko ang kanyang boses, para akong dinuduyan lagi. Daig pa nga niya ang ibang professional singer sa ganda ng kanyang tinig. Napatigil siya nang mapansin niya ako. “Kanina ka pa riyan?” pagkuwa’y tanong niya sa akin. “Ahhmm…hindi naman masyado.” sagot ko at lumapit sa kaniyang kinaroroonan. “Magaling ka parin tumugtog at kumanta.” saad ko pa pagkatapos. Bahagya siyang ngumiti. “Nagustuhan mo?” nakangiti niyang tanong sa akin. Tumango lamang ako habang napatitig sa kanya. “Ang lalaking ito ang makakalaban ko. Nakapanlulumo naman ang mukha niya. Gusto ko na talagang tanggihan ang offer ni P’Yen. Ayaw kong magmukhang talunan. Alam ko naman, napakalaki ng posibilidad ng lalaking ito na manalo. Ano bang magiging laban ko sa kanya.” naisaloob ko habang nakatingin sa mga mata niya. “Hey! Ba’t ba parang titig na titig ka sa akin?” tanong niya na tila nang-aasar ang mukha. “Wala!” at agad kong iniwas ang mga mata ko mula sa kanya. “Don’t tell me na naguguwapuhan ka sa akin?” Kumunot ang noo ko. “Ang hangin naman!” inismiran ko siya huli. Tumawa siya ng bahagya. “Bakit, hindi ba totoo?” tanong niya. “Yabang!” tapos agad akong pumunta sa kinalalagyan ng mga gitara. Pero ba’t parang natutuwa rin ako sa sinabi niya? Matapos kong kumuha ng gitara ay pumunta ako sa isang sulok para mag practice. Nagsimula na akong tumugtog nang…. “Puwede mo ba akong turuan?” tanong ni Gulf nang lumapit sa akin. Nag angat ako ng tingin. s**t! Hindi ko napansin, inilapit na pala nito ang kanyang mukha sa aking ulo, tuloy halos nagkalapit ang mukha naming dalawa. Nakatingin siya sa akin at hindi ako nakaiwas mula sa makahulugang titig niya. Parang nanigas ang aking katawan sa mga titig niyang animo’y nang-aakit ang dating. Kahit hindi ito nakangiti, kitang-kita ko naman ang ngiti sa kanyang mga mata. “Hey Win!” saway ko sa aking sarili. Agad akong natauhan. “Kailangan ba talaga pati pag gigitara matutuhan mo?” pagkuwa’y tanong ko. “Oo naman. Gusto ko ring matutong mag gitara gaya mo. Kung gusto mo, tuturuan din kitang mag piano.” sagot niya at kasunod ‘nun ay pagguhit ng manipis niyang ngiti “Really?” bigla akong na-excite sa kanyang sinabi. “Uhhhmmm…Promise!” Mukhang exciting ang offer niya ah! Sa katunayan, gusto ko ring matutong tumugtog ng piano. Kaso lang wala talaga akong talent na tumugtog nito at alam ko mahirap tumugtog ng instrumenting ‘yun. Dahil sa gusto kong matutong mag piano, agad kong tinanggap ang offer niya. Agad ko siyang tinuruan ng basic chord ng gitara. Magkatabi kami habang tinuturuan ko siya. May mga pagkakataon na nagkakalapit ang aming mga braso at nagkakadikit ang aming mga balat. But for me, walang malisya yun at alam ko ganun din ito sa kanya. To be continued……………………………
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD