Reign's POV
"Ma ,Pa , Bakit kayo nag-impake ng mga damit?" ano ba meron ? Wala naman akong maalala na aalis kami.
Malungkot akong tinignan ng aking mga magulang.
"Anak,patay na ang pinsan mong si Annie."
"A-ano hoo? Kailan pa?" May sakit si Annie, na leukemia pero ang pagkaka-sabi ni Tita ay nagiging maayos ang kalagayan nito.
"Kagabi lang." Tugon ni Papa habang binubuhat ang mga bag.
"Sandali lang ho mag-aayos din ako ng mga gamit ko."
"Annie.Hindi ka sasama sa'min. May pasok kapa 'di ba? Kapag sem-break mo nalang tsaka ka sumunod."
"Pero Ma, alam mo naman sobrang close kami ng pinsan kong 'yon. Hindi ako papayag na kahit sa mga huling sandali 'di ko siya makikita."
"Mauunawaan na iyon ng pinsan mo at ni Margarita."
"Pero Ma."
"Makinig kana lang sa'min Anak , sa sem-break nyo tsaka ka sumunod."
Tumutulo ang mga luha ko ,dahil na rin sa lungkot.Tulad ng sabi ko ,sobrang close kami ng pinsan kong 'yon.Magkapatid pa ang ang turingan namin sa isa't-isa.Nang malaman kong nagkasakit ito noong nakaraan dalawang taon lagi ko siyang dinadalaw at minsan pa nga ay sinasamahan kahit saan magpunta.Sobrang bait niya sa lahat ng bagay kaya ng tinaningan siya ng Doctor ay labis akong nalulungkot.Wala akong kapatid, pero na buhay naman akong may tinuring na tunay na kapatid at si Annie nga 'yon.
"Mag-iingat ka rito." Huling sabi ni Papa nang ilabas ang mga gamit nila.
"Ma,dalhin nyo itong cellphone ko.Tawagan nyo lang si Shien kapag nakarating na kayo sa Probinsiya."
Inabot naman nito sabay pasok sa kanyang bag na dala-dala.
"Gaya ng bilin ko sayo, kapag wala kami lagi kang magsasara ng pintuan.Kung maaari ay magpasama ka sa mga kaibigan mo para naman kahit paano ay nagiging panatag kami sa malayo. Annie,mag-iingat ka palagi,basta iyong mga bilin ko." Patuloy niyang paalala sakin habang lumalabas kami ng bahay.
Magtatakip-silim na rin kaya hindi ko matanaw ang mga bagay sa paligid.Tanging mga ilaw sa poste ang nagsisilbing liwanag naming tatlo.
"Tumawag po kaagad kayo kay Shien.Ma ,Pa ,pakisabi sa mga ibang pinsan ko, kay Tita na condolence." Kapwa silang nag-nod sa harapan ko bago sumakay sa isang sasakyan ginagamit ni Papa tuwing may byahe ito.
"Pa ,iyong mga gamot mo wag kakalimutan inumin.Wag din kayo magpapagod ng husto.Tsaka Mama ,ikaw din. Wag nyo na ko masyado alalahanin dito kaya ko naman mag-isa." Muli kong sambit habang naka silip sa bintana ng sasakyan.
"Salamat Anak ,aalis na kami." Huling sambit nila bago tuluyan lumayo ang sinasakyan nila.
Mag-isa na naman ako sa bahay. Ganito palagi ang nangyayari sa tuwing aalis ang magulang ko. Sinimulan ko'ng mag-linis ng bahay ,pagkatapos ay na ligo upang pumasok sa trabaho.
"Hi Reign!"
"Hello Shien."
"Tayo ulit mag-kasama." Naka ngiti nitong sabi.
"Nasaan ba si Georgia?"
"Umalis na. Umalis as in nag-paalam na rin sa wakas." Humalakhak na parang baliw.
"Happy?" Tanong ko.
"Oo kaya lang parang ikaw ang hindi happy. May problema ka ba?" Lumapit sakin.
"Patay na si Annie ,iyong pinsan ko."
"Oh my God. Iyong may sakit na leukemia? Kailan pa? Condolence friend." Niyakap niya ko ng mahigpit.
"Kagabi lang daw namatay. Nakaka lungkot dahil hindi ako pinasama nila Mama sa Probinsiya."
"Hay , nakaka-lungkot nga 'yon Friend. Wala ka ngayon kasama sa bahay."
"Ganoon na nga."
"Sasamahan nalang kita habang hindi pa nakaka balik sina Tita at Tito."
"Sure ka?" Malungkot kong usisa.
"Oo naman. Ngayon dapat kitang samahan dahil malungkot ka. Hayaan mo mag-papaalam ako kina Mommy." Kinuha ang cellphone tsaka may tinawagan. Pumayag naman daw ang parents niya kaya sa bahay na siya tutuloy.
"Wala kang pasok ngayon 'di ba?" Usisa sakin ni Shien habang nag-aayos ng sarili.
Maaga kami pina-labas ng Boss namin mga alas-dos ng madaling araw. May mga bago naman ngayong employees kaya pumapayag si Boss na saglit lang ako sa trabaho.
"Wala.Sa susunod na araw pa. Ikaw? Saan ang punta mo?"
"Ah day-off ko ngayon kaya makikipag-kita ako sa boyfriend ko."
"May boyfriend ka pala." Biro ko.
"Oo naman. Ikaw lang naman ang wala." Sagot niya sa biro ko.
"Oo na. Mas maganda ka kasi sakin."
"Hindi ah! Parehas tayong maganda. Masyado ka kasing manang kaya walang nagkaka-mali sayo."
"Hindi pa ko handa. Iniisip ko dalawang taon pa ang bubunuin ko bago maka-graduate."
"Ang boring ng buhay kung walang inspirasyon. Mag-boyfriend kana kasi para naman makapag-double date tayo."
"Malay mo isang araw magulat kana lang dahil may ka-date na ko." Nag-wink ako ng mata pagkatapos ay sabay kami'ng lumabas ng bahay namin.
"Saan ba kita ibababa?"
"Sa kabilang kanto nalang. Malapit 'don ng meeting place namin."
"Okay. Sakay kana." Sabay abot sa kanya ng helmet. "Safety first."
Gaya ng sabi niya ay bumaba siya sa kanto. Dumiretso ako saglit sa Simbahan ,maaga pa naman din kaya may oras pa upang mag-pasalamat sa Panginoon Dios. Marami rin ang nangyari buhat ng mapapad ako sa pagiging gangster. Doon at nakalimutan kong lumapit sa kanya sa kabila ng kabutihan niya sa akin. Pagkaraan ay pumasok na ako. Naka tayo si Joseph sa labas ng room namin habang naka-sandal sa plant box. Biglang lumiwanag ang kanyang mukha ng makita niyang pararating ako. Parang may nag-harutan dito sa puso ko habang dahan-dahan niya kong sinasalubong sa mga oras na ito. May kakaiba sa mukha niya ngayon , walang bonnet itong suot kaya kita ko kung ano ang hairstyle niya. Bagay naman pala, kahit wag na siyang mag-bonnet dahil lalo naman siyang guma-gwapo sa kanyang buhok.
Shien's POV
"Wesley !"
"Shien. Kanina kapa ba?"
"Hindi naman. Hinatid ako ng kaibigan ko. Ikaw?"
"Kadarating ko lang. Saan ba ang date natin?"
"Uhm. Sa mall nalang."
"Maaga pa. Alas-nuebe ang open ng mall 'di ba?"
"Ah oo nga pala. Sige kumain muna tayo lugawan."
"Lugawan?"
"Hindi mo ba gusto?"
"Akala ko sa restaurant tayo kakain."
"Ha? Pero kulang pa budget ko. Pangako ko sayo na ako ang taya ngayon pero 'di ko naman inaasahang hindi mo type sa lugawan."
"Hindi ako kumakain ng Lugaw." Naka simangot niyang sabi.
"Ahm. Sige sa restaurant na tayo kumain." Bumuntong hininga ako dahil kinatago-tago ko pa ito para sa birthday ng aking kapatid. Nag-request kasi siyang ibibili ko ng bike.
"Tara na." Inakbayan niya ko patungong restaurant.
Sa buong araw namin mag-kasama lagi itong nag-papaalam na may sasaglitin lang kaya naman ang kaso ko nito ay puro hintay lang sa pagdating niya. Nag-kasama lang yata kami ng matagal sa restaurant at sa iba wala na puro wala na ako nalang mag-isa.
"Ano tara na?" Dumating ito na masaya.
"Tara na? Uuwi na tayo?
Eh hindi pa naman tayo nakakapag-usap ng matagal. Kahit magkasama nga hindi rin nag-tagal."
"Ano naman pag-uusapan natin? Mas mabuti kung hindi tayo madalas mag-usap para naman mamiss natin ang isa't-isa."
"Ganoon?"Naka yuko kong sabi.
"Magkakasawaan kaagad tayo kapag lagi nagkikita tapos panay ang kwentuhan."
"Sige,ihatid mo na ko sa'min."
"Ihahatid? Sorry Shien, may dadaanan pa kasi ako after natin dito.Sa susunod nalang kita ihatid kapag nagkita ulit tayo ha?"
Hinawakan niya ang kamay ko habang tumatawid sa kalsada. Lutang masyado ang isip ko kaya 'di ko nauunawaan ang sinasabi niya sa akin.
Malungkot akong umuwi sa bahay.Tumawag sa'kin si Boss kung pwede magpunta ako saglit sa shop dahil dumating ang mga stocks.Kami lang ni Reign ang pinagkakatiwalaan ni Boss dito kaya no choice kundi ang magpunta sa shop.
"Paki check muna kung tama ang nakalagay dyan sa resibo." Sabi sakin ng nag-deliver.
"Kuya sakto naman.Paki pasok nalang po ang lahat sa stock room namin."
"Salamat. Ipapasok ko na po." Paalam sakin. Nag-nod nalang ako at lumapit sa mga bago namin kasama.
"Kamusta ang benta natin dyan?"
"Okay naman,Ate Shien." Nahihiyang sagot ng babae si Lyka.
"Nag-lunch na ba kayo?"
"Hindi pa po."
"Ako na muna dyan sa kahera kumain na kayo."
"
Pagkatapos nalang po siguro ni Kuya sa pag-baba ng mga stocks."
"Ah sige. Maupo muna ako rito." Nag-nod muli sila tapos abala akong naglalaro sa Cellphone.
Narinig kong bumukas ang pinto ng shop dahil tumunog ang nskasabit sa taas ng pintuan. Balewala sa'kin 'yon baka bibili lang ng kung ano.
"Excuse me? Nandiyan ba si Reign?" Narinig ko pangalan ni Friend ah? Tinanaw ko ang cashier area ,nakatingin na pala sina Lyka at ang lalakeng naghahanap kay Reign.
"Yes? Bakit mo hinahanap si Annie?" Naka tayo na ko at handa ng lumapit ngunit kusa itong kumuha ng isang bote ng juice.
"Kaibigan ka ba niya?" Up and down ko siyang tinignan.
"Oo. Ikaw , sino ka?"
"Ah Peps nga pala.By the way hinahanap ko siya dahil may gusto sana akong sabihin." Lumitaw ang maliit at maputing ngipin nito.
Ang cute niya. Sino naman kayang Peps na 'to? Bakit kaya hinahanap niya ang kaibigan ko?
"Miss?" Pumitik sa hangin ang kanyang daliri.
"Ahm , sorry kaya lang hindi siya naka-duty ngayon eh. Nasa school siya. Ano bang kailangan mo sa kaibigan ko?"
"Ah kaibigan mo pala siya. Uhm. Ka-schoolmate ko siya pero hindi ako pumasok dahil may something akong pinuntahan. Kung ganoon wala siya rito ,baka may number ka niya ,tatawagan ko nalang."
"Ay! Wala siyang cellphone ngayon."
"Wala? Ang alam ko binigyan siya ng cellphone ni Cedric." Bulong niya.
"Kilala mo si Cedric?"
Ngumiti muli."Kaibigan ko siya."
"Kung ganoon isa ka ba sa miyembro ng Lucifer Kingdom?"
Tila nag-isip."Uhm. Ganoon nga ,pero bakit mo kilala ang Lucifer Kingdom? Ka-schoolmate rin ba kita?"
"Ah hindi ,hindi. Ahm ,nai-kwento sakin ni Reign tungkol sainyo."
"Ganoon ba?" Muli na naman lumitaw ang mapuputing ngipin. Nakaka-tunaw ang mga tingin niya."Ano address niya?"
Teka? Pupuntahan siya sa bahay ni Reign? Kaya lang baka mamaya iba ang intensyon nito sa kaibigan ko.
"Kahit sabihin ko naman, wala kang aabutan doon na tao. Tsaka 'yong cellphone niya nasa magulang niya na ngayon ay nasa Probinsiya."
"Paano ko siya makaka-usap?" Malungkot nitong tanong.
"Ah ganito nalang. Bumalik ka ulit dito mga hapon tapos sasamahan kita sa bahay nila ,doon kasi ako matutulog."
"Ganoon? Kaya lang , wala akong iba pupuntahan. Baka pwede dito na muna ako? Don't worry ,bibili ako sa mga paninda nyo." Naupo siya sa inupuan ko kanina.
"Eh sige." Iniwan ko. Lumapit ako kina Lyca.
"Ate Shien ,sino raw siya?"
"Peps daw ,kaibigan ni Reign. Ka-schoolmate na rin."
"Bakit daw?"
"Gusto niyang maka-usap pero wala ngayon sa bahay si Reign, may pasok. Maghihintay nalang daw siya para sumabay sakin."
"Ah ,pero ang gwapo ah? Ang tangkad pa.Kausapin mo kaya? Interviewhin mo."
"Ay! Ayoko nga ,ngayon ko nga lang siya nakita eh.Baka mamaya isa siyang gangster."
"Gangster?"
Tama! Gangster nga pala ang Lucifer Kingdom ,batay sa pagkaka-kwento sakin ni Reign.
Lumapit ako sa Peps na iyon tapos tinabihan na rin.
"Gaano ba ka-importante 'yang sasabihin mo?" Hindi ito nakatingin sa'kin.
"Pa-order ako ng V-cut nyo dyan."
"Lyca , V-cut nga!" Sigaw ko. Kaagad Lumapit si Lyca may dalang V-cut.
"Salamat ,ah isa pa nga'ng C2 please? Malaki na sana."
"Ah okay!" Mabilis kumilos si Lyca.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Gaano ba kahalaga 'yang sasabihin mo sa kanya?" Tumingin sakin ngunit sa dala ni Lyca ito nakatutok ang atensyon.
"Thank you Miss." Kinindat muna si Lyca,bago tumingin sa'kin.
"Bumalik kana sa cashier area." Utos ko sa kasama ko pero kay Peps pa rin ang atensyon.
"May gusto sana akong sabihin."
"Tungkol saan?"
"Bakit mo ba tinatanong? Kaibigan ka lang niya 'di ba?"
Suplado ah? Kanina ang bait.
"Yes ,kaibigan nga niya ako pero karapatan ko siguro malaman ang dahilan mo, baka kung anong plano mo sa kanya."
"May pinapasabi si Young Master sa kanya."
"Sino si Young Master?"
"Cedric." Walang buhay niyang sagot."Hindi raw niya makontak kagabi pa si Reign. "
"Bakit hindi nalang niya kausapin sa school?"
"Hindi rin siya pumasok." Inis niyang sagot.
"Ganoon ba? Baka kaya hindi niya ma-kontak ang number ni Reign dahil mahina ang signal sa bundok."
"Uhmmmm... Wala ka ba ibang number dyan na kaibigan ni Reign?"
Naisip ko si Nicole pero baka naman hindi niya lang sagutin.
Subukan ko pa rin.
"Try ko tawagan." Lumabas ako ng shop ,tinatawagan ko si Nicole sakto naman paalis na 'yong nag-deliver samin.
"Natawagan ko na." Balik ko sa loob."Maghintay lang daw ako dahil hindi pa sila lumalabas para mag-lunch."
"Hay."
"Akala ko ba sarili nyong university ang Kingdom University ? Bakit hindi nyo nalang puntahan?"
"Pwede rin pero mas gusto ko maka-usap siya sa bahay mismo nila." Kinutuban ako. Iba kasi ang mga sinasabi niya. Baka nga talaga may binabalak siyang masama sa kaibigan ko.
Oh no! Kailangan ko ng back-up! Baka mapatay kami nitong gwapong ito.