Babalik na ako sa Viper Berus... Babalik na ako sa Viper Berus... Babalik na ako sa Viper Berus... Kung ito lang ang paraan para maabot ko lahat ng pangarap sa buhay gagawin ko kahit mahirap. Oo, masama. Sobrang sama na umanib sa isang grupong hanap lang ay gulo. Pero kung nakikita kong ito lang ang tamang sagot bakit pa ko lalayo sa School na ito at lilipat sa hindi ko naman gustong school. Maganda at maayos ng patakaran ng Angelic pero hindi ko nakikita ang future ko 'don na kasama sila. Ang nakikita ko ang Lucifer Kingdom, Viper Berus, at mga kaibigan ko. Papasok pa lang sana ako ng main gate ng matanaw ko ang mga estudyante ng Kingdom. May tinitingnan ito sa pader. At sa bawat hakbang ng aking paa ay may mga matang nakatingin. Saka ko lang nakita kung ano ang nakasulat sa pader. '

