Episode 4

3277 Words
Title: FALLING STAR (BL) Author: Jenryl de Jesus Wattpad: @jenryl04 Dreame: @Moonlight04 EPISODE 4 WIN Kinakabahan akong pumasok ng unibersidad. Ngayong araw kami ipapakilala sa buong CU. Halos nanlalamig ang aking mga kamay habang papasok kami ni Mek sa gate ng eskwelahan. “Relax bro!” sabi niya nang mapansin ang aking pagkabalisa. “Kinakabahan kasi ako.” tugon ko na tila nanginginig ang aking boses. “Ano ka ba? Parang di ka sanay. Huwag kang masyadong mag isip niyan. Ipapakilala palang naman kayo. Kabahan ka sa pustahan niyo ni Gulf.” wika niya na may kasamang iling pa. Napatingin ako sa kanya. Napabuntong hininga at ng medyo na-release ang tensyon na aking nadarama ay agad akong bumaba ng sasakyan. Saktong lalakad na ako ng bigla akong sinalubong ng mga grupo ng estudyante na nagtitilian. “Hello Win!” bati ng isang babaeng estudyante na animo’y kinikilig pa. “Hi!” simpleng tugon ko sa mga ito. “Kami ang mga fans mo. Gagawa kami ng fans club mo. Susuportahan ka namin sa search for Moon and Star.” dagdag pa ng babae. “Tama pala talaga ang sabi nila! Talagang napaka-guwapo mo pala.” sabi naman ng isang estudaynteng lady boy. Hmmm…may pahawak pa yun sa aking braso. Halos hindi ako makapagsalita. Hindi ko inaasahan ang ganitong eksena o pakulo. But anyway, lihim lamang akong natatawa sa mga ito. First time kong magkaroon ng fans club. At kung hindi ako nagkakamali, ang babaeng may hawak ng aking streamer ay ang presidente ng aking FC….(lol). “Good luck sayo mamaya. Fighting!” sabi nito na sa ngiti palang todo support na sa akin. “Thank you.” nakangiti kong tugon. Pagkaalis ng mga nasabing estudyante ay agad akong inakbayan ni Mek. “Woah! Sikat na natin bro huh. May pa FC FC kapa ngayon.” aniya. “Asus! Para yun lang. Di big deal sa akin yun. Saka di naman ako sanay na may fans club.” paismid kong sabi. “Well, from now on bro masanay ka na lalo pa’t siniship kayo ni Gulf.” Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ni Mek. Pagkuwa’y nagpatuloy kami sa paglakad papuntang gym. Doon kasi gagawin ang pagpapakila sa mga candidates for Moon and Star 2018. Papasok na kami ng gym nang sinalubong kami ni Gulf at ang mga kaibigan nito. “Win!” tawag ni Gulf sa akin. Napatingin ako sa kanya. Sumalubong sa akin ang mga ngiti nito na waring nang-aakit. “Ready ka na?” tanong niya nang lumapit sa amin. “Uhhhmmmm…” sagot ko at sabay tango. “Tara! Sabay na tayong pumunta sa backstage.” aya niya sa akin. “Ahhh..ako na ang maghahatid sa kaibigan ko.” biglang sabi ni Mek at sabay hila ng aking kamay. “Ooopppss! Puwede bang hayaan na natin silang dalawa na ang pumunta roon.” pigil naman ni Ken kay Mek. “Anyway, sila ang sasali hindi ikaw.” “Bakit sinabi ko bang ako ang sasali? Bingi ka ba? Ang sabi ko, ako na ang maghahatid sa kaibigan ko sa backstage.” tila galit na sagot ni Mek. “Narinig ko nga, pero puwede bang silang dalawa nalang ng kaibigan namin ang magsama. Saka mahihirapan ka mamaya sa pagbalik kasi ang daming tao.” Nakita kong palingon-lingon si Mek sa paligid ng gym. “Ok! Pero binabalaan kita, huwag mong gagalawin ang kaibigan ko.” sabi niya tapos sabay duro kay Gulf. Napangiti si Gulf sa inasal ng kaibigan ko. Tumango lamang siya at pagkatapos ay hinawakan ang aking kamay at sabay hila. Awtomatiko rin naman akong sumunod sa kanya (Habang nakakunot ang noo ni Mek, sina Ken at Joss ay tahimik lamang tumawa.) Habang papunta kaming dalawa sa backstage, panay ang hiyawan at tilian ng mga estudyanteng aming nadadaanan. Ang iba ay panay kuha pa sa amin ng mga larawan. Halos nakayuko lamang ako at tahimik na sumunod kay Gulf, Medyo mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, sakto lang para di ako makawala. “Ai’Gulf, puwede ba bitawan mo na ang kamay ko? sabi ko pagkadating namin ng backstage. Dahan-dahang binitawan nito ang aking kamay. Nakatingin siya sa akin, bagay na tila nagpabilis sa t***k ng aking puso. “s**t! Ang mga titig nito!” ngunit agad kong iniwas ang mga mata ko mula sa kanya. Biglang lumapit sa amin ang presidente ng University Student Government. “Hello Nong Win, Nong Gulf.” bati nito sa amin. “Hello P’.” sabay naming bati sa kanya. “Salamat sa pagsali niyo sa search. Alam niyo, kayo ang inaabangan ng lahat. Talaga palang napaka-guwapo niyo pareho. But anyway, good luck to both of you. Alam ko, isa sa inyo ang mananalo. Congrats in advance.” wika ng USG President. “Salamat P’.” sabay naming tugon sa sinabi ng president. “Sige Nong, puntahan ko muna ang iba. Puwede na kayong maghanda.” “Ok P’.” Nang makaalis ang USG president ay agad ding tinawag si Gulf ng presidente ng kanilang faculty para makapaghanda narin. “Win, iwan muna kita rito huh. Kita lang tayo mamaya.” sabi niya bago umalis. Tumango lamang ako bilang tugon sa sinabi niya. Lumingon pa siya ulit sa akin. “Fighting Win!” anito tapos nagpakawala ng isang napakatamis na ngiti. “Fighting!” tugon ko naman sa kanya. Palingon-lingon ako sa aking paligid habang hinahanap sina P’Yen at P’Tar. Nang makita ko sila ay agad akong nagtungo sa kinaroroonan ng mga ito. Nadatnan kong inaayusan ni P’Tar ang babaeng magiging partner ko. Unang beses ko palang ito nakita ngayon. Maganda siya, matangkad, maputi at sexy. Tuloy hindi ko maiwasang humanga rito. “Hello P’Yen..Hello P’Tar.” bati ko sa dalawa kong seniors. “Hi Nong!” bati rin ng mga ito sa akin. “Siya nga pala, siya si Pring. Siya ang magiging partner mo. Pring siya naman si Win.” pagpapakilala ni P’Yen sa aming dalawa. Nang iangat ni Pring ang kanyang mukha ay halos napatitig ako ng panandalian sa kanyang itsura. Napakaganda niya na hindi ko mapigilang humanga sa kaniya. “Hello.” nakangiting bati ko rito. “Hi.... nice to meet you.” malambing na tugon din niya sa akin. Very angelic ang kanyang face. Nakakainlove at sobra akong napahanga sa taglay niyang kagandahan. Pagkatapos siyang ayusan ni P’Tar ay ako naman ang inayusan nito. Simple lang naman ang aming ayos ngayon. Naka-uniporme lang naman kami but for us to look more attractive kailangang lagyan ng kaunting foundation ang aming mukha. “Nong, talagang napaka-guwapo mo.” sabi ni P’Tar habang nilalagyan nito ng foundation ang aking pisngi. Ngumiti lamang ako. Pagkatapos niya akong ayusan ay humarap ako sa salamin. Nakita kong ok lang ang pagkakalagay ng foundation sa aking itsura. Mayamaya ay lumingon ako kay Pring na noon sa kabilang upuan lamang habang inaayos ang kanyang buhok. Saglit akong ngumiti. Ngunit nang lumingon ako sa kabila, nakita kong inaayusan din si Gulf. Panay ang dikit ng babaeng partner nito sa kanya. Natigilan akong pinagmamasdan silang dalawa. Kahit naka side view si Gulf, kitang-kita ko ang napaka-guwapong mukha nito. Ang kanyang ilong na talaga namang napakaganda ng hugis. Ilang segundo lang, nakita ko rin na pinunasan ng babae ang labi niya. Agad kong ibinaling ang aking atensiyon sa salamin. Pinagmasdan muli ang aking sarili at pagkuwa’y napayuko. Pagkalipas ng limang minuto, nagsalita na ang USG President sa ibabaw ng entablado. Oras na para ipakilala kaming lahat. Bigla akong kinabahan at halos naninikip ang aking dibdib. “Relax!” sabi ni Pring nang mapansin ang tensyon sa aking mukha. “Wala kang dapat ikatakot. Isa ka sa pinaka-popular. Di pa tayo ipinapakilala, kilala na kayong dalawa ni Gulf,” “Kinakabahan kasi t ako.” wika ko at sabay hinga ng malalim. “Ano ka ba? Sa guwapo mong ‘yan, kinakabahan ka pa, Believe me Win, malaki ang chance mo na mananalo.” Ngumiti ako. “Salamat Pring. Alam mo napakaganda mo.” Bahagyang siyang ngumiti. “Binobola mo naman ‘ata ako eh.” pagkuwa’y sabi niya. “Hindi, totoo talaga! Talagang napakaganda mo.” “Oo na. Thank you kung ganun.” Unang ipinakilala ang representatives ng Faculty of Engineering, sumunod ang Faculty of Fine Arts, Facutlty of Political Science, Faculty of Business Administration, Faculty of Architecture, Faculty of Science at ang dalawang natitira ay ang Faculty of Medicine at Faculty of Law. Nang ipinakilala si Gulf ay halos gumuho ang buong gym sa lakas ng palakpakan at tilian. Talagang napakasikat niya. Walang duda, campus crush nga ito. Sumunod na ipinakilala ang aming faculty. Unang ipinakilala si Pring. At sa lahat ng mga babaeng kandidata, pangalawa siya sa may pinakamaraming fans. Nangunguna ang partner ni Gulf as most popular candidate. Ngayon, ako na ang huling ipapakilala. Nang ipinakilala ang aking pangalan, hindi man ganun kalakas ang palakpakan nang ipinakilala si Gulf ngunit walang duda pangalawa ako sa may pinakamaraming pumalakpak. Hindi ko maipaliwanag ngayon ang aking nararamdamam. Para akong lumulutang sa ibabaw. Nasa kanan ko si Pring samantalang nasa kaliwa ko naman ang partner ni Gulf and next to her is him. Tila may tumutulak sa akin ngayon na lumingon sa kanya. Saktong paglingon ko ay lumingon din siya sa akin, Nginitian niya ako. Hindi man ako tumugon sa kanyang ngiti ngunit hindi rin naman ako umiwas kaagad. Pagkatapos naming maipakilala ay agad kaming bumaba ng stage. Inalalayan ko si Pring habang pababa ng hagdanan. “Thank you.” sabi nito pagkatapos bumaba. “Welcome Pring.” “Puwede bang hingiin ang number mo? Para just incase my practice tayo, madali kitang makontak.” “Sure.” at agad nitong kinuha ang LINE number ko. “Thanks Win. E-message lang kita huh.” “Ok.” “Bye!” “Bye din!” Nang umalis si Pring ay agad akong tumungo sa upuan para kunin ang aking mga gamit. Medyo ok na ang aking nararamdaman ngayon. nakakahinga narin ako ng maluwag. “Nong! Mamaya magsisimula na tayo ng training mo.” sabi ni P’Tar. “Ok P’Tar.” agap kong tugon. “Punta ka mamaya sa USG room. Doon tayo magpa-practice.” “Ok P’. Salamat.” Agad ding umalis si P’Tar pagkatapos naming mag-usap. Ilang segundo lang ay lumapit naman sa akin si Gulf. “Sabay na tayo.” aniya. Ngunit hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglakad palabas ng pintuan. Subalit sinundan niya ako. “Win!” tawag nito sa aking pangalan ngunit hindi ko parin siya kinausap. “Win!” tawag niya ulit at biglang hinawakan ang aking kamay. Bigla kong tinapik ang kamay niya. “Puwede ba huwag mo akong hawakan.” sabi ko na lumakas ang tono ng aking boses. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. “Ano bang nangyayari sayo?” tanong niya. “Gulf, hindi mo ba nakikita? Pinag-uusapan tayo ng lahat. Ngayon kung ok lang sayo ‘yun, sa akin, hindi yun ok. Kaya puwede ba, layuan mo ako.” galit kong sabi. Halos natigilan siya nang marinig iyon. “Sorry kung ganun. Akala ko kasi may usapan tayo na pagkatapos ng contest hindi na kita kakausapin. Pasensiya na. Don’t you worry Win, hindi na kita guguluhin.” iyon lamang ang kanyang sinabi at agad na itong umalis. Ngunit nakita ko kung paano naging malungkot ang mukha niya. Agad akong nakaramdam ng awa. Nais ko siyang habulin ngunit may tila pumipigil sa akin. Napahawak na lamang ako sa aking ulo. Tila ata naging harsh masyado ang mga sinabi ko sa kanya. Paglabas ko ng gym ay agad akong lumapit kay Mek na noon ay naghihintay sa akin. “Anong nangyari?” usisa niya nang mapansin nitong malungkot ang aking mukha. “Sinabihan ko si Gulf na layuan na niya ako.” “Kaya pala sobrang lungkot niya kanina. Hmmmm….,mabuti narin ‘yun. Atleast ngayon kahit matalo ka niya siguradong lalayuan ka niya.” sabi ni Mek. “Pero bro! Ang ganda ng partner mo huh. Grabe!” Hindi ko napansin ang dulong bahagi nang sinabi ng kaibigan ko dahil hanggang ngayon, nagi-guilty ako sa aking ginawa. Ang totoo, naguguluhan ako. Gusto kong lumayo si Gulf para hindi na kami pag-uusapan ngunit tila nakakaramdam ako ng kakaibang kalungkutan ngayon. ________________________________________ Mag-aalas kuwatro na ng hapon. Pumunta ako sa USG room para sa pagsisimula ng aking training. Nadatnan kong wala pa roon si P’Tar kaya pansamantala akong nagtungo sa dulong bahagi ng building. Tanaw mula rito ang building ng Faculty of Law. Palingon-lingon ako mula sa kalayuan na tila may hinahanap. Nang makita ko si Gulf, aaksiyon na sana akong puntahan siya ngunit bigla akong natigilan nang makita ko si Tin, ang partner nito sa search. Pinagmasdan ko silang dalawa at nakita kong panay ang ngiti ni Tin sa kanya. Pagkuwa’y kinuha niya ang bag ng dalaga at siya ang nagdala. Tapos sabay silang nagtungo sa parking area at pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. “Ihahatid niya si Tin.” naisaloob ko habang patuloy na nagmamasid sa kanila. Agad na umalis ang sasakyan nito habang sakay nito si Tin. Naramdaman kong biglang nanghina ang aking katawan. Tumungo ako sa isang upuan at naupo. Hanggang ngayon, nagsisisi ako sa sinabi ko sa kanya kanina. Kinuha ko ang cellphone sa aking bag. Mag send sana ako ng message sa kanya subalit naalala ko wala pala akong number niya. “Nong! Kanina ka pa?” tanong ni P’Tar nang lumapit sa akin. Hindi ko namalayan ang kanyang pagdating. “Hindi naman masyado P’.” mahina kong sagot sa kanya. “Pasensiya ka na kung medyo natagalan ako. May ginawa pa kasi kami.” “Ok lang P’.” “Tara punta na tayo sa loob para makapagsimula na tayo.” Agad kaming tumungo sa loob ng USG room. Malawak ang lugar na iyon at halos bakante ang loob nito. Sakto lang para makapag-insayo ako. Saglit kong inilapag ang aking gamit. Bago kami nagsimula, nagbigay muna ng mga techniques si P’Tar. Ipinaliwanag nito ang mga dapat kong gawin habang nasa ibabaw ako ng stage. Nang makuha ko lahat ay agad na kaming nagsimula. Sa una, nahirapan ako sa paglakad. Hindi ako sanay rumampa na parang pang model. Sa katunayan nagkakamali pa ako sa paglakad. May mga pagkakataon na nagiging tuod ang aking mga lakad at tindig. Buti nalang talaga mabait at matiyaga si P’Tar. Pag nagkataon, nasigawan na siguro ako nito. Nagtagal din ng mahigit dalawang oras ang aming insayo. Sobrang nakakapagod. Narealized ko, hindi rin pala madali ang pagrampa. Akala ko noon sa tuwing nanonood ako ng mga modelling or mga fashion show ganun lang kadali ang rumampa. Ngunit maliban sa Q & A portion, mahirap din pala ang mga trainings ng tamang paglakad. Kung puwede nga lang mag back out gagawin ko na ito ngayon. Kaso hindi na iyon puwede kaya tuloy na ito at wala ng atrasan. “P’, pasensiya na talaga.” sabi ko na ang ibig tukuyin ay anng mga pagkakamali ko kanina. “It’s ok Nong. Anyway, di na masama ang unang araw ng training natin. Kaunting push pa makukuha mo na lahat. Marami pa tayong oras para makapag-insayo. Talagang napakalaki ng laban mo ngayon. Kanina, isa ka sa mga tinitilian. Kayong dalawa ni Gulf ang pinaka hot topic ngayon.” Ngumiti lamang ako sa sinabi nito. “Basta Nong! Magtiwala ka lang sa sarili mo. Kaya mo yan.” dagdag pa niya. “Oo P’Tar. Salamat ulit.” “Ok Nong! So medyo gabi na, kailangan na nating umuwi.” Pagkatapos naming magligpit ng gamit ay agad din kaming lumabas mula sa loob ng USG room. “Nong may sundo ka ngayon?” tanong ni P’Tar paglabas namin ng gate. “Ahhhh…hihintayin ko lang si Mek P’.” “Ah ok…sige mauuna na ako sayo.” “Sige P’. Ingat ka!” “Ingat ka rin.” iyon lamang at agad ding umalis si P’Tar. Pagkaalis ni P’Tar ay agad na tumunog ang aking cellphone. Si Mek ang tumatawag. “Hello.” “Hello Win, hindi kita masusundo ngayon. Flat ang tire ng kotse ko. Dinala ko pa muna sa shop.” “Ah ok. Magta-taxi nalang ako.” “Sige bro! Ingat ka sa pag-uwi.” Nang maibaba ko ang cellphone ay agad akong nag-abang ng taxi ngunit biglang may tumigil na kotse sa aking harapan. Si Gulf, akala ko umuwi na ito dahil nakita kong magkasama sila ni Tin kanina. “Hatid na kita.” sabi nito nang bumukas ang bintana ng kanyang sasakyan Wala ng pagtutol sa aking mukha na sumakay sa kanyang sasakyan. Tabi kami sa harapan. Sa una, wala pa kaming imikan. Ngunit naglakas loob akong nagsalita. “Sorry sa sinabi ko kanina.” ani ko. “Ok lang yun. Naiintindihan ko naman yun eh.” saad niya ngunit matamlay ang tono ng kanyang boses. “Pero -.” “Win, pangako ko sayo, lalayo ako. Pasensiya ka na talaga.” “Gulf, hindi pa naman tapos ang contest eh. Saka na siguro kung tapos na. Di ba ‘yun ang pustahan natin?” Biglang siyang napalingon sa akin. “Ibig sabihin, ok lang sayo na lalapit muna ako sayo?” Ngumiti ako. “Uhmm.” tipid kong tugon at sabay tango. Biglang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi na muna niya ako hinatid sa aking condo. Dumaan muna kami sa isang restaurant at naghapunan. Ngayon, buong pagpapaubaya akong sumunod sa kanya. Ni kahit kaunting pagtutol ay never ako nakaramdam. Ewan ko ba, kahit papano’y nakakaramdam ako ng kakaibang saya pag kasama ko siya. At sa tuwing pinagmamasdan ko ito, tila hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Marahil bunga lamang ito ng kabaitang ipinakita niya sa akin. Pagkatapos naming maghapunan ay agad din niya akong hinatid sa aking condo. “Gulf, thank you huh!” sabi ko sa kanya habang abala siya sa pagmamaneho. “Thank you saan?” tanong niya nang lumingon. “Thank you ngayong gabi. Thank you sa libre, Thank you sa free ride.” “Wala yun. Basta ikaw!” nakangiting tugon niya sa akin. Ilang sandali lang ay nasa tapat na kami ng aking condo. Agad ko ring binuksan ang pinto at saka bumaba. “Bye! Ingat ka.” sabi niya nang dumungaw ito sa bintana ng kanyang kotse. “Bye!” matipid kong tugon at ngayong ngumiti ako ng bahagya. Papasok na sana ako sa loob nang dumating si Mek. “Akala ko ba ayaw mo na siyang makita.” sabi niya sabay titig sa akin ng tila kakaiba. “Mek!” gulat kong sabi. Parang gusto kong iwasan ang mga mata niya. “Bakit magkasama kayo ngayon?” kunot-noo niyang tanong sa akin. “Ahhhhh….Errr…kasi…kasi di ba hndi mo ako sinundo. Saka walang taxi na dumaan kanina. Saktong dumaan siya kaya hinatid na niya ako rito.” nauutal kong sagot. “Really?” si Mek na nagdududa ang tono ng boses. “Ye-Yes!” saad ko at kung nakikita ko lang ang mukha ko ngayon sigurado akong namumula na ang pisngi ko sa mga oras na ito dahil ramdam ko ang biglang pag-init nito. “Ok…sabi mo eh, Hali ka na. Kumain na tayo.” “Tapos na kaming kumain.” babawiin ko pa sana ang aking sinabi. “s**t!” Naibulalas ko. Nabigla ako sa aking sagot. “Hmmmmm….nadaanan nga lang naman talaga no.” si Mek ulit na tila nanunukso ang kanyang boses. Napakamot na lamang ako ng aking ulo na sumunod sa kaibigan pumasok ng aming condo. To be continued………………………… #cttophotonotmine
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD