Title: FALLING STAR (BL)
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04
EPISODE 3
WIN
“Bakit di ka pumayag na lumaban sa search?” agad na tanong ni Gulf sa akin pagpasok ko ng music room.
“Hindi naman ako mahilig sa ganun eh. Saka wala akong talent sa pagrampa.” paismid na sagot ko.
“Hindi ka mahilig o takot kang labanan ako?”
Biglang sumimangot ang aking mukha.
“At sinong may sabi na takot ako sayo?” may kalakasan ang aking boses.
“Talaga? So kung hindi ka takot sa akin, labanan mo ako!”
Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung anong balak ng taong ito kung bakit tila hinahamon ako ngayon.
“Ang lakas din naman talaga ng tingin ng lalaking ito sa kanyang sarili.” naisaloob ko habang nakatingin sa kanya.
“Paano kung lalaban ako sayo at matalo kita?” taas-kilay kong turan dahil tila nainis ako sa kaniyang sinabi.
“Lahat ng gusto mo ibibigay ko.” mabilis niyang sagot.
Bigla akong napaisip at bahagyang ngumiti.
“Fine! Lalabanan kita. Pag nanalo ako, lalayuan mo ako at hindi mo na ako kakausapin kahit kailan.”
Bigla siyang natigilan nang marinig niya iyon.
“Parang sobra naman ‘ata ‘yan.” aniya at biglang nagbago ang expression ng kanyang mukha.
“Awww! Di ba gusto mong labanan kita, so para mas maganda ang laban magpustahan tayo.”
Napaisip siya.
“Alright! Pero paano pag ako ang nanalo?” tanong niya.
“Kausapin mo ako hanggang gusto mo. Lapitan mo ako hanggang sa magsawa ka.”
Gumuhit ang tila naghahamong ngiti sa mga labi niya.
“Ok deal!” pagkuwa’y sabi niya.
“Seryoso ba ‘tong usapan namin.” naisaloob at kinabahan ako bigla.
Ang akala ko kasi nagbibiro lang siya ngunit mukha atang seryoso ito at mapapahamon ako. To be honest, takot naman talaga akong kalabanin siya kasi alam kong malabong mananalo ako sa kanya. Hmmppp! Mali ata ang naging move ko.
Papunta na sana ako sa kinalalagyan ng mga gitara nang….
“Win!” biglang tawag niya sa pangalan ko.
Agad akong lumingon sa kanya.
“By the way, kahit kailan hindi ako magsasawa sayo.” nakangiti niyang sabi.
Biglang akong natameme sa sinabi niyang iyon at napatingin ng diretso sa knayang mga mata. Napailing na lamang akong nagpatuloy sa aking ginagawa.
GULF
Sa kabilang banda kausap ko ngayon ang aking mga kaibigan. Pinag-uusapan din namin ang naging pustahan namin ni Win.
“Huh! Bakit ka pumayag?” gulat na tanong sa akin ni Ken pagkatapos kong ikuwento sa kanila ang lahat.
“Eh wala naman akong choice.” kibit-balikat kong tugon.
“Paano pag natalo ka?”
“Eh di gawin ko yung gusto niya.”
“Ok lang sayo?”
“May choice ba ako?”
Napailing si Ken.
“Matagal mong hinintay ang pagkakataong ito. Tapos mauuwi lang sa wala.”
Bigla akong natahimik. Matagal ko na ngang hinintay na magkita kami ulit ni Win. At ngayong nabigyan ako ng pagkakataon na mapalapit sa kanya parang ayaw ko rin na mawala nalang agad ang lahat ng ganun-ganun nalang.
“Ai’Ken, hindi naman matatalo si Gulf eh. Alam nating mananalo siya.” biglang sabi ni Joss.
“Alam natin kung anong kayang gawin ni Win. Magaling siya at saka guwapo rin. Magiging malakas din ang laban niya.” si Ken at kita kong nag-aalala siya sa akin.
“Tama si Ken. Pero ok lang naman sa akin na matalo niya ako eh.” wika ko.
“Alam ko yun dude. Alam ko rin na mas gusto mo siyang manalo. Pero paano ang pustahan niyo?”
“Eh yun ang gusto niya, eh di ibibigay ko.” matamlay kong sagot.
Huminga ng malalim si Ken at pagkatapos ay inakbayan ako.
“Basta dude! Gawin mo lahat para manalo ka. Dapat hindi masayang lahat ng pagod mo.” saad niya.
“Uhhhmmm….Thank you.” tugon ko kahit pa ramdam ko ang takot sa aking puso sa naging pustahan namin ni Win.
Kapagkuwan ay pumunta kami ng canteen para kumain. Hindi pa kami nakakarating nang sinalubong kami ng grupo ng mga mag-aaral.
“Gulf, puwede bang magpa picture sayo?” tanong ng isang estudyanteng babae.
Tumango lamang ako bilang tugon.
Agad nilang kinuha ang kanilang mga cellphone at nakipag selfie sa akin.
“Thank you Gulf. Susuporta kami sayo para sa nalalapit na contest.” sabi ng babaeng estudyante pagkatapos makipag-selfie sa akin.
“Thank you.” nakangiti kong tugon.
Nang makaalis ang mga ito……..
“Woah! Ibang level ka na talaga.” si Ken na may paakbay pa sa aking balikat. “Parang naaawa ako sa kanila. Di man lang nila alam taken na itong puso mo.” natatawa pang wika niya at sabay turo sa aking dibdib.
Pabiro ko siyang siniko sa tiyan at pagkuwa’y dumiretso na kami ng kantina.
WIN
Sobra ding nagulat si Mek nang sinabi ko sa kanya ang naging pustahan namin ni Gulf.
“Ok lang sayo na kakausapin ka niya lagi?” tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Para naman atang sinasabi nito na matatalo ako kaya dapat tanggapin ko na lamang na magiging parte si Gulf sa araw-araw na buhay ko rito sa university.
“Alam ko naman na imposibleng mananalo ako sa kanya. Pero hinamon niya ako eh.”
“So if I were you bro, masanay ka na na lagi kayong magkikita, magsasama at titingnan ng lahat.”
“Anong gagawin ko?” salpok-kilay kong tanong sa kanya.
“Awww…isa lang ang tanging paraan bro. Dapat mong maipanalo ang laban. Pag nanalo ka, hindi ka na niya guguluhin pa. Pero sinasabi ko sayo bro, good luck na lang. Simula ngayon mag practice ka na.”
Napakamot ako na lamang ako sa naging turan ni Mek. Kaibigan ko ba talaga itong kausap ko ngayon? Sa tono ng boses, mukha namang tinatakot niya ako at sinasabing malabong mananalo ako. Hmmmm…. Eh ano naman kung sakaling matatalo ako? Eh di sasanayin ko nalang ang sarili ko na araw-araw kasama ko si Gulf.
Pagkatapos ng aming klase, nauna na akong umuwi kay Mek dahil may practice pa ang kanilang grupo. Palabas na ako ng gate nsng biglang may tumawag sa akin. Sina P’Yen at P’Tar.
“N’Win!” tawag nila sa pangalan ko.
“Hello P’.” bati ko sa kanila.
“Nong, nakapag-desisyon ka na ba?” tanong ni P’Yen, ang nais tukuyin ay ang pagsali ko sa Moon and Star 2018.
“Errr…Oo P’. Pumapayag na ako.” kabado man ang aking boses ngunit napa-Oo ako bigla.
Biglang natuwa ang dalawa at nag-apir pa.
“Salamat Nong.” masayang sabi ni P’Yen.
Ngumiti lamang ako ng tila pilit. Walang ibang laman ang isipan ko kundi ang pustahan naming dalawa ni Gulf.
“Nong, akong bahala sa rampa mo. Tuturuan kita.” sabi naman ni P’Tar na may payakap pang ginawa Halatang kinikilig siya.
“Salamat P’Tar.”
“No problem Nong. Bukas maghanda ka. Ipapakilala kayong lahat sa buong university. Dapat guwapo ka talaga bukas.”
“Ok P’.”
“Sige Nong, mauna na kami sayo. Kita tayo bukas huh.”
“Ok P’Yen”
“Bye-bye Nong.”
“Bye P’!…Bye P’Tar!”
Pagkatapos naming mag-usap ay agad ding umalis ang dalawa kong seniors. Wala na itong bawian. Tuloy na ang laban. Kinakabahan man ako. Pero di bale! Gagawin ko na lamang ang lahat para manalo.
Habang nag-aabang ako ng taxi na masasakyan pauwi, may biglang tumigil na isang kotse sa aking harapan. Nang ma-recognize ko iyon ay agad akong umiwas ngunit agad na umalingawngaw ang tawag ng isang lalaki mula sa aking likuran….si Gulf.
“Win!” tawag niya sa pangalan ko.
Tumigil ako sa paglalakad at agad na nilingon siya.
“Anong kailangan mo?” sarkastiko kong tanong ditto.
“Hatid na kita.” sabi niya.
“May dadaanan pa ako.”
“Eh di sabay na tayo.”
“Hindi puwede!” tanggi ko.
“Awww! Bakit naman hindi puwede?”
“Ai’Gulf! Hindi ka ba nahihiya na lagi na tayong pinagtitinginan sa school?”
“Eh ano naman ngayon? Wala naman akong pakialam sa kanila.”
Huh! Tama ba itong naririnig ko? Hindi big deal sa kanya ang sasabihin ng iba sa tuwing magkasama kami?
“Pero Gulf!” malakas ang aking boses.
“Talunin mo muna ako sa contest saka hindi na ako lalapit sayo.” wika niya habang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot.
Bigla akong natigilan sa sinabi niya.
Ano ba ‘to? Bigla naman ata akong na-guilty sa sinabi niya. Nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata niya. Hindi man nito sinasabi ngunit ramdam ko iyon.
Pero bakit nalulungkot siya?
Parang may tumutulak sa akin na lumapit sa pintuan ng kanyang sasakyan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka pumasok sa loob niyon.
“Ayaw mo ba talaga akong makasama at makita?” malungkot na tanong niya habang nagmamaneho.
“Ahhhh…hindi naman sa ganun. Ayaw ko lang kasing pinag-uusapan tayo sa school. Saka ayaw kong mag-isip sila ng masama tungkol sa atin. Alam ko, maraming humahanga sayo at ayaw kong masira ang image mo dahil sa akin.”
“Takot ka bang masira ang image ko o talagang ayaw mo lang akong makita at makasama?”
Napatingin ako sa kanya.
“Hindi lang talaga ako sanay na magkasama tayo. Ayaw ko talaga na pinag-uusapan tayong dalawa.”
“Magtapat ka nga sakin Win. Ayaw mo ba talaga sa akin?”
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero ako nalang ang magbibigay ng meaning.
“Hindi naman sa ayaw kitang maging kaibigan. Ayaw ko lang isipin nila na may….relasyon tayo. Ayaw kong sabihin nila na….. bakla ako.”
Bigla kaming binalot ng katahimikan. Ngunit nang sumulyap ako sa kanya, nakita ko na halos nanlumo ang kanyang itsura.
“Hey Gulf! Hindi naman ako galit sayo eh. Hindi rin sa ayaw kitang maging kaibigan. Pero ayaw ko lang talaga na pag-isipan nila tayo ng masama. Kaya kung puwede iwasan nalang natin ang lumapit sa isa’t isa.”
“Ok! Di ba may usapan tayo. Pag natalo mo ako, lalayo ako sayo. Sa ngayon wala pang contest. Puwede ba akong humingi ng pabor sayo?” matamlay niyang sabi.
“Uhhhmmmm…ano ‘yun?” tugon ko.
“Hayaan mo muna akong lumapit sayo hanggang dumating ang araw ng contest. Gusto kong maging close sayo kahit sa kaunting panahon lang. Pleaseeeee…..” aniya na may lungkot sa tono ng kanyang tinig.
Hindi agad ako nagsalita. Natahimik ako na tila nag-isip ng malalim hanggang….
“Ok!” mahina kong tugon.
Isang tila masaya na malungkot na ngiti ang iginawad niya sa akin. Hanggang hindi nalang namin namamalayan na nasa harapan na pala kami ng aking condo.
“Thank you sa ride.” sabi ko at pagkuwa’y binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan para bumaba ngunit biglang hinawakan ni Gulf ang aking kamay.
“Wait!” aniya.
Nagulat ako sa ginawa niya. Bigla akong lumingon ngunit sa puntong ito, halos magkalapit na ang aming mga mukha dahil inabot niya ang nahulog kong cellphone mula sa aking bulsa.
Kapwa kami natigilan, nagkatitigan at nagkaamoyan ng hininga. At nang matauhan ay….
“Cellphone mo.” sabi niya.
“Sa-salamat!” nauutal kong tugon.
Tumango lamang siya.
Pagkatapos kong bumaba ay agad din akong pumasok sa loob ng condo. Pagdating ko ng kuwarto ay pabagsak kong inihiga sa kama ang pagod kong katawan. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kisame. Nag-isip hanggang naalala ko ang mga sinabi ni Gulf kanina. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ganoon ang trato niya sa akin. Pero ang totoo, nang sinabi nito kanina na.. “Talunin mo muna ako sa contest saka pangako lalayo na ako sayo.” ay nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Dahil kahit bago palang kami naging close, nakita ko na mabuti siyang tao. Pero, hindi ko kaya na araw-araw kaming pinag-uusapan ng lahat. Hindi lang naman sarili ko ang inaalala ko. Inaalala ko rin siya at ayaw kong pag-isipan siya ng masama.
Mayamaya’y kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. Nagbukas ako ng f*******: at binuksan ang page ng school. Hot topic kaming dalawa ni Gulf. May mga pictures pa naming naka post doon. Nag review ako ng mga comments at reactions. Wala naman talagang bad comments maliban sa sini-ship kaming dalawa. May mga nag comment pa na… “cute couple”.
Bigla akong napakamot ng ulo pagkatapos kong mabasa iyon.
“Damn! Paano na ito ngayon?” naisaloob ko.
Hanggang nag ring ang teleponong hawak ko. Si Mek ang tumatawag.
“Hello Win, nakita mo na ba ang page ng school?” agad na tanong nito sa akin sa kabilang linya.
“Yeah!”
“Hot topic kayo ngayon. Sinasabi nilang couple kayo.”
“Kaya nga! Paano na’to ngayon?”
“Isa lang ang solusyon nito bro. Kailangan mo na siyang talunin para mawala na siya sa landas mo.”
Napatahimik ako. May point ang kaibigan ko. Ito lang ang tanging paraan para hindi na lalapit sa akin si Gulf at hindi narin kami pag-uusapan pa. Kaya kailangan kong galingan sa nalalapit na kompetisyon.
To be continued…………………………
#cttophotonotmine