Laki'ng saltik ang taong 'to. Kanina lang tawa ng tawa ,ngayon nakasumalmal ang pagmumukha.Siguro February ang birth month nito.May saltik eh! Nakababa na ito sa kotse habang ako ay hirap kung ano pipindutin o pipihitin para magbukas ang pinto.Sorry naman. First time ko kasing masakay sa magarang kotse. Sasakyan at motor lang naman ang kaya ng budget kong sakyan. Muntik akong masubsob ng kusang bumukas ang pinto nang kotse. Binuksan pala ni Hambog na gangster. Tss. Umismid ito na parang nang aasar pa.Tinamaan ko naman siya ng masamang titig.
"Taong bundok ka ba? Ni pagbukas lang ng sasakyan 'di mo pa magawa." Gusto ko sana siyang murahin kaya lang baka gawin halikan na naman niya ko. Tss..
"Hindi ko afford bumili ng ganitong mamahaling sasakyan. Sorry ah?" Pangbubuwisit ko.
"Kung maka-insulto ka sa sarili mo."
"Ikaw kaya dyan nang insulto! Porke't walang alam sa mga ganyang High tech ,taong bundok agad? Hindi ba pwedeng mahirap lang 'yong tao?"
"Ewan ko sayo.Bilisan mo na nga! Wag ka sasabay sa'kin pumasok sa gate."
"Assuming? Excuse me.Iyang pagsakay ko nga lang dyan sa kotse mo sapilitan pa.Tingin mo gugustuhin ko pa makasakay ka hanggang sa loob?"
"Fvck!** Tigil tigilan mo nga ko sa kakaganyan Reign! Lagi ka nalang may nakahandang sagot."
Taas noo ko siyang tinignan. "Syempre ,Bobo lang ang takot patulan ka." Naiinis itong lalapit sa'kin ngunit may dumating.
"Uhm.Cedric." Isang babae, may hawak itong dilaw na sobre. Inaabot nito kay Cedric.
"Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong bigyan kita ng white stub." Banta nito.
"P-pero..." lumalim ang tingin ni Cedric. Mukhang alam ko na ang itsurang 'yon kaya hinatak ko ang babae palayo kay Hambog na gangster.
"Miss ,tumigil kana.Hindi ka ba natatakot?" Mahinahon kong tanong.
"May gusto lang akong sabihin kay Cedric." Malungkot niyang tugon habang nakatanaw kay Cedric.
"Maawa ka sa sarili mo.Alam mo naman kung ano nangyayari sa mga babaeng gaya mong may gusto sa kanya.Kahit nga lumuha kayo ng dugo hinding-hindi niya kayo papansinin. Sarado ang puso't-isipan nya sa mga ganyang bagay.Please ,gumising kana lang sa katotohanan. Walang Cedric Kasilag na mabait at kayang tumbasan 'yang nararamdaman nyo." Mahaba kong paliwanag. Umiiyak ito sa harapan ko habang binabasa ang papel na dapat ibibigay kay Cedric.
"Kung hindi niya babasahin ito. Maaari ba, ikaw nalang?" Nagsalubong ang kilay ko.
"Bakit ako?"
"Baka sakaling makinig sayo kung nabasa mo ito."
"Labas ako dyan.Hindi naman kami close ng Hambog na 'yon."
"Pero nakakasama at nakaka- usap mo siya 'di ba? May chance na makikinig siya."
"Ayoko talaga.Baka mapahamak tayong dalawa."
"Please ? Nakapa importante nang sulat na ito." Buntunghininga, bago kunin ng pasikreto ang sulat.
"Salamat Reign." Sabay layas!
"Sandali! Paano mo----" ngunit mabilis itong nakalayo. "Paano mo nalaman ang pangalan ko." Mahina ko nalang usisa sa sarili.
"Nag-aksaya ka lang ng laway sa babaeng 'yon." Nagulat ako dahil nasa likod ko na si Cedric.
May sasabihin pa sana ako pero kaagad niya kong nilagpasan.
Ano naman kaya nakasulat dito? Pwede rin sigurong nagco-confess din siya tulad ng karamihan. Hay , mabuti pa kay Cedric marami nagkaka-gusto kahit ang sama ng ugali.Sa akin? Matalino lang kasi meron ako ,pero hindi maganda at higit sa lahat hindi mayaman.Teka? May naalala lang ako.
Si Joseph may gusto sakin? Hindi ko tuloy maiwasan ngumiti dahil may isang tao pa lang nagkamali sakin. Iyon nga lang, papasok kaya siya? Magkikita kaya kami ngayon sa room? De bale ,na excite tuloy akong pumasok para makita siya.
"Hi Joseph ,Good morning!" Maligaya kong bati. Isang matipid na ngiti lang ang sagot.
"Class.Humanap na kayo ng partner.Lalabas tayo sa para sa isang activity." Niyakap ko agad ang braso ni Joseph. May sasabihin pa sana siya pero huli na dahil na corner ko siya.
Lumabas kami buong klase. Pina-ayos samin ang mga upuan hugis bilog habang sa gitna nito ay mayroon space para raw sa magtatanghal.
"May nakuha na kayong partner. So ,maglalaan kayo ng isang tula tungkol sa kapartner nyo.Kayo rin ang magbibigay ng scores sa isa't-isa then,iba pa 'yong ibibigay ko. Pataasan ng scores dahil kapag kayo ang naging highest score,exempted na kayo sa susunod na exam. Get it?" Hiyawan kami.Ngayon pa lang excited na ko.
Tahimik kaming nagsulat ng tula. Habang si Joseph naman ay parang pa-easy-easy lang ang gagawin.Nagbigay ng hudyat si Prof.upang magsimula.Bawat partner pinatayo sa gitna.Hindi man lang ako kinikibo ni Joseph hanggang sa kami na ang tinawag.Kinabahan ako bigla ng tumitig ito sa aking mga mata, bago magsalita.
"Mauna kana Reign." Hindi ko alam kung 'yong ngiti na 'yon ay masaya ba o pilit lamang.Bigla tuloy ako nakaramdam ng lungkot dahil sa inaasal niya sa'kin.Hindi ako sana'y na ganyan siya.
Kaibigan
Noon pa lang alam kong may kakaiba sayo.
Nagbibigay kasiyahan sa isang tulad ko,
Maaaring sa paningin nila hindi ka sobrang gwapo,
Nguni't taglay mo ang katangian na gusto ko sa isang tao.
Kaibigan , may nais sana akong ipakiusap.
Maaari mo bang tuparin ang aking pangarap?
Ikaw na pangarap makasama sa hinaharap.
Maging sa buhay ko'y prinsipe ang ganap.
Ikaw na laging nasa tabi ko ako'y sanay na.
Sa lahat ng oras ako'y pinapasaya.
At kung dumating man ang araw na aalis ka.
Pwede bang malaman ko kung ako'y maghihintay pa?
Namayani ang ingay ng mga classmate's namin. Alam 'kong marami rin ang kinilig ngunit may ilan nagpasaring sa'kin.
"Ano ba ibig nyang sabihin?
"Gusto niya si Joseph?"
"Oh myyy bagay sila!"
"Pustahan tayo.Kunwari pa 'yang mahinhin pero hihindutin naman!"
Matalim na titig ang ginawa ko sa ilan.Sino sila para husgahan ako batay sa ginawa kong tula? Hindi naman sila ang gumawa nito. Hindi nila alam kung ano ang nasa saloobin ko.Kaibigan ko si Joseph at totoo ang lahat na ito. Mahalaga siya sa akin at ayoko mawala siya ng ganoon nalang kabilis.
"Nice Poem,Miss Tanhueco." Pumalakpak ito habang naka tingin sakin. Sabay lingon naman sa katabi ko. "Joseph ,ready kana ba?"
Napansin 'kong naginginig ang kanyang kamay.Hinawakan ko ito. "Relax. Kaya mo 'yan,para sa grades and exam natin." Nag-nod ito sabay ngiti na rin. Bahagya niyang itinaas ang papel.
Paraan
Para-paraan kung paano ka
makukuha.
Para-paraan upang masilayan ka.
Ginusto ko ba ang bagay na ito?
Itong ako na tuluyang nahulog na sayo?
Maliit lamang ang lugar kung nasaan tayo ,
Ngunit,bakit aking namamalayan na ikaw pala'y malayo?
Malayo bang ika'y umibig sa isang tulad ko?
Na hanggang ngayon ay kaibigan ang tingin mo?
Oo,kaibigan lang sa akin ang pagturing mo,
Ngunit paano naman ba ang nararamdaman ko?
Mahalaga ako sayo nguni't sa paanong halaga ba ang tinutukoy mo?
Ayaw mo ba mawala ako,kagaya ng ayaw kong mawala ka sa buhay ko?
Hayaan mong humanap ako ng paraan,
Paraan kung paano tayo hindi huhusgahan.
Ang mga humahadlang sa atin ay ating pigilan.
Ngunit sa paano nga bang paraan?
Marami na pala ang nanunuod at nakikinig sa amin. Hindi ko inaasahan na nandito sina Cedric na seryoso lamang naka tanaw sa amin. Bigla akong kinabahan. Baka hindi na pabalikin si Joseph sa L-kingdom dahil sa ginawa niyang Tula. Baka isipin nilang ipinahihiwatig kong may dapat siyang asahan sakin. Slow clap si Sir sabay tayo na rin ang ibang estudyante.
"Ang galing niya!"
"Hindi pa rin nagbago ang Joseph natin, 'di ba Girls?"
"Yes! Kahit sino man ang makarinig nang ganoong tula ay labis ka talagang maniniwala."
Nakasimangot akong tumingin kay Joseph habang patay malisya siya sa mga narinig. Mabait nga talaga si Joseph pero totoo nga talagang may pagkachick boy ang dating niya. So , hindi totoo ang sinabi niya sa Tula? Ginawa lamang ba niya ito para tumaas ang marka namin?
Inabot sakin ni Joseph ang papel at pagkatapos ay kinuha ang papel na hawak ko naman.Oras na upang hatulan ang ginawa. One to Ten ang score's na dapat ilagay sa partner tapos sunod naman.Binigyan ko siya ng perfect score habang ako naman ay binigyan niya ng nine score. Hindi na masama.Basta may nineteen scores na kami at ang hihintayin nalang namin ang ibibigay ni Sir. Sabay namin inabot ang papel,ngumiti ito at nagsalita.
"Binigyan mo siya ng perfect score. Bakit?" Usisa sakin.
"Uhm.Maganda po ang pagkaka-tula niya Sir." Tugon ko.Nag-nod naman ito sabay sulyap kay Joseph.
"Nine score naman ang sayo. Hindi ka ba hustong humanga sa gawa niya?" Hinihintay ko ang sagot niya ngunit ang tagal nitong sumagot.
"Maganda naman po." Yon lang sagot mo? Seriously?
Akala ni Sir may kasunod pang sasabihin ngunit na upo ito sa tabi ng classmate namin.
"Okay. Total naman pareho ko na gustuhan ang gawa nyo. Bibigyan ko kayo ng Ten points."
Humarap ako sa mga classmates ko at maging kay Joseph.Nag thumbs up ako ngunit nod lang ang ginawa niya.Nawalan ako ng lakas sa ginagawa nya.Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na ganyan siya sa akin.
Joseph's POV
Hindi ko na gustuhan ang ginawa niyang poem. Ano ba ang pinahihiwatig niya? Alam ba niyang may nararamdaman ako sa kanya? Narinig pa ni Young Master ang poem namin. Baka kaya nagbago naisip nun ay iaalis na niya ko sa Lucifer Kingdom. Nakakalungkot kung ganoon. Hay. Hindi ko kaya kung mawawalan ako ng kaibigan.
"Exempted na tayo sa exam natin! Great Job Joseph!" Bungad sakin ni Reign habang hawak ang poem na gawa namin.
"Mabuti."
"Okay ka lang ba?" Malungkot niyang tanong.
"Okay lang naman."
"Pero hindi naman 'yon ang nararamdaman ko." Yumuko tapos inayos ang butones ko. Pinigilan ko siya pero huli na.
"Kung may problema ka sakin, pwede naman sabihin mo. Hindi naman ako magagalit. Mas okay nga yong magsasabi ka."
"May problema ako." Titig na titig sakin."Hindi sayo.Wag mo isipin 'yon."
"Sabay tayo mag-lunch sa puno." Tinuro niya ang tambayan namin.
"Okay." Sumunod lamang ako. Inayos nito ang malaking tela tapos inilapag ang mga pagkain na dala ko.
"Nadulas si Cedric." Nadulas ?
"I mean , kaya siya humingi ng meeting nun para makipag kalas ang Lucifer sa Viper.Ang dahilan nga raw ay dahil may isang myembro syang may gusto sa Viper." Kumalabog ang puso ko.
"I-ibig mo sa-sabihin na sabi niya kung------ sino?"
"Oo." Seryoso pa rin itong kumakain. "Wag ka nang mag-alala. Hindi naman ako galit.Sa totoo lang,na tuwa pa ko."
Na tuwa siya? Bakit?
"First time lang may magka-gusto sa'kin.Thank you ha?" Kukurap-kurap ako.
Seryoso siya? Sa ganda niya tapos first time lang? Hindi ako naniniwala.
"Baka hindi lang sila umaamin." Satsat ko.
"Tulad mo?" Natigilan ako sa pagsubo.Inabutan niya ko ng tissue. "Bakit Joseph? Bakit mo ko nagustuhan? "
"Kailangan pa ba?"
"Oo naman."
"Wag na."
"Gusto ko malaman."
"Wag na nga eh."
"Gusto ko bumalik tayo sa dati. Iyong close na close.Nag-uusap na walang ilangan at nagtatawanan."
"Ganoon pa rin naman tayo ah?"
"Ako ganoon pa rin ,pero ikaw hindi na.Kakaiba ka nga eh.Ikaw na nga ang may gusto,ikaw pa 'yong nagbago."
"Ano ba nararamdaman mo para sakin?" Uy! Mali. Mali. Mali........
"Mabait ka Joseph.Nagpapasalamat pa nga ko sayo dahil nakilala kita.Lagi mo ko pinagtatanggol tuwing nasa bully series ako.Hanggang ngayon,napaka buti mo sa'kin. Kaya nang malaman kong may gusto ka sa'kin---nag-alala ako."
"Iiwasan mo na ko?"
"Hindi.Hindi ganoon 'yon.Nag-aalala lang ako,dahil baka ikaw ang umiwas sakin.Tulad nang sabi ni Cedric.Makakabalik ka lang sa Lucifer kingdom pero lalayuan mo ko."
Pinanuod niya ko kung paano humugot ng napakalalim na paghinga hanggang sa ibuga ko ito.Nag-aalala sakin si Reign. Ang hirap naman kasi timbangin.
"Kung pipiliin ko ba ang nararamdaman ko may pag-asa ba kong sumaya sayo?"
"Ha?"
"Wala." Balik ako sa pagkain.
"Mahalaga ka sa'kin Joseph. Nakakatawa man,pero hindi ko pa nararanasan magmahal sa isang lalake." Muntik pa kong matawa. "Okay lang, wag mo pigilang tumawa kasi nakakatawa naman talaga." Humalakhak siya ng sobrang lakas.
Iyan ang nagustuhan ko sa babaeng 'to. Simple pero palaban. Hindi siya tulad ng mga simpleng babae bored kasama dahil kakaiba si Reign. Pala ngiti at pala kwento ng kung anu-ano. Ito ang dahilan kung bakit noon pa gusto ko na siya.
A/N ( thank you so much adzjel_ sa magandang Poem
Don't forget: Vote ,comment and share my story.*
Lab yu mga bebe.


Team
JosReign