Nagising ako sa isang napaka gandang panaginip. Naging kami na raw ni Cedric. Lagi niya kong tinatawagan para lang tanungin kung kumain na ba ko o anong ginagawa ko. Sa Umaga, Tanghali, at gabi nakakatanggap ako ng maraming bulaklak. Halos mapuno nang bulaklak daw ang bahay namin. Pero hindi lang pala ito basta panaginip kundi nangyayari sa totoong buhay. Bumalikwas ako at amoy pa rin ang mahalimuyak na rosas. "Hay, spoiled girlfriend. Ang sarap sa feeling na may nagmamahal sa'kin." naalala ko nga pala papag lang ang higaan namin nang ibagsak ko ang katawan sa papag. Bluff! "Tao po!" ha? Sino 'yon? Ang aga naman. Tumayo at binuksan ang pinto ng bahay. Si Margaux, nandito si Margaux? Paano niya nalaman ang bahay namin? Wala akong matanda na itinuro o sinamahan niya ko rito sa bahay kay

